Chapter 4

363 10 2
                                    

"Iyon pala ang pinsan mong grade 12? Tama ba?"

"Yep! Si Kuya Fraze."

"Mahilig ka pala sa takoyaki?" Tanong niya kaagad sa akin.

"Oo," tumawa ako. "Halata ba?"

"Oo, sis. Pero okay lang 'yan."

"Ikaw ba? Gusto mo itry?" Tumusok ako ng isang takoyaki at binigay sa kaniya.

"Hindi ako nakain niyan, e. Hindi ko gusto 'yong amoy."

"Gusto mo i-try? Masarap siya, promise!"

"Hmm... sige," binigay ko sa kaniya iyong nakatusok na at kinuha naman niya iyon.

Paunti-unti lang niya iyong kinakain. Wari ko'y nagustuhan niya iyon!

"Tama ka. Masarap nga siya!"

Nagkwentuhan pa kami sa iba't ibang mga bagay hanggang sa dumating 'yong pinsan niya bigla.

"Hi Kuya! Ginagawa mo dito?"

Napalunok ako nang pasadahan niya ako ng tingin.

"Just checking on you. Ano kinain mo?"

"Ayos naman ako. Pasta lang. Ayoko kumain ng rice eh. Pati kumain ako ng Takoyaki."

"Takoyaki?"

"Yep! It's masarap pala."

Hindi ko alam kung babati ba ako o ano. Nakita naman na niya kanina? Hayae 'yan, isipin na niyang bastos. Nakakahiya lang bumati. Mukha rin naman siyang walang pake?

"Anyways, this is Eline, Kuya. I know you've seen her earlier with me. Pero I'll still introduce her to you."

Tumango ako. "Good noon po."

I'm still hoping na hindi na niya ako tanda. At kung tanda naman niya ako, please lang. Huwag niyang i-open sana ang topic dito sa harap ng pinsan niya. Nakakahiya.

Kung bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng madamay ko sa pagkadapa ko, bakit nasalo pa niya ako? Tanga kasi nung bato.

"Good noon."

Mabuti na lang at nag-aya na rin si RV umalis.

Sinipat-sipat niya muna ang paligid bago magsalita. "Hindi ka mapakali 'no?"

"H-huh? Hindi naman."

"Sus! Pansin kong uncomfortable ka kanina, kaya nag-aya na akong umalis. Sorry, in-introduce pa kita sa kaniya."

Huminga ako nang malalim. "May nangyari kasi."

Nasamid siya sa kaniyang iniinom na drink. "I-I mean ano, like kahihiyang nangyari ganoon. Ganito kasi, noong nag-enrol ako, nilibot ko muna itong campus. Then hindi ko nakita na may bato pala sa dadaanan ko. Ayon, natalapid ako, then saktong malapit lang siya, kaya pati siya muntik na ma-out of balance, buti na lang nasalo niya ako. Nahihiya ako, lalo na sa mga sinabi ko, akala ko kasi never ko na siyang makikita."

"Sige na, tumawa ka na. Huwag ka na magpigil pa," irap ko sa kaniya nang makita ang pagpipigil niya.

Umiling siya at uminom na lang ng iniinom niya kanina pa. "I bet, tanga 'yong bato, oo."

"'Di ba? Tanga 'yong bato, hindi ako. Kasi sa lawak noong field, doon pa niya napiling tumambay."

Magkausap lang kami at tawanan nang tawanan hanggang sa makarating kami sa classrooms namin.

Hindi na rin siya lumipat ng upuan. Doon na talaga siya umupo sa katabi ko.

Natapos ang first day ko na naging maayos naman. Nang makauwi ako ay nag-shower kaagad ako.

Spaghetti strap lang ang sinuot ko at short dahil dito lang naman ako sa condo.

Raia Valentine sent you a friend request.

I confirmed her and napagdesisyunan ko na i-stalk siya.

Raia Valentine
Happy birthday sung8! Libre mo ako kasi birthday mo! Fraze Macen

Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon