Serenity Xavie
Akala namin ay matatapos na ang pagpapanggap namin ni Aid, ang kaso ay sa di malaman na dahilan, lagi naming nakakabangga ang kanyang mga kaibigan, lalo na si Summer.
"O to the M to the G! Ang ganda mo mare!" Nagulat ako ng may biglang sumigaw sa likod ko habang palabas ako ng airport. Paglingon ko, nakita ko si Summer na hila hila ang naleta niya.
"Summer? Saan ka galing?" Tanong ko.
"Ay ouch mare. Nasa same flight tayo. Di lang kita tinawag pa dahil nakita ko stress mo dun sa Karen passenger. Sobrang Grrr yun. Haba ng patience mo gurl." Sabi ni Summer.
"Well, mababaw pa yun." Natawa nalang na sagot ko.
Palabas na kami ng airport nang makita ko ang kotse ni Aid na nagaantay sa labas.
"Ang sweet naman pala ni Aiden." Sabi ni Summer kaya nanlaki ang mata ko ng marealize na akala nga pala nila ay mag jowa kami.
"Babi!" Sigaw ko nang makita si Aid na pababa ng sasakyan. Nakita ko rin kung paano nanlaki ang mga mata niya sa tawag ko sa kanya.
"Taray ang sweet." Sabi ni Summer at doon lang narealize ni Aid na andun si Summer.
"B-babi kasama mo pala si Summer." Sabi ni Aid sabay halik sa noo ko na ikinatuod ko.
"Yuck, get a room love birds." Sabi ni Summer.
Napailing nalang si Aid at tinulungan kami ni Summer sa maleta namin. We need to act sweet dahil kasama namin si Summer sa kotse. Ihahatid na muna namin siya bago ako ihatid ni Aid.
"Hey love birds, don't forget yung get together natin sa birthday ni Spencer. Ang Nity, don't forget your bikinis. For sure may mga babaeng dala yung mga mokong kaya dapat di tayo papatalo." Sabi ni Summer bago bumaba.
Natigil naman ang pagpapanggap namin ni Aid at tahimik lang kami papunta sa condo ko.
"Don't you dare listen to Summer, Nity." Sabi ni Aid bago ako bumaba.
"Huh?" I asked in confusion.
"Don't you dare wear a bikini, Nity. Kahit private beach yun, you can never be too sure." Sabi ni Aid.
"Ewan ko sayo." I roll an eye.
"I'm serious Nity. Wag mo kong subukan. Get some rest. Sunduin kita on that day." Sabi niya.
"Okay. Ingat pag uwi. Thank you sa pagsundo." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Me & U (On hold)
General FictionThey said that opposite sex can't be friends, in their case, will this be true? They are together since childhood, alam nila ang bawat liko ng bituka ng bawat isa. What if one day Aiden Lee, asked Serenity Xavie to pretend to be his girlfriend? Wala...