" Hey?"
"Hey."Umupo ako sa tabi nya. Nakakailang lang kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Paano ba. Hmmm.
" Um. Ah. Eh. "
" What?" tanong nya pero di sya tumingin sakin. Patuloy lang sya sa pagkalikot ng kung ano sa phone nya. Lumapit ako ng kaunti sa tabi nya at inilapit ang mukha ko sa taenga nya." Thank you " bulong ko. Pero hindi ko pa man naiaalis yung mukha ko ay bigla syang tumingin sa akin at nagtama ang aming mga mata at ang aming mga ilong. Sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa. Nilapit pa nya ito lalo na syang nagpaakyat ng lahat ng dugo sa mukha ko. I feel like blushing, pero bakit? Tumingin sya sa labi ko. Hahalikan nya kaya ako? Gusto kong lumayo pero di ko magawa. Huminga sya at naramdaman ko iyon. Nilapit pa nya lalo kaya pumikit nalang ako. Dadampi ba?
" Assuming. "Uh oh.
Iminulat ko ang mga mata ko at nakita syang nakapikit. Habang nakalagay ang kamay nya sa batok nya
" What did you say?"
Tumingin sya sa akin at tsaka ngumiti. Ng nakakaloko. Ng nakakaasar. Ng nakakainis. Ng nakakapikon.
" Assuming. "
Inulit nga ng loko! Argh! Sa sobrang inis ko ay mas lalo akong namula sa inis. Lumapit ako sa kanya at tsaka sya pinalo.
"Aray! Aray! H-Hey! Stop! Stop!"
" I hate you! I hate you! I hate you! " Hindi ko sya tinigilan kaya naman humarap sya sa akin at hinawakan yung isa kong kamay. Pilit ko itong inalis pero ang lakas nya. Hanggang sa hawakan nya yung isa ko pang kamay. Nagpumiglas ako para makawala pero sobrang lakas nya talaga hanggang sa mapahiga na ako sa upuan. Lumapit sya sa akin. Napahinto naman ako sa paggalaw nung nasa ibabaw ko na sya. Tumingin sya sa mata ko. Lord, ano po ba ang mga eksenang ito?
" Me? Kiss you? Oh cummon, para mo na ring sinabing nangingitlog ang baka." binitawan na nya ang pakakahawak sa kamay ko. Tumayo na sya at inayos ang nagulo nyang uniform. Ako naman, naiwang nakatulala. Ang yabang talaga.
" Ano pang hinihiga-higa mo jan? Tumayo ka nga at mukha kang tanga jan."
Tumayo naman na ako at inayos yung buhok ko. Nakatingin lang sya sa akin habang pinapanood akong magsuklay. Siguro narealize nya na sobrang ganda ko pala at dapat itinuloy nya ang dapat ginawa nya kanina. Huh. Nasa huli talaga ang pagsisisi." Ano ba? Bilisan mo nga jan, late na tayo."
Naglakad na sya kaya naman binilisan ko nang mag ayos. Sinundan ko lang sya pero di nya ako pinapansin. Sinubukan kong pantayan ang mga hakbang nya pero ang bilis nya talagang maglakad kaya naman siniko ko lang sya. Lumayo lang sya sa akin, di pa rin ba talaga nya ako papansinin? Lumapit ulit ako at siniko sya pero wala pa rin syang imik. Mas nilakasan ko pa ang pagsiko sa kanya pero nang makalapit ako ay bigla nyang hinigit ang braso ko. Hinigit nya ako papalapit sa kanya at ibinakod ang braso nya sa aking balikat. Hindi ako nakagalaw agad. Nakaakbay sya sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi sumunod sa hakbang nya." Beastmode?" baka sakaling magsalita naman sya
" Paki mo ba."
Confirmed. Hindi ko na nga lang sya kakausapin. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang taong nagpapatibok ng puso ko. Tumingin sya sa akin. Sa balikat ko. Sa nakaakbay sa akin. Papalapit na kami sa kanya at nakatingin pa rin sya sa amin at ako sa kanya hanggang sa malagpasan na namin sya. Gusto kong lumingon at balikan sya. Gusto kong tanungin kung sino yung babae kahapon. Gusto kong marinig sa kanya sa mas mahal nya ako kaysa dun. Gusto kong sabihin nya na ako lang at wala ng iba. Gustong gusto ko pero hindi ko magawa. Pumikit nalang ako at hinayaang makawala ang mga luha ko. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng brasong nakaakbay sa akin. Ipinahinga ko ang ulo ko sa balikat nya. Hinaplos nya naman ang balikat ko at bumulong..." You're welcome. "
![](https://img.wattpad.com/cover/8800159-288-k85352.jpg)
BINABASA MO ANG
Fallen for you... again
Dla nastolatków♥ TADHANA. Mapaglaro. Paasa. Mapanakit. Pero patuloy ka pa ring naniniwala. ♥