"Ate!" Sinalubong kaagad ako ni Bianca. She's my cousin, and she's already in grade three.
"Si Erina, nasaan?" Nanikip ang dibdib ko nang mabaling ang tingin ko kay Lola. She's sleeping, pero lumapit pa rin ako.
"Kasama po ni Manang si Erina, gusto raw po kasi ni Erina ng Ice cream. Wala pa po kasi sina Tito at Tita. Pero dito po ang diretso nila, susunduin si Erina."
"Sino ang bantay kay Lolo?"
Nilabas ko muli ang laptop ko at doon ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Kaunti na lang naman ang gagawin ko. Ginawa ko na 'yon kanina habang nasa biyahe.
"Si Ate Lindsay po. Tsaka si Tito Kent."
"Next time, huwag ka na aabsent, okay? May magbabantay naman sa kanila, nandito naman sina Tito mo, okay?"
"Okay po, Ate!" Napansin kong tumayo siya at may kinuhang lollipop.
Napatingin ako sa kaniyang binti na mayroong mga pasa. Nanliit ang mata ko sa naisip.
"Ate, Lollipop po. 'Di ba po, favorite natin ito dati? Stress na po ikaw diyan, lollipop po muna tayo habang nagawa po ikaw."
I smiled. "Thank you, Yanyan!" I hugged her.
Nilabas ko ang ointment ko sa bag ko at pinalapit siya sa'kin.
"Yanyan, would you mind if Ate will ask you something?"
"Hmm? No naman po. What is it po ba?"
"Where did you get your bruises? What happened? You know naman na you can sumbong to Ate, right?"
"Promise po na you won't tell her?" Sa "her" pa lang ay alam ko na kaagad kung sino na naman ang nanakit sa kaniya.
"I promise," I raised my hand.
"I-it was Tita Sandra po," I knew it.
"What else she did to you? What happened ba? Bakit ka niya sinaktan?"
"It was my fault naman po kaya niya ako kinaladkad, hindi naman po 'yong literal na kinaladkad na sinasabunutan po. Nakaupo po ako noon tapos po hinigit niya 'yong kamay ko papalabas ng kwarto. Nadanggil ko po 'yong kape niya sa draft niyang project. Pasahan na rin po kasi no'n kinabukasan. Gabi po iyon nangyari."
"Why don't you tell your parents? Or to Mama and Papa? Or even me?"
"I'm scared po kasi. I'm scared po na kapag sinabi ko po sa inyo iyon and once na malaman niya po, baka saktan niya po ako ulit. And kawawa po si Tita Sandra. Please po, promise me that you won't make it sabi to anyone else..."
"She won't learn if hindi natin pagsasabihan. I promise! Pero bunso, once you experienced that again, at least tell someone you know that can help you. Sa bahay ka naman nag s-stay ngayon, 'di ba?"
"Opo. Kaya safe na po ako. Nagaling na rin po 'yong mga bruises and sugat ko."
Maya-maya pa ay dumating na rin ang kapatid ko. Pinagpatuloy ko ang mga ginagawa ko.
Wala pa akong tulog. Kahit idlip, wala. Mas mabuti na rin, para after ko makatapos dito, matutulog na ako at gagawin ko na 'yong iba ko pang mga activities.
"Anak, sa bahay ka na matulog. You can go here again tomorrow. Just give yourself a rest."
Nakabisita na rin ako kay Lolo. "Sige po, para may stable network din. May mga kailangan pa po kasi akong gawin."
Nang makarating kami sa bahay ay doon ko palang nabuksan ulit ang cellphone ko. Almost a dat akong hindi nag ce-cellphone. Babad lang ako sa IPad at Laptop ko habang ginagawa ang research.
BINABASA MO ANG
Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Eline Viera came from a simple family. She's known as consistent honor student. She's almost perfect. People expect too much from her. People look her up. Halos nasa kaniya na ang lahat, pero ang tingin niya sa kaniyang sarili a...