Chapter fourteen

6 0 0
                                    

"Ah, Jake, yung kamay ko."
"Oh? Bakit?"
" Ah, ano kasi, ah, hands off please. "
"Ayoko"
"Aba! At sino ka naman para sabihin yan?! Pagmamay ari mo ba ako para sabihin yan?!" sigaw ko. Nakakainis eh, ayaw Bitawan yung kamay ko.
"Sana?" He looked at me after saying or asking that? Parang huminto ng isang segundo ang heart beat ko.
" Pwede ba?" mas lalo pa nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko. Waaah!! Tatakbo na ba ako? Lumapit pa sya ng kaunti at...
" HOY JACOB BLAKE! LUBAYAN MO NGA AKO SA KABALIWAN MO!" Tumingin lahat ng nasa paligid namin, nakalimutan ko, nasa kalsada pala kami at wala na sa school. Tumawa lang sya pero di pa rin nya binibitawan ang kamay ko.

" You remembered my name." Tumingin lang sya sakin tapos naglakad na ulit at dahil nga nakahawak pa rin sya sa kamay ko ay napasunod nalang ako.
" Bitiwan mo ko sabi eh." ang bilis nyang maglakad kaya medyo napapatakbo na ako makasunod lang. Nahalata nya namang medyo naiinis na ako kaya binitiwan nya ako bigla. Hindi naman ako nainform sa ginawa nya kaya ayun. Nawala ang balanse ko kaya nadapa ako at napahiga sa lupa.

" Ouch! My knee." Mahina kong sabi, medyo teary eyes na ako. Konti nalang at iiyak na ako. Ang sakit eh. Tumingin ako kay Jacob at naglalakad pa rin sya. Wala ba syang balak tulungan ako dito. Nagsimula nang tumulo ang luha ko at

" WAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!" umiyak ako ng malakas. Yung tipong aabot hanggang France.

" What's the problem? " tumingin sya sa akin, yung blangkong tingin lang kaya mas umiyak pa ako.

" WAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!"
" Arg! Stop! You're hurting my ears!" command nya. Naglakad sya papalapit sa akin. Wahhh!! Ang sakit talaga nung tuhod ko

" WAAAAAAAAHHHH"  medyo humihinto na ako sa pag iyak dahil paparating na sya. Nang makalapit na sya ay lumuhod sya sa harapan ko. T. Ni hindi man lang ba nya tinanong kung ok lang ako? Tapos tinignan nya yung tuhod ko, tumingin lang sya sakin at nagulat ako ng pitikin nya yung noo ko. Iiyak nanaman sana ulit ako kaso hindi ko na muling nagawa dahil bigla na lamang nya akong binuhat ng bridal style. Napakapit nalang ako sa kanyang batok at naglakad na sya.

" You're such a stupid." bulong nya. Akala nya siguro di ko narinig. Hmp! Eh kung sya kaya kaladkarin ko at tsaka bitiwan?! Pero sa totoo lang, hindi ko ini expect na Bubuhatin nya ako. Napatitig nalang ako sa kanya,  kahit pala katiting may concern din sya sakin.

" Baliw." sabi nya. Tae! Nakangiti na pala ako habang nakatitig sa kanya. Umiling iling naman ako para iwas pahiya. Napansin ko namang medyo natatawa sya.

" Hoy." sabi ko. Pero di nya ako pinansin.
"Hoy!" tawag ko nang mas malakas pero wala pa rin. Nako! Kung ayaw mo akong pansinin eh di wag!

" Hindi ka ba naggygym?" tanong nya. Di ko sya pinansin.
" I'm talking to you " lalalala... Wala akong naririnig.
"Arg!" lalalalalalalala....
" If you'll not going to answer me..." lalalalala, wala talaga akong marinig. May sinasabi ba sya?
".... I'll put you down and leave you here"
" HINDIAKONAGYGYMBAKITBA?" mabilis kong sabi.
" What?" tanong nya.  Ay nako.  Ang bingi lang.
" Sabi ko hindi ako naggygym. "
" Diba sabi ko magdiet ka. Ang baboy mo sa bigat." sabi nya. Dahil ayoko ng away, tumahimuk nalang ako. Ayokong patulan tong isang to. Tahimik lang kami at hindi nag uusap. Medyo awkward lang kasi madaming taong nagsisistinginan samin. Walang umimik ni isa sa amin hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na drug store. Pinaupo nya muna ako sa may upuan at tsaka Dumiretso sya sa may counter. Pag balik nya ay inilabas nya yung cotton, alcohol at band aid. Umupo sya sa may bandang harap ko para makita yung galos ko sa tuhod. Kinuha nya yung cotton at nilagyan ng alcohol. Hinawakan nya naman yung tuhod ko.

" Ayoko!" sigaw ko. Mahapdi kaya yung alcohol.
" Ang sugat, kapag hinayaang madumi, mas lalong lalala." hinawakan nya ng mas mahigpit yung tuhod ko.
" Pero masakit yan eh" Mangiyak ngiyak kong sabi.
" Walang sugat na hindi masakit." Tumingin ako sa hawak nyang bulak.
" Aray!" sigaw ko. Masakit talaga.
" Ang OA mo. Wala pa eh." medyo naiinis nyang sabi.
" Sorry naman." eksayted ako eh. Inilapat na nya yung bulak sa sugat ko. Masakit sya pero nababawasan ito sa tuwing hihipan nya. After nyang malinis yung sugat ko ay tinakpan nya ito ng band aid.

" Masakit talaga kapag nasugatan ka. Kailangan natin itong tiisin gaano man ito kasakit at kakirot. Pero hindi habang buhay ay magtitiis tayo, minsan,  kailangan din nating itong linisin. Mas masakit man pero pagkatapos nito ay mas mabilis na itong gagaling. Maaaring ang sugat mo ay maging isang peklat pero hindi lahat ng peklat ay nagpapaalala ng masasakit na bagay. Minsan, kailangan din natin itong ituring na magangdang bagay, na isang masakit na nakaraan ang tuluyan nang naghilom." pagkatapos nyang humugot, tumayo na sya at inalalayan ako.
" Jake?" tanong ko.
" Oh?"
" Ikaw ba yan?" hinawakan ko sya sa mukha para makita kung sya ba talaga yun. Para kasing ibang tao yung kasama ko. Ngayon lang kasi sya nagsalita ng ganoon kahaba.

" Baliw ka talaga" hinawakan nya yung kamay ko sa pisngi nya. Tsaka sya ngumiti sa akin. Ngumiti sya sa akin?

" Halika na nga. Gutom na yan kaya kung ano ano nang pinagsasabi mo." lumabas na sya. Sumunod naman na ako. Ang hirap nya talagang maintindihan.

Fallen for you... againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon