Serenity Xavie
3 years later...
"Ladies and gentlemen, Philippine Airlines welcomes you to Manila, Philippines. The local time is 12:30 PM. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate." Sabi ko sa intercom pagkalapag ng eroplano sa NAIA
Upon seeing the seat belt light went off, rinig na rinig ko ang mga taong unti unting kinukuha ang mga gamit nila sa overhead compartment at yung iba ay lumalabas na ng eroplano.
"Thank you Serenity sa pag announce kanina. Aminin, na-miss mo rumampa sa eroplano no?" Sabi ni Mina na pinuntahan ako dito sa business class.
"Nakakamiss din. Grabe 3 years ago pa yung huling nag announce ako sa eroplano." Sabi ko habang inaayos na ang sarili.
I am not a crew in this flight, rather, I'm a passenger sa business class. Nagkataon lang na natapat ako sa flight ni Mina at nagkataon din na naka duty siya sa business class. Kilala ko rin yung purser kanina kaya niyaya niya ako na ako mag announce.
"I miss you beb, kahit bigla mo kong iniwan 3 years ago at wala ka pang pasalubong sakin ngayon." Pabirong irap niya na ikinatawa namin.
"I'll contact you pag may free time ako, medyo magtatagal naman ako so don't worry." Sabi ko bago tuluyang lumabas ng flight.
Ilang minuto rin ang lumipas ngayon ay palabas na kami ng airport, nagsuot ako ng shades ko bago tuluyang naglakad.
"Welcome back Ms. Serene Xavie, ano pong masasabi niyo sa recent news na pag pirma niyo ng kontrata with Moon Entertainment bilang isa sa mga top models nila?"
"People are in awe with your walk last fashion week, how did you prepare for it?
"Ano pong reaksyon niyo sa balitang sold out na naman po ang magazine na featured kayo?
"Balita balita po na kaibigan niyo si Mr. Spencer Lee?"
"Anong relasyon niyo ni Darien Carter?"
"Totoo po bang may anak kayong dalawa?"
"Ms. Serene..."
"Ms. Xavie"
Kahit naka shades na ako ay halos mabulag ako sa dami ng flash mula sa mga camera ang sumalubong samin. Halos matapilok na rin ako dahil ayaw kaming tantanan ng mga reporters. Buti nalang din ay may mga security staff na hinanda ang airport kaya't nakaalis din kami.
"Wow, did you hear that, may relasyon daw tayo? Eww." Cringe na sabi ni Darien sa tabi ko. Andito na kami sa van ngayon papunta sa opisina ng Moon Ent.
"Aba ikaw pa may balak mag reklamo? Pasalamat ka nga sakin ka na li-link. Sa gandang kong to?" Sabi ko naman with a hair flip.
Darien Carter, one of the top models in France, nakilala ko siya nung nag u-umpisa palang kaming maging model. We worked together multiple times till we became close friends. Ang sabi niya 1/4 pinoy daw siya as his mother is half filipina and half spanish. Kaya rin siguro kami naging mas malapit ay dahil sa parehas kaming nag sasalita ng Filipino at may lahing Filipino.
"Hoy, fyi, with my looks, ako ang lugi satin dalawa!" Singhal naman niya at pabirong nag ipit ng buhok sa tenga niya. Don't get him wrong, straight siya, sadyang may saltik lang sa pag iisip.
Ganito kaming mag biruan, akala mo aso't pusa kung mag talo pero grabe naman mag-alaga to. Kaya rin ako nakarating sa tuktok ng career ko ay dahil din sa tulong ni Darien. This industry is hard to navigate, pero naging kasangga namin ang isa't isa sa lahat ng problema na kinaharap namin lalo na nung nag uumpisa palang kami, kaya naman tuwang tuwa ako na parehas namin narating ang tuktok.
"Oo na, pogi ka na." Sabi ko kasi totoo naman. His strong European features made him look so manly. Matangkad siya at matipuno rin ang katawan. His eyes are gray in color, which is rare, and mas nagpadagdag pa sa kapogian niya ang magandang character niya. Many women tried to woo him pero ewan ko dito, wala pang nakakakuha ng atensyon niya. Sabi niya noon ay focus muna siya sa career niya.
