Chapter 45

163 9 0
                                    

"Saturday work, Ate Eline?" My cousin, Bianca asked me.

"Not really. I just have to visit the company, plus, I need an update about doon sa pinapatayong bagong company. Sa Malabon."

"Uuwi ka pa, Ate?" Napatingin ako sa tanong niya. Parang hindi na ako uuwi, ah?

"Oo naman. Madali lang ako roon. Siguro mga 2-3 hours lang. Bakit? Pero, May appointment din nga pala ako sa dentist ko after that, pero mapapa-aga pa naman siguro."

"Gusto ko ng Pancit Malabon!"

"'Yon lang? Ask mo si Tita Sandra mo kung may ipapabili. Hindi pa 'yon nalabas ng kwarto, ah?" Saad ko sa kaniya habang inaayos ang damit ko.

"Ay, ako na pala, Bianca," pigil ko sa kaniya nang palakad na siya pataas papunta sa kwarto ni Sandra.

Kumatok ako sa pinto ni Sandra, pero may narinig akong parang may kausap siya. "Love, sorry, pero hindi ako pwede ngayon. Ayokong iwanan dito sina Bianca."

My eyes widened. Love? May boyfriend na pala ang isang ito? Hindi na naman ako magtataka.

Aalis na sana ako pero biglang bumukas ang pinto. "Ate," ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari.

"Boyfriend mo?" Tanong ko.

"Uh, yes, Ate. Bakit? May naalala ka ba sa call sign namin? Sorry," nag sad face pa siya.

"Ewan ko sa'yo. Pupunta ako sa Malabon. Madali lang ako ro'n. Babalik naman ako. May gusto ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Sapin-sapin at Pancit Malabon lang, Ate. Thank you!"

"Sige, sige. Si Vanvan at Bianca ay iiwanan ko muna sa'yo. Si Erina ay may lakad mamaya. Ikaw na muna ang bahala rito, ah? I-message mo na lang ako kung ano ang kailangan niyo."

"Sige, sige, Ate. Mag-isa ka lang? Ano sasakyan mo? Wala si Ate Veronica, gamit ang sasakyan niya."

"Commute muna. Bibili na rin naman ako ng sasakyan mamaya. Kaya ko nga aagahan. O siya, paalis na ako. Ikaw na muna ang bahala rito."

"Sige, Ate. Good luck! What if makita mo ulit ang–"

"Tigil na, Sandra, pepektusan kita diyan."

"'To naman! Sige, ingat! Pasalubong, Ate ha?"

"Oo na," umalis na ako sa kwarto niya at bumaba na. Actually, excited na rin ako mag-commute ulit. Ang tagal na kasi simula noong nag-commute ako. Senior high? Mag je-jeep talaga ako papunta sa bilihan ng sasakyan.

Black top and beige na trouser ang suot ko. Sa shoes ko ay heels na hindi kataasan.

Tiningnan ko muna kung kumpleto ba ang mga dala ko. Good thing, wala akong naiwanan. 

"Good morning, Ma'am!" They greeted me.

"Good morning!" I bow my head.

Kausap ko si Miss Frenzy habang pumipili ako ng sasakyan. Parang may natipuhan na ako kaagad.

"Miss Frenzy, I'll get this one," turo ko sa Fairlady Z.

Pinirmahan ko ang mga dapat pirmahan. Nangangati na ang kamay kong humawak sa manibela. 

Naghintay pa ako and finally, nakuha ko na siya. I thanked them before leaving.

Nag-call ako kay Ate para magyabang sa kaniya na may bago akong sasakyan.

"Akala ko ba ay McLaren ang bibilhin mo?" Tinawanan niya pa ako.

"Pansamantala lang ito. Tsaka na ako bibili no'n kapag nakapagpatayo na ako ng sariling bahay. Para may maayos na parking."

Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon