Pagkatapos noon at dumiretso na ako sa hospital. I thank Fraze and Rai for visiting me. Also to Ken for giving me a ride.
"Ate! You're here, you're here! Lola's looking for you po," sumalubong sa akin ang kapatid kong mayroong malaking ngiti.
Agad ako na lumapit kay Lola at nag-mano. "Nandito na po ako, Lola."
"Saan ka galing?" Mahina ang boses niya ngayon.
Mayroong mga pagkakataon na medyo malakas ang boses niya at nakakaintindi siya, may mga pagkakataon din na limot siya palagi at hindi umiimik.
"Steafee po. Kumusta po kayo?"
"Ayos lang..."
"Ikaw ba?" Dagdag pa ni Lola.
"Okay na okay po ako Lola."
"Bakit ang dami niyo palang dalang kahon ni Ken?"
"Bigay ng crush ko, M–" I stopped when I realize.
"Crush lang? Hindi manliligaw?" She teased me with her voice and her evil smile.
"M-manliligaw po..."
"Ayon! Nadali mo! Huwag ka mag-alala, 'nak, danas ko 'yan. Noong naliligaw pa lang sa'kin Papa mo. Huwag ka matatakot magsabi kung may manliligaw ka o boyfriend ka na, okay? Been there, anak."
"Tama mama mo... g-ganiyan din siya n-noon. S-sianbihan namin siya ng Lolo mo na... ayos lang... kasi danas namin 'yan noong panahon..."
Kita ko sa mga mata ni Lola ang kaniyang ngiti.
"Tell me, 'yon ba 'yong pumunta sa condo mo?" May pang-aasar sa tinig ni Mama.
"Hindi pa niya naman po ako noon nililigawan."
"So, siya nga?" Pag-confirm ni mother.
"Opo."
"Eighteen years old ka na next year, 'nak. Debut mo anak. Ano ang gusto mo?"
"Gusto ko po maging maayos na sina Lolo at Lola. At sa mismong araw ng debut ko, dapat nandoon sila sa tabi ko po. That will be the best gift!"
Chinika ko muna si Lola nang kaunti at si Lolo naman ang pinuntahan ko.
"Lo, musta po ikaw? Wala po bang sumasakit?"
"Eline... ikaw pala. Wala naman. Ayos lang si Lolo," ngumiti siya sa akin.
Mapait na ngiti ang sinukli ko. Duda ako. Hindi ako mapanatag.
"Lolo, ano po masasabi mo? May nanliligaw na po sa'kin."
"Mabait ba?"
"Opo."
"Type mo?"
"Gusto po."
"Hija, ito ang masasabi ko sa'yo. Kapag may nanliligaw sa'yo, at halimbawa'y nagkataon na gusto mo ng boyfriend o katipan, pero hindi mo gusto ang manliligaw mo, huwag mong ire-reject kaagad."
"Men are courting women to prove something. Kaya kami nanliligaw para magustuhan kami pabalik no'ng aming nililigawan. We court women to prove our love. To prove them what we can do. We shows our intentions why we court you. Because, we want to marry you."
"Hindi ko lang alam sa mga lalaki ngayon. Mayroong mga nanliligaw sa babae at kapag umabot ng ilang buwan ay sumusuko kaagad. Mayroon namang mga kalalakihan na kahit matagal nanligaw ay nakuha pa ring magloko. At mayroon ding mga lalaki na habang nililigawan ay may iba na palang nilalandi."
"Bilang nakatatanda sa'yo at danas ko noong kapanahunan, bigyan mo ng pagkakataon. Tingnan mo kung hanggang saan niya kakayanin. Obserbahan mo kung totoo ba siya sa'yo. At ikaw, hija, huwag kang magpapanggap halimbawa, ha? Ipakita mo ang tunay mong ugali. Kasi baka kapag naging kayo at doon pa lumabas ang tunay mong ugali, ma-off siya sa'yo. Ipakita mo kung sino ka talaga, ilabas mo ang tunay mong ugali. Pero hindi ko naman sinasabi na maging mataray ka sa kaniya, ha? Hindi ka naman ganoon."
"Basta tatandaan mo, when someone courts you, show them who you truly are. Don't reject them easily, give them a chance. Let them prove you what they want to prove to you. Hayaan mong patunayan nila kung hanggang saan nila kaya."

BINABASA MO ANG
Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Eline Viera came from a simple family. She's known as consistent honor student. She's almost perfect. People expect too much from her. People look her up. Halos nasa kaniya na ang lahat, pero ang tingin niya sa kaniyang sarili a...