18 years ago...
Serenity Xavie
"Anak tara na at ma-lalate tayo!" Dali dali akong tumakbo pababa ng hagdan dala dala ang bag ko na may lamang toys, extra clothes, at pangswimming. Pupunta kasi kami sa bahay ng bestfriend nila mama at papa at may pool daw doon.
"Here na po ako." Masayang sabi ko at binitbit ang bag papunta sa kotse.
"Nity, wag ka masyadong makukit doon ha? Mag laro lang kayo nung mga anak nila tita Cherry mo pero wag masyadong malikot." Sabi ni mama.
"Yes po mama. Good girl naman po ako." Sagot ko.
Medyo malayo ang binyahe namin pero hindi naman probinsya ang narating namin kundi isang pangmayamang subdivision. Sobrang liblib kasi kaya ang tagal ng byahe.
Dali dali akong bumaba ng sasakyan at namangha sa laki ng bahay. Kahit naman malaki rin ang bahay namin ay mas malaki naman ito!
"Calme! Reen!" Narinig kong sigaw ng isang magandang ginang kasama ang asawa nito.
"Cherry! Cial!" Sigaw naman ni mama at papa na halatang tuwang tuwa.
"Naku, eto na ba si Serenity? Ang gandang bata." Sabi sakin ni Tita Cherry.
"Hello po, ako po si Serenity pero Nity nalang po, rhyme sa pretty." Sabi ko at nagmano.
"Tara na at pumasok na kayo. Tawagin ko lang ang mga bata." Sabi naman ni Tito Cial.
Maya maya ay may dalawang bata ang lumabas ng bahay. Isang babae na mas bata sakin at isang lalaki na mas matanda naman sakin. At tulad ng mga magulang nila, maganda rin ang lahi ng mga ito. Lalo na yung kuya, rawr, ang pogi.
"Hello." Nahihiya ko pang sabi at nakakapit sa binti ni mama.
"Aid, Thany, these are your Tita Reen and Tito Calme. Mommy and daddy's friend from college." Pakilala ni Tito Cial.
"Hello po tita and tito, I am Aiden Lee and this is my sister Nathany Lee." Sabi ni Kuya Aid.
"Hello po. Ate ano po name mo?" Sabi sakin ni Nathany.
"Uhm... Serenity." Nahihiya ko pang sabi.
Nathany looks so friendly at sure akong magiging close kasi agad, while Aiden? Geez, pinaglihi ata ito ni Tita Cherry sa yelo. He looks so cold hearted but damn so hot at the same time. Gosh Nity, ang bata bata lumalandi ka na agad.
"Thany, show Nity your play room or you can swim. Just be careful ha? Ask yaya to watch over you pag mag swim kayo." Sabi ni Tita Cherry.
"Yes po mommy. Tara ate show ko sayo play room ko." Sabi ni Thany at hinila ako papasok habang si Aiden, nakasunod lang samin.
BINABASA MO ANG
Me & U (On hold)
General FictionThey said that opposite sex can't be friends, in their case, will this be true? They are together since childhood, alam nila ang bawat liko ng bituka ng bawat isa. What if one day Aiden Lee, asked Serenity Xavie to pretend to be his girlfriend? Wala...