Ikapitong Kabanata

35 2 0
                                    

Bakit ba kasi kailangang nandito sya?

"Tiffany! "
Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang dahilan ng pagkakaroon ko ng malaking eye bags. Umupo sya sa tabi ko.

" Bakit ka nandito? Eh diba..." hindi ko na sya pinatapos dahil alam ko naman na ang sasabihin nya.

" Eh ito kasing si Chie, inaya lang ako dito. Malay ko bang andito sya. Eh ikaw, bat andito ka?"

" Player ako."

Katahimikan.

Nakakailang kasi ang tahimik nya, wala naman akong maisip na topic na pag uusapan namin.

"Ang yabang mo ah!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na tila nakikipag away.

" Bakit! May ibubuga ka ba?!" biglang hinila nung lalaki yung kwelyo ni Tyler, hindi naman sya nagpatalo at hinila nya rin ito. Nakuha na nila ang atensyon ng lahat at maging ako ay napatayo na sa kinauupuan ko.

" Oy yung kaibigan mo nakikipag away, awatin mo naman." sabi ko sa katabi ko. Tapos tumingin ako sa kanya at what the? Wala na pala sya. So muka akong tangang nagsalita? Ok. Tapos tumingin ako sa may nag aaway. Andun na pala yung katabi ko kanina lang.

" Tama na yan. Idaan nalang natin sa laro, wag sa dahas. " sabi nya. Sumang ayon naman yung dalawa. Biglang tumingin sakin yung ex ko. Nagulat naman ako.

" Sige. Kapag nanalo kami tigilan nyo na ang panggugulo sa amin." sabi ni Tyler na nakakairita na ang pagtingin tingin sa akin.

" Kapag kami naman ang nanalo..." biglang tumingin sa akin yung kalaban nyang mukang bisugo at tsaka ngumisi, bale muka syang bida sa horror movie. " Akin na yung babaeng yun." sabi nya sabay turo sakin. Wahhhh! Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan ko pagkarinig ko sa sinabi nya. Tumingin ako kay Tyler, susugurin na sana nya yung nagsalita pero napigilan sya mga kasama nya. Teka, may pakialam sa akin yung ex ko?

Fallen for you... againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon