Ikalimang Kabanata

56 3 0
                                    

" May naging ex ka na pala?"
" Bakit ka nya niligawan?"
" Kaya siguro kayo nagbreak kasi di nakatagal sayo."
" Ilan na ex mo?"
" Bakit mo sya tinataguan?"

Fuck. Kanina pa sya tanong nang tanong. Pinagalitan pa nga kami sa klase kanina dahil ang ingay nya. Nakakairita. Daig pa nya ang mga reporter sa kakatanong.

" Mahal mo pa siguro sya."
Napahinto ako sa pagbaba ng gamit ko sa may upuan nang marinig ko ang tanong nya.

" Ano ba?!  Will you please shut up!"
Nabigla sya sa pagsigaw ko. Maging ako man ay nagulat sa ginawa ko. Nadala lang siguro ako sa tanong nya. Umupo nalang ako, umupo rin naman sya. Tumingin nalang ako sa may gilid ng lamesa. Napukaw naman ng isang vandal ang atensyon ko. Nakasulat roon, T♥T.

" Panyo." nagulat ako nang bigla nya akonh inabutan ng panyo.

" Bakit?" tanong ko.  Tumingin sya sa akin tsaka nya hinawakan yung pisngi nya sabay nguso sa akin. Napahawak naman ako sa pisngi ko at may naramdaman akong parang tubig sa pisngi ko. Basa ito. Napatingin ako sa mga basa kong darili. Umiiyak ako? Napatingin ako sa kanya at sa panyong iniaabot nya. Kinuha ko naman iyon at tsaka ipinampunas sa pisngi ko.

" Salamat. "  sabi ko. Napatingin ulit ako sa vandal. Nakatitig lang ako dun. Ang sakit eh. Sobrang sakit. Natauhan naman ako nang bigla nyang hawakan yung kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

" Pwede ko bang malaman?"
Bumalik ang tingin ko sa may vandal. Itinuro ko iyon.

" Ito. Ito yung araw na sinagot ko sya. "
Napatingin naman sya sa itinuturo ko.

"T♥T, Tiffy love Tyler. Mahal na mahal namin ang isat isa. Naalala ko pa noon. Nagbabasa ako ng libro nang bigla nya akong ginulat. Napasigaw tuloy ako at tinawanan ng mga studyante.  Gusto ko nang umiyak noon dahil sa ginawa nya pero natigilan ako nang bigla nyang nilapitan yung mga tumatawa at tsaka itinapon nya yung mga pagkain nila. Napalitan naman ng tuwa ang nararamdaman kong pagkapahiya.  Napakabrutal nya talaga. Pero kahit anong ikinagago nun, kasalungat naman yun ng pagiging mapagmahal nyang boyfriend.  Kapag naaalala ko na nga yung ginawa nyang yun napapangiti nalang ako bigal at kinikilig.  Para ngang sira eh."
Tumawa naman ako ng kaunti upang mabawasan ang bigat ng hangin sa paligid. Ngunit kasabay ng pagtawa ko ay ang pagtakas ng luha ko.

" Pagkatapos nyang gawin yun, hinawakan nya yung kamay ko at inilayo ako sa kanila. Nang makalayo na kami, hinawakan nya ang dalawang kamay ko. Nagsorry sya sa akin at hinalikan ako sa noo. Sinabi nya sa akin na walang pwedeng manakit sa akin hanggat kasama ko sya. Sinabi nya rin na mahal na mahal nya ako. Pero hindi na ngayon. Dahil that was two years ago. "
Napakagat ako sa labi ko at pilit kong Pinipigilan ang mga luha ko sa pagtulo.

" Nagbreak kami. Nakipagbreak ako dahil akala ko ay nagcheat sya sa akin. Akala ko lang pala. Friends lang pala sila nung babaeng akala ko ay babae nya. At kaya pala sila palaging magkasama noon ay dahil may surprise sa akin si Tyler para sa first anniversary sana namin. Pero hindi natuloy iyon. After kong makipagbreak ay hindi na muli kaming nakapag usap pa. Nagpalit na rin ako ng number. Nahihiya ako sa kanya. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Nagkamali ako. Hindi ako nagtiwala sa kanya.  Wala akong lakas ng loob upang magpakita sa kanya at sabihin sa kanyang nagkamali ako at nais kong maibalik ulit namin ang nakaraan. Pero hindi ko kaya.  Hiyang hiya ako kaya ang ginawa ko nalang ay mag move on. Oo nakapag move on nga ako. Pero bakit kapag nakikita ko sya o ang mga ala ala namin ay di ko maiwasang muling bumalik ang nararamdaman ko para sa kanya? Iyon ba ang tinatawag na nakamove on? Natatakot ako sa kanya. Ayokong sirain ang kung anong meron sya ngayon dahil alam ko masaya na sya.  Masaya na sya dahil alam kong may tao na na kayang ibalik sa kanya ng buong buo ang pagmamahal at tiwalang ibinibigay nya. Masuwerte kung sino man ang babaeng mahal nya ngayon. Masuwerte ako noon sa kanya. Pero dati na iyon. Nakaraan ang lahat ng iyon."
Huminga ako ng malalim matapos kong ilahad ang malaMKK sa drama kong lovelife. Tinuyo ko na rin yung pisngi kong nabasa ng mga tumakas kong luha gamit ang panyong ipinahiram nya sa akin. Pagkatapos kong punasan ay tumingin ako sa kanya. Tae! Tumatawa sya. =____=

" HAHAHAHA! Hindi ko akalaing ang drama mo pala? HAHAHAHA!" halos maiyak na sya sa katatawa. Nakakainis talaga sya. Kaya ayokong nagkukwento ng buhay pag ibig ko sa iba eh. Madrama na corny.

" Bahala ka nga!" sigaw ko sa kanya na tawa pa rin ng tawa. Tumayo na ako at padabog kong kinuha yung bag ko. Sumunod naman sya sa akin sa paglalakad.

" Uy! Sorry na." sabi nya pero naririnig ko pa rin syang tumatawa. Di ko nga sya pinapansin.

" Oy teka lang! San ka ba pupunta?" tanong nya at tawa lang sya ng tawa.

" Sa mental hospital,  irereport ko na may nakatakas na pasyente." inis kong sigaw sa kanya. Huminto naman na sya sa pagtawa.  Buti naman.

" Okay. Pero seryoso,  mahal mo pa ba sya?" huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Tumingin ako ng Diretso sa mga mata niya.

" Napakachismoso mo." tumalikod na ako sa kanya at tsaka naglakad.

" Sa tingin ko mas lalo kang mahihirapan sa sitwasyon mo ngayon." nagtaka naman ako sa sinabi nya.

" Paano mo naman nasabi?" tanong ko. Napapaisip tuloy ako.

" Bestfriend ko kasi ang ex mo."

0_______0

Fallen for you... againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon