Jacob Blake Point of View
Fuck!
Bakit hindi ko masabi? Bakit hindi ko kayang sabihin sa kanya na layuan na nya ako. Bakit hindi ko masabi na balikan na nya si Tyler at kalimutan nalang ako. Bakit hindi ko kayang gawin ang tama para sa ikakatuwa ng Bestfriend ko? Bakit hindi ko magawang ibigay ang kaligayahan na dapat ay para sa kanilang dalawa? Bakit? Bakit ako nahihirapan? Bakit parang may... Masakit. Bakit pa kailangan kong mahulog sa isang taong naitadhana nang mahalin ng kaibigan ko?!Papalabas kami kanina nang masalubong namin si Tyler at yung girlfriend nya. Nakita ko si Tiffany, hindi man sya umiyak pero alam kong nasasaktan na sya. Nang tumakbo si Tiffany, I was supposed to follow him, but Tyler called me.
" Bro. Can we talk?" Tyler asked.
"Sure." nagpaalam sya saglit sa girlfriend nya.
" Jake, are you dating her?" he looked at Tiffany. It should be a date, but for her, it's just a treat, a treat from her friend.
" Nope, we're not dating. Why?"
" I trust you Jake. "
" I do. "
" Masyado na kayong malapit sa isat isa."
" Ano naman. Wala namang problema kung maging magkaibigan kami."
" May gusto ka ba sa kanya?"
" Paano kung meron. "
Biglang nagbago ang aura ni Tyler. Para syang nakarinig ng isang nakakatakot na balita sa sinabi ko.
" Nagseselos ako."
" Nagseselos? May girlfriend ka na Tyler. Wag mo naman nang paglaruan si Tiffany. "
" Hindi ko sya girlfriend! "
" Bakit kayo palaging magkasama? Bakit "babe" ang tawagan nyo?"
" Because she's helping me to make Tiffany jealous. "
" Bro, nag iisip ka ba? Sinasaktan mo lang yung babae. "
" Bakit, mahal pa ba nya ako kaya nasasaktan sya?"
Sasabihin ko ba na mahal pa nya ang ex nya? Sasabihin ko ba na gustong gusto na nyang makipagbalikan sa kanya? Sasabihin ko ba na pareho pa nilang mahal ang isat isa?
"Nope. Mauna na ako. "
Lumapit ako para magpaalam pero niyakap nya ako at bumulong sya.
" I still love her. Layuan mo na sya. Ayokong pati pagkakaibigan natin ay madamay. Wag kang maging kontrabida. You know what's mine. You know she's mine. " binunggo nya ako at naglakad na sya papasok sa restaurant.Gago pala sya eh! Kung mahal nya si Tiffany, sabihin nya nang maayos! Hindi yung sasaktan pa nya. Isang beses pang makita kong umiyak at masaktan si Tiffany dahil sayo Tyler, mamahalin ko na sya. What's yours will be mine.
BINABASA MO ANG
Fallen for you... again
Genç Kurgu♥ TADHANA. Mapaglaro. Paasa. Mapanakit. Pero patuloy ka pa ring naniniwala. ♥