"Take a rest for a while, gigisingin kita pagkarating natin." Sabi niya at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Natraffic kasi kami at dahil sa pagod namin mula sa flight, nakatulog din ako kaagad.
"Xav? Xav, wake up. Andito na tayo." Rinig kong sabi ni Darien matapos ang ilang oras.
Nag-ayos naman ako kaagad para bumaba dahil may interview daw kami ngayon dito sa Moon.
"Ansakit ng balikat ko ha." Raklamo ni Darien na kunwaring mimamasahe ang balikat.
Tinawanan ko nalang siya at sinundan siya sa pagbaba ng van.
"Oh my gosh, welcome back Serenity!" Nagulat ako sa biglang sigaw ni Spencer pagkapasok namin sa opisina niya. Masigla niya pa akong niyakap bago winelcome si Darien.
"Yeah... I'm back..." Sabi ko sa isip ko.
I'm back to the place where I desperately left 3 years ago.
I cut all contact except for my parents when I left. Kaya naman halos umusok ang ilong ni Summer nung makita ako sa Paris 6 months after I left. Nagtatampo rin si Spencer nung napunta siya sa Paris at nakita ako sa isang fashion show more than a year after I left. Doon din nag umpisa ang pangungulit niya to sign with his company, pero dahil baguhan palang ako noon ay sabi ko sa kanya na pag naka-angat na ako ay doon ako pipirma sa kanya. Kaya naman ngayon ay parehas kami ni Darien na naka pirma na sa Moon. Tuwang tuwa nga si Spencer at di na siya nahirapan papirmahin si Darien dahil sakin.
I have little news about Matthew and Andrew. Sabi ni Summer ay nag tayo na ng 10th bar si Andrew sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at may balak din itong mag tayo sa Singapore at Taiwan. Si Matthew naman ay naghahanda ulit mag direct ng 3 Hollywood movies this year pagkatapos humakot ng award yung movies niya last year.
As for him, well, I didn't know, ayoko rin malaman. Ever since I left, I have no news about him except for the fact that Harpus opened numerous cafe in Asia at binebenta na rin ang apparel nila sa US. Nasama din siya sa most influential in the world. Di ko sinasadya mabasa yun, nakita ko lang yun sa isang magazine na binabasa ko habang nag papa-salon ako.
"You okay?" Bumalik ako sa realidad nang bulungan ako ni Darien. Kanina pa pala ako nakatulala habang nag- uusap sila ni Spencer.
"Yeah. I'm fine." Sabi ko nalang.
We have an interview with an exclusive magazine na ininvite ng kumpanya. After naman ay nag pa handa ng simple celebration sa kumpanya si Spencer to welcome us in the main branch.
"Let's go?" Naramdaman ko ang pag pulupot ng braso ni Darien sa balikat ko habang naka-upo ako dito sa sulok. Naubos na kasi ang social battery ko at pagod na rin ako.
"Paalam muna tayo." Sabi ko pero sabi niya ay nakapag paalam na siya kay Spencer kaya naman ay nagpahatid na kami sa manager namin sa bahay nila mama.
Habang nasa byahe ay naka hilig ulit ang ulo ko sa balikat ni Darien habang sinusuklay naman niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.
"You're worried." He said in a matter of fact. Well, he can read me well.
"A little. Kahit ilang taon na ang nakaraan, what happened, happened. I need to face that fact if there is a chance I will see him. Well, I'm still hoping I won't." Sabi ko.
"We will be here for 6 months, kaibigan niya si Spencer, you know that hindi impossible na magkita kayo right? And you know that he needs to know it too right?" He said.
"I know. I know. Kahit ilang beses kong paghandaan, hindi pa rin ako ready." I said.
"You will be fine. You are strong." He said as he place a kiss on my forehead.
"I hope I am strong as you think I am." I replied.
BINABASA MO ANG
Me & U (On hold)
General FictionThey said that opposite sex can't be friends, in their case, will this be true? They are together since childhood, alam nila ang bawat liko ng bituka ng bawat isa. What if one day Aiden Lee, asked Serenity Xavie to pretend to be his girlfriend? Wala...