After two years
Joke lang!
" Ma naman, sinabi ko na nga pong ayos lang ako. Nawalan lang ako ng malay kasi nga po hindi ako nagbreakfast." paliwanag ko sa mama ko na nagpatawag pa ng psychiatrist. Baka daw kasi hindi ako makamove on sa nakita ko.
" Anak, iba na ang nagsisigurado. Wala ka bang ibang nararamdaman o ano anak? Siguradong kaya mo na bang pumasok? " sabi naman ni mama sa kabilang line. Nasa France kasi sila para sa inaasikaso nilang business project. Di naman sila pwedeng umuwi kaya ibinilin nalang nila ako sa family doctor namin.
" Ma, kayang kaya ko na po." medyo makulit din si Mama. Pero love ko yan kasi kahit na palagi silang wala ni Papa ay hindi naman nila ako nakakalimutang kamustahin. Nagpaalam na si Mama, pumasok naman na ako.
Ano na kayang nangyari sa school?
Wow, parang dalawang araw lang na naabsent. Kamusta na kaya sya? Magaling na kaya sya? Shezz naman! Kasalanan nya ito lahat eh. Kung hindi lang sana sya nagpakita sakin eh di sana hindi nangyari sa kanya yun. Dagdag isipin pa. Naging masama pa tuloy ang image ko." Hi Tiffany. "
Hindi katulad ng dati na marami ang bumabati sa akin ay kaunti at piling mga kaibigan ko na lamang ang bumati sa akin ngayon. Para bang takot na takot silang kausapin ako o kaya man lang tingnan. Mukha ba akong si kamatayan?
" Pumasok na pala ang serial killer. "
Mapang asar na sabi Shane at tsaka humarang sa dadaanan ko. Sya ang mortal na kaaway ko sa school. Wala syang ibang ginawa kundi mang asar, magpapansin at mang stalk sakin. Hindi ko nga alam kung insecure sya kaya sya ganun sa akin o kaya baka naman type nya ako." Fuck off Shane." mahinahon ngunit mariin kong sabi tsaka ako naglakad at binangga sya sa balikat kaya napaatras sya at muntik ng matumba. Napansin ko naman na Mukhang nainis sya sa ginawa ko kaya alam ko na ang susunod na mangyayari. At hindi nga ako nagkamali dahil bago pa man ako makalayo ay bigla nyang hinila ang buhok ko. Ang agang away naman nito.
" Nakakainis ka na!"
Sigaw nya at tsaka ginamit nya na rin yung isang kamay nya. Hinila nya yung buhok ko. Hindi naman ako nagpatalo kaya naman hinila kobrin ang buhok nya." Bakit inaano ba kita ha!"
Sigaw ko rin sa kanya.
Mas lalo pa nyang hinila yung buhok ko kaya ganun din yung ginawa ko." Muntik mo lang namang pinatay ang boyfriend ko!" sigaw nya rin.
" Huh? Boyfriend? Kailan pa Shane? Buti naman at may nagkagusto sa isang palakang katulad mo? Anong gayuma ginamit mo?"
Medyo natawa naman ako sa sinabi nya. Patuloy lang kami sa paghila ng buhok ng isat isa. May mga studyante na rin ang naki usyoso sa pag aaway namin." How dare you! You are a killer! "
Inis na sigaw nya." Buti alam mo." sabi ko na sya namang mas kinais pa nya.
" You fool!" sigaw nya.
" You bitch!" sigaw ko naman.
" Stop what two of you are doing! "
Napahinto naman kami at tsaka bumitaw sa isat isa nang makarinig kami ng isang galit na galit na sigaw. Pag tingin ko ay nakita ko ang principal namin na galit na galit. Agad ko namang itinago ang kamay ko na napuno ng buhok ni Shane, sayang di sya nakalbo, pero maitago nga at nang maipakulam.
" Both of you! In my office NOW!"
Sumunod naman kaming dalawa. At nang makarating kami ay pinaupo kami.
" Ang aga aga gumagawa kayo ng gulo! " galit nyang sabi.
" Ikaw Miss Shane, dahil sa ginawa mo ay lilinisin mo ang Clinic. Hindi ka uuwi at papasok sa klase hanggat di ka natatapos. Move now! "
BINABASA MO ANG
Fallen for you... again
Teen Fiction♥ TADHANA. Mapaglaro. Paasa. Mapanakit. Pero patuloy ka pa ring naniniwala. ♥