Avoid

16 0 0
                                    

Serenity Xavie

It's been a month since may nangyari sa amin ni Aid noong birthday ni Spencer. It's also been a month since I last saw him.

We both woke up that day naked under the sheets. Medyo alalay pa siya sakin kasi hindi ako makalakad ng maayos cause I'm so sore. After niya akong hinatid sa condo ko, that is the last time we've talked personally. Just a simple good bye ingat ka statement.

Hindi naman sa iniiwasan niya ko, more of iniiwasan ko siya. I am not drunk that day, nasa tamang wisyo ako pero hinayaan kong may mangyari sa amin ng bestfriend ko! For pete's sake, hindi kasama sa pagpapanggap namin yun!

Kaya eto ako ngayon, gumagawa ng kung ano anong rason para di ko siya makita. Hindi rin ako sumasama sa mga family gatherings namin, pati na rin sa mga kaibigan niya, plus di ko rin sinasabi yung flight schedules ko para di niya ako masundo. Ilang beses niya akong kinocontact pero malimit lang ang mga sagot ko sa kanya gaya ngayon.

"Hey, I miss you, kelan ka ba magiging free?" I read Aid's text message. Di ko kasi sinagot yung mga tawag niya.

"Sorry, paiba iba kasi schedule ko since summer break kaya maraming nagbabakasyon at maraming flights ang needed." Rason ko.

"Atleast answer my calls?" He replied immediately.

"I'm busy. Sorry. Gtg." I replied.

Nag reply pa siya pero di ko na binasa ulit. Di ko pa rin kasi talaga ma-process ang nangyari. My bestfriend got my first kiss and even my first sexual experience! Takte nbsb ako pero wala na ang important firsts ko!

I am lying on the couch, yes andito lang ako sa condo ngayon, nang biglang may pumipindot ng door pin ko. The only person who knows my passcode are my parents and Aid. Sure akong hindi sila mama yun kasi hindi sila nagtext.

Dali dali akong nagtulog tulugan when the door opened, and amoy palang, alam ko ng si Aid yun. Anong ginagawa niya dito?

I felt him go near me. Nag goosebumps pa ako nang hawiin niya ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Tsk, andito ka nga, tulog ka naman." Sabi niya.

Akala ko ay aalis na siya pero muntik ako mawala sa acting nang bigla niya akong binuhat papunta sa kwarto ko. He carefully lay me down and even drape me the blanket.

"Why are you avoiding me? Hmm? Namimiss na kita." Sabi niya before he kissed me on the forehead. Normal samin yung kiss in the forehead, okay?

The next thing I heard is my front door closing, meaning he left. Doon ako nagmulat ng mata and touched my forehead where he kissed.

"Masyado mo akong winiwindang, Aiden." I whispered.

Maya maya ay nakatanggap ako ng tawag kay Summer. Ilang araw na rin ako ginugulo ng babaitang ito.

"Hello?" I answered.

"HOY BABAITA, BUTI NAMAN AT SINAGOT MO NA." She said in full energy kaya medyo inilayo ko ang tenga ko sa phone.

"Sorry, medyo busy eh." I reasoned out.

"So ano na? Di pa rin kayo nagpapakita sa amin ni Aiden. Yung totoo, nag away ba kayo?" She asked. So it means that Aiden is not going to their gatherings too?

"Hindi naman. Busy lang talaga parehas." Sabi ko.

"Haay nako. Anyway, may gathering ulit sa Log In sa Saturday ha! Alam kong wala kang pasok nun kaya pumunta ka! Pati si Aiden! Paguuntugin ko kayong dalawa eh." Sabi ni Summer.

Gagawa palang ako ng rason na hindi ako makakapunta pero binaba na niya ang tawag. Bwisit talag yung babaeng yun.

I lay down on the bed again and stare at the ceiling.

Am I ready to meet him again?

Me & U (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon