Ikasampung Kabanata

19 2 0
                                    

" Wag ka ngang magulo! " sigaw nya sa akin. Eh sa Mahuhulog na nga ako eh.

" Ayusin mo naman kasi. Mahuhulog na ako oh."

" Demanding." bumulong sya pero di ko narinig. Di ko nalang sya pinansin. Naglakad lang kami, i mean sya pala, buhat nya kasi ako. Aray! May parang kumagat sa hita ko. Aray! Ang kati. Gumalaw ako para kamutin kaso

" Wag kang magulo sabi eh!" nagpout nalang ako sa kanya. Medyo nawala naman na pero after seconds eto nanaman. Aray! Parang may kumagat nanaman. Hindi na sana ako gagalaw kaso biglang kumati nanaman kaya hindi ko natiis at gumalaw ako para kamutin. Ayan konti nalang, maabot ko na. Ayan na!

Splashhhhhhhh!

" I told you not to move! "

Sigaw nya. Nadulas lang naman kasi sya at bumagsak kami sa putik kaya eto, mukha kaming nagswimming sa putik. Eww!

" Bakit ba kasi ang gulo mo?!" Tumayo na sya at sinubukang alisin yung mga putik sa damit nya.

" Eh kinagat ako ng langgam eh." sabi ko sabay kamot sa sobrang nangangating hita ko. Umirap lang naman sya at naglakad sya. Aba! Leshe lang? Iniwan ba naman akong nakaupo sa putik?

" Hoy! Bumalik ka nga dito! Tulungan mo ako!" sigaw ko pero di sya lumingon. Sinubukan kong tumayo kaso parang may masakit sa paa. Sinubukan ko ulit kaso di ko talaga kaya. Tumingin ulit ako sa kanya, hindi talaga sya bumalik.

" Hindi ako makatayo tulungan mo ako!" pero tuloy tuloy lang sya sa paglakad. Sa totoo lang gusto ko nang umiyak. Susubukan ko sana ulit na tumayo kaso may biglang kamay na umabot sa akin. Tiningnan ko kung sino sya.

" Tyler?"

Hindi ko alam, pero parang naninikip ang dibdib ko. Parang may mabigat na gusto kong ilabas.

" Need help?"
Tumingin ako sa kanya at sa kamay nya. Hahawakan ko ba? Pero bago pa ako makasagot ay binuhat na nya ako kaso biglang may sumakit.

" Aray!"
Nagulat sya sa sigaw ko kaya kaya nabitawan nya ako, sinubukan nya akong saluhin kaso pati rin sya ay nahulog na rin. Bumagsak kami in awkward position. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Biglang tumibok ng malakas ang puso.

" Sorry."

Naramdaman ko ang hininga nya. Ok. Kalma. Medyo umatras na sya ng kaunti at tinignan ang paa kong sumasakit. Hinilot nya ito, medyo nawala naman ang sakit, pero yung sakit sa puso ko, hindi. Pinagmasdan ko sya. Nothing changed. Ang gwapo pa rin nya. His eyes, his nose, his cheeks, his jaw, his eyelashes, his hair. I missed this face so damn much.

" Tyler!"
Napahinto ako sa pag iimagine at napatingin sa tumawag. I used to call him that way.

" Kanina pa kita hinahanap. Let's go?" sabi nya. Sabi nung babae kanina. My heart starts to break. Tumingin sa kanya si Tyler.

" Babe"

Babe. Aray. Tumingin sa akin yung babae at lumapit nang makita nya na nakaupo ako. Halatang nag aalala sya.

" What happened? Are you okay?" tanong nya sabay hawak sa braso ko. Kapag nakita mo yung mahal mo na may mahal nang iba, tingin mo ok?

" Yeah. " Ngumiti nalang ako sa kanya. "Ayos na ako Tyler, just go with her."

" But..."
" Tiffany! "

Napahinto sya sa pagsasalita at tumingin sa tumawag sa akin. Yun lang palang nang iwan sa akin. Kasalanan nya ito eh, kung hindi lang nya ako iniwan eh di sana di ko nararamdaman ang sakit ngayon.

" I'll carry her. "
Umupo sya para kuhanin ako kay Tyler. Nang papaalis na kami ay narinig kong nagtanong yung babae.

" Is she your friend? "
" Nope. "

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil.

" Shhhh. Tahan na."
Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya. Buti nalang at dumating sya. He saved me again.

" I'm just here. "

Fallen for you... againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon