" Hello Chie asan ka ba? Hindi kita makita umuwi na tayo."
Kausap ko ang bestfriend ko sa kabilang linya, kanina ko pa kasi hinahanap pero di namin makita.
" Eh ano ah kasi ah Tiffy ano kasi eh ah ano ah..."
" Ano?" Grabe, gulo nya kausap.
" Ah, sorry Tiffy, nakauwi na kasi ako"
" What?! Bakit di mo ako hinintay?" kaya naman pala di makita. Nakauwi na pala.
" Eh ano kasi eh, natatae ako."
" Ewww! Oh sige na. Enjoy ka jan sa trono mo. Bye. " hindi ko alam kung matatawa, mandidiri o mababahuan ako sa sinabi nya. So paano ako makakauwi eh sinabit nya lang naman ako sa lakad na 'to.
Kruuuuuuuuggggggg!!!!!!!
Biglang kumulog ng malakas at bumuhos na nga at malakas na ulan. Nakaligtas nga ako sa pustahan pero hindi sa ulan. Ngayon pa sumabay kung kailan mag isa ko lang.
" Ang malas mo talaga ano."
Napatingin ako sa nagsalita. Ako? Malas daw. Baka sya.
" Ang yabang mo. Excuse me, ikaw kaya ang malas!" asar kong sabi sa kanya.
" Bakit naman?"
Itinuro ko naman ang malulusog kong eyebags. " This is because of you."
" Kasalanan ko ba na sa sobrang gwapo ko ay pinagpapantasyahan mo ako tuwing gabi?" mas lalo lang akong naasar sa sinabi nya kaya sinuntok ko sya sa braso.
" Um! Napaka mo!" pero ako ang nasaktan. Ouchy, my poor hand.
" Aray! Sinusumpong nanaman yang kabrutalan mo eh."
Tumahimik nalang ako. Hindi pa ako makauwi dahil malakas pa yung ulan, wala rin akong payong at higit sa lahat wala akong sasakyan. Ang layo pa man din ng sakayan dito. So paano na ako makakauwi neto? Ah! Alam ko na!
" Aray! Ano nanaman ba?!" inis nyang tanong. Siniko ko kasi.
" Uuwi ka?" tanong ko.
" Alangan namang hindi." Ang nice nya talagang sumagot.
" Paano ka uuwi?" tanong ko ulit.
" Malay ko. Bakit ba ang dami mong tanong?" medyo irita na nyang tanong.
" Ano kasi, ah, pwede ba akong sumabay." tanong ko with my very cute and charming voice. Ewan ko nalang kung tanggihan nya ako neto. Tumingin sya sa akin. Epektib! Ipinikit pikit ko pa yung mata ko na para bang nagpapacute. Pumayag ka na please? Nakatitig lang sya sa akin. Teka, bat ang tagal naman ata ng sagot nya? Mukang naiinlove na sya sakin ah.
" Asa."
Malamig nyang sagot. The hell? Tinanggihan nya ako?! Argh! Kaya ko 'to! Lumapit ako sa kanya at tsaka kumapit sa braso nya." Sige na. Please? " sinubukan ko ulit ang panggayumang voice ko with matching pabebe moves. Tumingin ulit sya sa akin.
" Oy anong ginagawa mo? Bumitaw ka nga jan!"
Halata namang medyo nailang sya sa ginawa ko kaya pilit nyang inaalis ang pagkayakap ko sa braso nya." Ayoko nga. Hindi kita bibitawan hanggat di ka pumapayag." mas lalo ko pamg hinigpitan ang kapit sa kanya.
" Ok. Sige na. Oo na."
Yes! Hahaha! Ang galing ko talaga!"Siguradong sigurado ka?"
" Oo nga. Basta bumitaw ka na jan!"
Bumitaw naman na ako. Bakit kaya ang sungit nya ngayon?
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ang ulan, medyo umaambon na lang. Tumayo na sya at naglakad, sinundan ko naman sya. Hingal na hingal ako nang makarating kami sa may labasan, ang bilis nya kasing maglakad. Huminto sya saglit at hinubad yung suot nya, he's topless now. Gosh. That abs made me thirsty. Napalunok ako. Ay! Ano ba yan! Ano bang iniisip ko! Nagising ako bigla nang may nahulog na damit sa mukha, kanino pa galing, eh di sa kanya." Aanhin ko naman 'to?" tumingin sya sa damit nyang itinaas ko.
" Shunga ka ba? Umaambon, ilagay mo sa ulo mo para di ka maambunan."
Eh? Medyo natulala ako sa sinabi nya.
" Hoy! Bilisan mo, mamaya umulan ulit eh" inilagay ko na lang yung damit sa ulo ko at sumunod na ako sa kanya palabas. Huminto sya kaya naman sumubsob ako sa likod nya. Ano ba yan?
" Hoy. Bat ba bigla bigla kang humihinto? " tanong ko habang nakahawak sa nasaktan kong ilong.
" Ikaw kayang dumaan dito " sabi nya sabay turo sa putik.
" Ano? Kaya mo?" umiling nalang ako. Napabuntong hininga sya at tumingin sa akin.
" Okay. Bubuhatin nalang kita."
" What?! You're going to carry me?"
Eh? As in buhat?" Kung ayaw mo ok lang." tapos tumalikod na sya. Tumingin ako sa daan, maputik nga. Kung bubuhatin nya ako, nakakahiya ang daming tao. Tumingin ako sa kanya na maglalakad na sana.
" Teka lang!"
Lumingon naman sya." Oo na. "
Bumalik sya sa akin tsaka binuhat ako ng bridal style. Nabigla ako kaya napakapit ako ng mahigpit sa leeg nya na syang naging dahilan ng paglapit ng mga mukha namin sa isa't isa." Are you going to kill me? " niluwagan ko naman ang hawak ko. Kalma Tiffany. I look at him again, he's a handsome guy.
Huminto sya sandali." Ang bigat mo. Para akong nagbubuhat ng balyena."
May sinabi sya pero di ko narinig.
" Ano? "
" Wala."
Inangat nya ako ng kaunti at nagpatuloy na sya sa paglakad. Tahimik lang kami. Walang imikan. Silence makes our atmosphere awkward.
BINABASA MO ANG
Fallen for you... again
Roman pour Adolescents♥ TADHANA. Mapaglaro. Paasa. Mapanakit. Pero patuloy ka pa ring naniniwala. ♥