"I told you a lot of times na huwag mong idadamay ang bata. It's not nice, Sandra. Kung hindi ko pa mahuhuli ang gagawin mo sa bata ay hindi pa tayo magkaka-usap. Sandra, help yourself to grow up. Highschool ka na. At Highschool ka pa lang ganiyan ka na. Bata? Sinasaktan mo?" Hindi nakapagtiis na sumbat ko.
"Hindi ko ma-ano na may ganiyang katulad mo. Kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa'kin ah? Ilang beses kitang tinatanong kung maayos ka lang ba. Araw-araw, Sandra, I always check on you! Pero what are you doing? Hindi ka nagsasabi. Kapag tinatanong ka, ikaw pa ang nagagalit. I'm always concern about what you feel, Ate mo ako. Ako ang nakatatanda sa'yo, syempre't mag-aalala ako sa'yo. Kung ayos ka lang ba o ano. Pero itong punto na pati bata, sasaktan mo?"
"What do you think Tito and Tita would feel and think once na malaman nila 'to?"
"Hindi naman nila malalaman kung walang epal na magsusumbong," walang pakialam na saad niya.
I sighed heavily.
"Sandra!" Nagulat ako sa sigaw ni Kent.
"K-kuya..."
"Kent, huwag mong sasaktan," pangunguna ko.
"E paano ito matututo, Eline? Kung palaging hinahayaan?"
"Kahit saktan mo, hindi 'yan matututo. Mas lalala lang. Kaya siguro nagkakaganiyan dahil kung ano ang nakikita o ginagawa sa kaniya ay na a-adopt niya. Kaya ginagawa sa iba. Kausapin natin nang maayos."
Sandra won't be like this if hindi niya na a-adopt mga ginagawa sa kaniya ng mga magulang niya. Simula nung Elem hanggang siya'y nag Highschool ay palagi siyang sinasaktan. Mabuti na lang at nakulong na ang kaniyang mga magulang. Marami pang ibang mga kasalanan, e.
Kahit na sinaktan niya nang maraming beses si Bianca, ayaw ko pa rin na sasaktan siya ni Kent. Mali 'yon. Though mali rin naman si Sandra, pero I think it's not a good Idea. Maaaring mas lumala lang 'yong trauma nung bata at gawin pa ulit. Pwede pa naman kausapin si Sandra sa maayos na paraan.
I tried not to shout at her earlier. Kahit medyo nakakaano lang, pinipigilan ko pa rin. Baka mamaya, ma-adopt na naman niya at gawin na naman sa iba.
Hinayaan ko na muna mag-usap si Kent at si Sandra. Pinuntahan ko muna si Bianca sa kwarto. I was surprised na gumagawa lang siya ng project niya.
Nang maramdaman niya siguro na may tao ay tumingin siya. She's just smiling. No tears falling. Just her precious smile.
"Ate? Nandiyan ka po pala."
"Tinitingnan lang kita. Ano, masakit ba 'yong kurot sa'yo?"
"Hindi naman po. Promise po, hindi po masakit. Ate, sana po hindi niyo saktan si Tita Sandra. I understand her po kung bakit ganoon siya. Kasi po, iyon ang nakikita niya sa magulang niya."
"Don't worry. Kakausapin namin si Tita Sandra mo, okay? Tapusin mo muna 'yang ginagawa mo. Maya-maya ay uuwi na rin si Ate, kasi baka dumating na sina Erina."
"Sige po," ngumiti siya sa'kin.
Ngiti na lang rin ang ginanti ko sa kaniya at lumabas ako ng kwarto.
"Inggit na inggit na ako sa inyong lahat. Kasi kayo maaayos kayo! Kasi kayo, natutuunan ng pansin ng mga magulang. Paano naman ako? Na tuwing nagkikita kami, imbis na yakapin nila ako, sinasaktan ako! Inggit na inggit na ako. Na sana, ako rin. Sana ako rin may maayos na magulang. Kaya nga ako inampon. Kasi pinabayaan ako ng mga magulang ko. Kasi pinamigay nila ako. Nasa inyo na kasi ang lahat... sana ako rin..."
"Na sana... ako rin, mahal ng mga magulang. Na sana ako rin hindi pinamigay. Sana ako rin minahal nila nang sobra katulad ni Kuya Kent. Inggit na inggit ako sa inyo... pero tuwing naaalala ko na ma-swerte pa rin pala ako kahit papaano. Kasi pinupunta-puntahan ako ng kapatid ko..."
"Paniwalaan niyo ako, kahit ngayon lang. Sinubukan kong kontrolin ang ugali ko. Sinubukan ko..."
Inalis niya ang jacket niya at tinaas niya ang kaniyang pajama.
Nanlaki ang mata ko sa dami ng kaniyang sugat at pasa sa paa. Madami siyang scratches at sugat sa kaniyang braso. Her wrist has a lot of barcodes.
"E-everytime I made a mistake, I-I always hurt myself. Kasi hindi ko napigilan. E-everytime na may nagagawa akong mali kay Bianca, I always give her things that can make her happy. I'm sorry po. I always apologize to her."
May tumulong luha mula sa mata ko dahil sa awa. She needs to be check.
Kaya pala ang daming barbie at mga stuff toys ni Bianca. Sa kaniya pala galing. Hindi naman kasi binibilhan nang madaming toys si Bianca, kasi hindi rin naman daw malalaro lahat at kasasawaan lang ng bata.
She needs a therapist.
Lumapit ako sa kaniya.
"Sandra, I'm sorry, sorry sa mga nasabi ko kanina. I'm sorry kung napagtaasan ka ni Ate ng boses," may tumulong luha mula sa mga mata ko.
Lumapit din sa kaniya ang kapatid niya.
"Bunso, pasenysa na kung nasaktan ka ni Kuya..." iniwan ko muna silang dalawa para kumuha ng tubig.
Nang makabalik ako ay nadatnan kong may itinanong si Kent sa kaniya.
"Sandra, ayos lang ba sa'yo na ipatingin ka namin?" Napatingin ako kay Kent. Sang-ayon ako sa kaniya.
"T-talaga po?" Parang nanliwanag ang kaniyang mga mata.
She wants to be check. Pero siguro hindi niya masabi kasi nahihiya siya. O kaya baka iniisip niya na gastos lang.
"Oo. Para matulungan ka. Para maging maayos ka. Pasensya ka na rin kanina. Hindi ko lang talaga nagustuhan na pati bata ay gaganunin mo."
"P-pero gagastos pa po kasi... baka mahal. Sayang pera."
"Ano naman? Kami naman ang gagastos ah? Huwag mo nang isipin ang gastusin. Kami na ang bahala roon. Walang sayang na pera kung sa health ang pag gagastusan. Tandaan mo 'yan."
"Yep. Your Kuya Kent is right. Kami ang bahala sa'yo. Basta, tulungan mo rin ang sarili mo, ha? And I'm sorry about earlier. I hope this case ay hindi na maulit. We'll help you, Sandra. Kami ang bahala sa'yo, okay?"
BINABASA MO ANG
Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)
Novela Juvenil[C O M P L E T E D] Eline Viera came from a simple family. She's known as consistent honor student. She's almost perfect. People expect too much from her. People look her up. Halos nasa kaniya na ang lahat, pero ang tingin niya sa kaniyang sarili a...