Chapter 14

277 7 3
                                    

"Congratulations! I told you, sis! Mananalo ka."

Nakapagbihis na ako. Bale, iyong batch shirt namin ang suot ko and 'yong pants na binili namin ni Fraze.

"Eline, blue lemonade oh, favorite mo ito, 'di ba? Binilhan kita." Napalingon ako kay Kent. Kaklase ko.

"Uy, Kent! Salamat, ha?" Ngumiti ako sa kaniya.

"You're so gorgeous, Eline," ramdam ko ang titig niya sa'kin.

Nginitian ko na lamg siya. I honestly don't know how to take compliments.

"Eline, may pupuntahan lang ako, ha?" Pagpapaalam ni Rai.

"Sige, maya-maya ay bumalik ka na, ha? Baka mag-start na."

Mas inuna lang talaga ang Best in Gown, hinihintay pa kasing matapos ang ibang mga may klase. 'Yong mga kasali lang talaga sa laban na 'yon ang nandito kanina.

Napatingin ako sa bleachers kung nasaan ang mga grade twelve at natanaw ko si Kendrick na bumaba at pinuntahan si Rai.

"Eline, balik na ako sa pwesto ko. Enjoy your lemonade," ngumiti siya sa'kin.

"Salamat ulit! Sige, balik ka na sa pwesto mo."

Nahagip ng pangingin ko ang pwesto ni Fraze. Nang magtama ang tingin namin agad niya akong tinaasan ng kilay kaya naman inirapan ko siya.

Hinintay ko na lang magsimula at syempre, hinihintay ko rin ang bruhilda. Ang tagal.

Ilang minuto pa bago magsimula. Nag-start sa opening prayer and ang sumunod ay ang mga yell for every grade. Means, kalaban din namin ang grade 12.

Bilang isang bida-bida, tumulong ako sa paggawa ng yell. Akalain mong madaming nag-agree sa ginawa kong part.

Sinimulan 'yon sa mga programs. Mayroong mga kumanta, sumayaw. Mayroong mga small booths. Hindi 'yan booth for foods na free or bibilhan. Stage 'yan for freshmen.

As far as I know, stage 'yan dahil lalagyan sila ng blindfold then bubunot sila sa paper and kung ano mabunot nila ipapakain 'yon sa kanila.

Madaming mga hinanda na pang-welcome sa mga freshmen students. Ang mga sophomore ay hindi na i we-welcome as a highschool student, pero kasama sila sa auction.

"Talaga namang mga palaban ang mga yell bawat year level, ah! Naku! Excited na ako para sa mga inihandang pa-welcome para sa mga freshmen students! Pero kung may mas excited man, aba'y syempre, ang mga seniors!"

"Tunay nga ba na ang mga freshmen ay hindi magpapatalo? Ang sophomore ay hindi nagpapatinag? Ang juniors ay malalakas? At ang grade ten ay walang palya? At ang mga grade eleven ay matitikas? At ang huling grade ay walang bahid na kahinaan? Well, let's see!"

Bukas ay saturday and mayroon pa kaming isang acquaintance party. For senior high school lang 'yon. Doon kami literal na naka-gown or dress.

Inumpisahan sa auction. I really had fun with this. Bale the mechanics of this, it's actually a bidding kasi. Like halimbawa sa painting or any thing, mayroong mga bidders. Pataas nang pataas ang kanilang mga bid. Then kung sino 'yong may pinaka mataas na bid sa kaniya 'yon.

Pero in this time, mga students naman ang aanuhan ng bid. Mayroon kaming mga paper money and kung sino ang may pinakataas na bid sa kaniya 'yong student until matapos ang party.

Then ang kasunod ay mga naka-blindfold sila and bubunot sila ng mga paper. Ang mga nakalagay roon ay different foods. Iba-iba. Pa-swertehan na lang talaga.

Bawat stages ay may iba't iba, need iyon kainin ni player para makaalis sa stage. Pero once na hindi niya 'yon kainin at nahuli na siya, mapupunta siya sa jail booth hanggang sa matapos ang game.

"Gago, pati pala tayo kasali? Akala ko tayo lang ang magpapa-welcome."

"Okay, grade eleven, listen. Mayroon kayong mga guide. So kailangan niyong umakyat sa third floor, mayroong mga flags doon. Kailangan, bawat strand may makuhang flag. Mayroong time limit 'to, kailangan niyong makuha ang flag sa third floor within eight minutes only. Ang kasama niyong guide ay ang mga grade twelve students. So sila na ang bahala kung sino ang sasamahan nila. Guide lang sila para walang maaksidente. Ang flag na kailangan niyong makuha ay ang color code ng strand niyo."

"Grade twelve you know what to do, okay?" Grade twelve students replied "yes".

"Grade twelve? You may now proceed sa napili niyong i gu-guide."

"Let me," wala na akong nagawa ata hinayaan si Fraze na lagyan ako ng blindfold.

Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon