And that one week without classes, as we expected, tambak kami sa mga gawain.
What do you expect?
Ang walang katapusang pagiging leader ay maayos ko namang nagagampanan. Ang mga defends namin ay maayos naming nade-defend. Nasasagot namin nang maayos ang mga tanong.
Lahat ng mga exams and quizzes ay naipasa ko. Tulong kami ni Fraze sa pag-aaral. Nirereview niya ako. Nirereview ko siya.
Naging gawain na namin ang study date. Kapag ayaw namin lumabas, mas nagfofocus kami sa pag-aaral nang sabay. O hindi kaya'y manonood kami ng movie sa bahay nila o sa condo ko. Pero syempre, kasama si Rai at Ken. Kung sa condo ko. Pero kung sa bahay nila ay hindi.
Mas nag fo-focus kami sa isa't isa. Iyon talaga ang gawain namin. Kapag nagkikita kami, getting to know each other lang palagi. And I love that. At this part, mas nakikilala ko siya.
We always tell to each other na mag-lean lang kami sa isa't isa. Hindi naman masamang mag-open. Hindi masamang sumandal. Mas magandang may masasandalan ka dahil alam mong may karamay ka.
Though we like each other, ay, no. I love him. So much. I love the way he respects me. I love the way he respects my family. I love the way he respects my time. I love him being himself. I just love him.
Kahit madalas kaming nagkakasama ni Fraze, hindi pa rin nawawala ang friendship namin ni Rai. Hindi nawawala ang closeness namin. Lagi pa rin naman kaming magkasama. Kapag may mga activities kami, sabay kaming gumagawa.
And nitong mga nakaraang projects ay kami ang magkasama. Kaming mga may honors. Mabuti nga. Para matutong gumalaw mga kaklase namin. Hindi iyong palaging umaasa sa "leader". Hindi naman sinadya. Nagkataon lang talaga. Bunutan, e.
Hanggang sa dumating na ang Christmas party namin.
Syempre, bago pa man dumating itong araw na ito ay sinugurado muna naming ayos na ang lahat. Nag-plano kami. Isa pa, mabuti na talagang hell week kami every week dahil ngayong Christmas party ay tapos na. Tapos na ang mga kailangan naming gawin. No projects. No quizes. No exams. No defends. No research. No activities.
Next year na ulit.
Iba pa ang christmas party namin sa room. Bukas ay Christmas party namin sa buong Senior High.
Mag dadala kaming mga party lights. There's no prohibited naman. Except of ALCOHOLIC DRINKS.
May palaro si Miss para sa amin. Kagabi kasi, we sent our baby pics to her. And siguro iyon 'yong lalaruin namin? Huhulaan.
Ang theme ay White Christmas. Until tomorrow, white Christmas ang theme namin.
Fitted skirt na medyo gold ang isusuot ko sa pang-ibaba. And then cropped tank top. And then my white blazer.
For my shoes. Of course, heels. Hindi naman kataassan 'yon. Paano na lang kung madami sa Elevator? Aakyat pa ako ng hagdan.
Sakto lang ang taas niya. It's a boots with a heel. A white boots.
Wala ako masiyadong alam sa make-up, what the hell are these? Rai just gave it to me. And she didn't insist to help me with these? Ano'ng alam ko sa mga ganire?
Bago ko pa man hawakan 'yong mga make-uo ay tumunog ang phone ko.
Rai:
Mamaya ka mag make-up. Puntahan kita hehe. Don't worry di ko nmn ksama ang isang ibon 😊😊
Ako:
Alright!! Ingat ingat. We'll see u latuh!
The only thing I know here is 'yong pangkulot ng hair, so iyon ang ginawa ko muna. Beach wave lang ang ginawa ko sa hair ko. Syempre, naglagay ako ng hair spray. Para tumagal ang kulot nitong buhok ko.
Tinititigan ko ang mga make-up na nasa harap ko. Binilhan ako ni Rai. Kailan kaya ako matututo nito? O matututo pa ba ako nito?
Si Mama naglalagay niyan, pero hindi ko masuri kung anu-ano ang mga iyon. Ang dami niya kasing nilalagay. May black eyeliner na, maglalagay pa siya ng white. Then mascara? Iyon lang naman ay kapag may date sila ni Papa.
Si Lola ay mahilig rin sa mga make-up. Hindi ko alam kubg bakit hindi ako humilig sa mga ganito. Mascara at 'yong eyeliner tsaka 'yong eyeshadow at
lipstick lang alam ko.May nilalagay pa silang pampaputi sa ilong? Highlighter baga iyon? Sa papel lang ako naglalagay no'n.
Never mind. Tumunog ang cellphone ko. It's obviously Fraze my tweety bird.
Si Bff:
We'll see each other later. Can't wait to see you, miss.
Si Bff:
You.
BINABASA MO ANG
Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)
Ficção Adolescente[C O M P L E T E D] Eline Viera came from a simple family. She's known as consistent honor student. She's almost perfect. People expect too much from her. People look her up. Halos nasa kaniya na ang lahat, pero ang tingin niya sa kaniyang sarili a...