" Hi Tiffy!"
" Good morning Tiffany!"
" Hey Miss Lopez!"
" Madylane is coming! "Iba't ibang bati ang sumalubong sa akin habang naglalakad sa hallway ng school. Ngumiti na lang ako sa kanila bilang pagbati.
"Tiffy!"
Isang babae ang biglang umakbay sa akin.
Si Chienne Garcia lang pala.
She's my childhood bestfriend. Inialis ko naman kaagad yung kamay nya sa balikat ko. Ang bigat nya kaya." Chie ano ba, ang bigat bigat mo."
" Ay! Highblood si Madylane? oh why oh why?" tanong nya habang nagpapacute sa harap ko. At dahil hindi nya tinitingnan yung dinadaanan nya ay natisod sya at napahalik sa sahig, mabuti nalang at hindi sya nahulog sa hagdan.
" Ouchy!" sigaw nya. Itinayo ko naman sya kagaad at tsaka tinulungang pagpagin yung nadumihan nyang palda.
" Ano ba Chie, tingnan mo naman yang dinadaanan mo" bulong ko sa kanya at tska sya nagpout sakin. Mangilid ngilid na yung luha nya ng biglang
" HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Sabay kaming napatingin sa pinagmulan ng malakas na tawa at pagkakita ko ay...
What the F!
" Ikaw?!!"
Napahinto sya sa pagtawa ng bigla akong sumigaw. Napatingin sya sakin at Mukhang gulat na gulat sya pagkakita sa akin." He-Hello?" sabi nya at tsaka itinaas ng konti yung kamay nya para makapagwave.
" Ikaw nanaman?! Alam mo bang nakakainis ka na! Bakit mo ba ako sinusundan ha! "sigaw ko sa kanya habang hinahampas ko sya ng notebook na dala ko.
" Aray! Aray! Hey Stop!" sigaw nya tsaka nya iniharang yung braso nya sa ulo nya.
" Ano bang kailangan mo sakin ha! Bakit hanggang dito ba naman sa school sinusundan mo ako!! I hate you! I hate you! " patuloy pa rin ako sa paghampas sa kanya. Pinipigilan na rin ako ni Chie pero naiinis talaga ako sa kanya. Pati ba naman dito sa school guguluhin nya ako?
" H- Hey! S-stop!" sigaw nya pero hindi ko sya pinapakinggan. Patuloy ako sa pag abante habang sya naman ay napapaatras na.
" W-Wait! Ma- Mahuhulog na ako!"
Hindi ko pa rin tinitigilan ang paghampas sa kanya hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na pagbagsak.
"BLAGGGG!
Doon lang ako napahinto at tinignan SYA. Oo sya nga! Nahulog sya sa may hagdan!
" Oh gosh!"
Napasigaw si Chie. Tumakbo kaagad ako pababa sa kanya. May mga studyante na rin ang lumapit at tsaka tiningnan kung ano ang nangyari. Umupo ako sa tabi nya at tsaka hinawakan yung ulo nya. Gosh! May dugo! Hinawakan ko kaagad ang pulso nya para malaman ko kung buhay pa sya, pumipintig pa naman .
" Mababawasan na ba ng gwapo sa mundo?"
Tanong nung isang babae sa likod ko.
Napatingin ako sa mukha nya. Nakapikit sya. Ang haba ng pilikmata nya. Ang kinis ng mukha nya. Grabe. Tao ba ang nasa harapan ko? O isa syang anghel na bumaba mula sa langit? Ay shit! Ano bang iniisip mo Tiffy! Napatayo ako ng makita ko na ang principal. May kasama syang rescue team ata. Binuhat na nila yung lalaki at tsaka dinala sa ospital." Miss Lopez, sa office ko. Now "
Sumunod naman ako sa principal namin. Nakayuko akong naglalakad, hindi ko kayang iangt ng ulo ko. Nahihiya ako sa mga schoolmates ko na nakatingin sa akin at pinag uusapan ako. Nakarating din naman kami sa office na buhay pa ako. Pinaupo naman ako ni Principal.
" Miss Lopez, alam mo bang muntik ka ng nakapatay?!" medyo galit na kinakabahang sabi nya. Nanatili naman akong nakayuko.
" Ano bang pumasok sa utak mo para gawin ang bagay na iyon? Hindi ka na bata Miss Lopez. Paano nalang kapag may masamang nangyari sa kanya or worse..."
Napahinto si Principal sa pagsasalita. Hinawakan nya ang noo nya at tsaka nya hinilot. Napatingin ako sa kamay ko. May bakas pa ito ng dugo ng lalaki kanina ng hinawakan ko sya. Biglang nagflash sa isip ko yung itsura nya kanina. Di ko na napigilang mapaiyak." So-Sorry." nanginginig kong sabi. Parang ayaw na ngang bumuka ng bibig ko. Nanlalamig ako. Patay na ba sya? Minumulto na ba nya ako? Hindi ko naman sinasadya eh.
" Ano ba kasin nangyari Miss Lopez? " umupo na si Principal sa tabi kobat tsaka Tinapik yung likod ko.
" Ma- maam, hindi ko po s- sinasadya..." hindi ako makapagsalita ng maayos, para bang kinakapos ako ng hininga.
" Calm down Miss Lopez. Mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna at ng makapagpahinga ka na."
Inalalayan naman ako Ni Principal na tumayo pero hindi pa man ako nakakahakbang ay para bang bigla akong nahilo. Lumabo na ang paningin ko. Tuluyan na akong nawalan ng malay at naging itim na ang palagid ko.
BINABASA MO ANG
Fallen for you... again
Genç Kurgu♥ TADHANA. Mapaglaro. Paasa. Mapanakit. Pero patuloy ka pa ring naniniwala. ♥