Serenity Xavie
"As in ngayon ka lang dumating?" Tanong ko as we were driving towards somewhere. Di ko alam kung saan eh, ayaw naman sabihin nung mokong.
"Yup, I just came from almost a day flight." He said as exhaustion is evident in his face. Pero ang daya lang, kahit kitang kita eyebags niya, apaka pogi pa rin. Unlike na kailangan tapalan ng concealer.
"I'm touched ha, ako pa talaga una mong pinuntahan pag ka-uwi mo." I laughed
"Alam ko kasing miss na miss mo ako. Pag di pa kita pinuntahan baka mabaliw ka na." He groan in pain as I pinch his cheeks. Hirap pa nga pisilin kasi wala siyang taba sa mukha, mhie nung nagpaulan ng blessing sinalo niya talaga lahat.
"Teka nga, saan mo ba kasi ako dadalhin?" I asked kasi kanina pa siya nagdadrive. I suggested that I'll drive earlier pero ayaw niya naman.
"Basta, chill ka lang diyan. I know you're tired more than me. Di kaya biro ang paikot ikot sa eroplano." He said even debating na siya mahaba byahe niya pero nakaupo naman daw siya sa first class kaya in the end, nagpatalo nalang ako.
"Here we are." Masaya niyang sabi as we reach our usual restaurant at hinila na agad ako palabas.
"Taray, libre mo?" I asked, just joking him kasi ang ganda ng mood niya as is.
"Of course, yayamanin na ata ako." He replied, giving me his calling card and my eyes literally widened reading it.
Harpus Corporation
Office of the Vice President: Aiden Lee
09XX-XXX-XXX
"VP ka na ng Harpus?!" I bluted out. I know naman na soon he will take over the company, I am just happy that he is slowly achieving his dream. I'm proud of him.
"U-huh, pogi na, VP pa, apaka swerte mo naman sa kaibigan." He replied as he eat his food, even complaining na hindi raw masarap pagkain sa eroplano.
We talked about different things, literally catching up for what happened to us in the last 5 years. Kaya pala di ako pinansin nung mokong for a month, gusto raw niya supresahin ako. Mababatukan ko to eh.
He drove me towards my condo residence. Di na kasi ako kila mama natuloy since medyo malayo yun sa airport. I bought my own unit in a condo residence na few blocks away lang from the airport. Secured village rin ito dahil medyo high-end. Marami naman na kasi akong ipon from my work.
"This is a nice place. Pwede akong mag gate crash dito minsan? Malapit lang sa office eh." Sabi niya habang naglalakad kami paakyat ng unit. Gusto niya raw kasi makita.
"Anytime, bigyan nalang kita ng access card at ilalagay kita sa resident list para papasukin ka sa guard." Sabi ko at pinindot ang code sa pinto.
"1106?" Sabi niya nang makita ang passcode ko.
"Debut date ng Super Junior" Nakangisi kong sabi.
"Super Junior? A k-pop group?" Sabi naman niya lalo na makita ang isang cabinet kong albums, merches, at light stick.
"Yup, look oh, kamukha mo si Lee Donghae, kaso nga lang mas pogi siya, Siguro kamag-anak niyo to." Asar ko. Aiden is a full Korean, talaga di lang siya lumaki sa South Korea.
"Tss, mas pogi pa ako diyan." Sabi niya pa.
"Coffee? I asked as I go towards the kitchen after I changed clothes. I am now wearing my usual nighties with a robe. Nasanay kasi ako na ganon suot ko pag matutulog, it is super comfy kasi talaga. I just wore robe since kahit naman kaibigan ko si Aid ay lalaki pa rin siya.
As I was preparing coffee, nakita ko siya naupo sa may bar counter na masama ang tingin sa akin kaya kinunotan ko siya ng noo.
"Problema mo?" I asked
"Since when ka natutong magsuot ng ganyan?" He asked. Nasayan kasi siya na pang losyang mga suot ko dati. Since nag travel ako, natuto ako ng different clothing styles kaya napalitan ang buong cabinet ko.
"Hmm, siguro since nag travel ako? I learned different fashions so yeah. Plus it is comfy kaya. Ikaw nga boxer shorts lang suot pag natutulog eh." Sabi ko. How did I know? Since bata kasi ganon na siya. Minsan nasa isang kwarto kami natutulog nila Thany pag nag oover night ako sa kanila.
"You look different. Like parang nagmature ka." He said, still looking at me.
"Since when did you compliment me? Inaantok ka na nga talaga. Eto kape mo oh." I gave him the coffee which he immediately drunk.
Maya maya naman ay nagpaalam na rin siya at uuwi siya sa mansion nila. I see him out, but before he leave, he hugged me.
"I really miss you Nity. But next time please wear a bra, kahit bestfriend mo ko, lalaki pa rin ako. Wag mo ibalandra yang maliit mong hinaharap." Asar sakin kaya kinotongan ko na siya. I forget to wear one pala, buti nalang naka robe ako pero medyo halata parin kasi unlike what Aid said, blessed ako!
"Anong maliit? Almost C cup kaya ako!" Sabi ko.
"-C cup ata." Asar niya pa.
"Heh! Layas!" Sabi ko at tumataya siyang nag good bye.
Bwisit yun.
BINABASA MO ANG
Me & U (On hold)
General FictionThey said that opposite sex can't be friends, in their case, will this be true? They are together since childhood, alam nila ang bawat liko ng bituka ng bawat isa. What if one day Aiden Lee, asked Serenity Xavie to pretend to be his girlfriend? Wala...