"Jake."
Andito kami ngayon sa isang fast food restaurant. Nagutom daw sya kasi ginamit nya daw lahat ng energy nya kanina sa pagbuhat sakin.
" Bakit?" tumingin ako sa kinakain nya. Ang takaw nya sobra. Pangatlong burger na nya yung kinakain nya.
" Si Shane." Kung boyfriend nga talaga sya ni Shane, bakit ako ang kasama nya at hindi sya. Remember? Nung nag away kami , sabi nya boyfriend nya daw si Jake?
"Bakish shyun" tanong nya. Ang dami kasi nyang sinubo kaya di gaano maintindihan yung sinasabi nya.
" Wala. Kasi ano. Ah, diba girlfriend mo sya?" pagkasabi ko nun ay nalunok nya bigla yung nginunguya nya kaya nabilaukan sya. Agad ko naman syang inabutan ng tubig. Pagkainom nya ay tumingin lang sya ng masama sa akin at sabay tawa. Baliw din tong isang ito eh." Grabe ka." yun lang ang sinabi nya.
" Ano nga kasi?"
" Step sister ko yun." sabi nya sabay subo ulit.
" Ha? Paano? " kung magkapatid sila, bakit ngayon lang sya nag aral dito?
" Mahabang kwento."
" Tsaka, bat ngayon ka lang dito nag aral? Tapos paano mo sya naging bestfriend? " So magkapatid sila. Kaya pala ganun si Shane.
" Kasi Kakarating ko lang dito galing States. Si Tyler naman, childhood friends kami. Since birth ay magkaibigan na kami."
" Si Shane. Bat Ganun ugali nun?"
" Talagang sweet yun at mabait."
" Mabait?" mabait? Saan banda Jacob?
" Oo. Suplada lang talaga minsan yun"
" Minsan?" Minsan ka jan. Maldita kaya yun sakin.
" Oo, kapag wala yun sa mood."
"Pero bakit ganun sakin yun? Bakit lagi syang galit sakin? Nakita mo ba nung nag away kami?.... Ooops, sya nauna dun ha, di ako." oo nga pala, kapatid nya yun kaya mas kakampihan nya yun." Naalala ko yung away nyo, pero yung dahilan ng pagkainis sayo nun? Di ko sure pero alam ko, crush nun si Tyler "
" pero wala na kami. Dapat lubayan na nya ako." kaya pala ganun nalang ang galit sakin. Type pala ang ex ko na mahal ko pa.
" Mahal mo pa eh." napahinto ako sa sinabi nya.
"Hindi sya ganun kasama para mang agaw ng mahal ng iba." medyo seryoso nyang sabi.
" Ah. Ikaw? Hindi ka ba naiinis dun. Palagi nalang may kaaway?" kung ako siguro, baka napalayas na yun sa pamilya.
" I'm so proud of her." what?!
" Proud?! Nakakaproud ba yung makita mong nakikipagsabunutan ang kapatid mo, and take note, babae pa."
" Yes, kasi kaya nyang ipagtanggol yung sarili nya. Para kahit wala ako, hindi sya mapapahamak. Hindi sya tulad ng iba na... Lampa?" medyo napatingin sya sakin nung sabihin nya yung last word. Loko to ah! Di ako Lampa!
" Pinapatamaan mo ba ako?" eto nanaman sya eh. Nang iinis nanaman.
" Tinamaan ka ba?" tumingin sya sakin at tsaka ngumiti ng nakakaasar.
" Kainis ka!" binato ko sa kanya yung tissue. Umatras ako ng kaunti para sumandal kaso, pag sandal ko ay bigla akong nagburp ng malakas. Napatakip ako sa bibig at namilipit sa sobrang kahihiyan. Kakahiya tuloy.
" Have some manners!" sabi nya. Kasalanan ko bang madighay ako?
" Sorry na aneh?" sabi ko nalang. Medyo matagal din na Katahimikan ang bumalot sa amin kaya naman ako na ang unang nagsalita." Kwento ka naman." sabi ko
" Saan?"
"Buhay mo. Di ka nagseshare eh" ilang weeks na rin pala sya dito pero di ko pa sya gaanong nakikilala.
" Tsaka na."
" Bakit naman?" may tinatago kaya toh? Ayaw nya talagang magkwento sakin. Di naman ako madaldal.
" Tsaka na kapag naging tayo."
" Huh?" hindi ko nagets yung sinabi nya.
" I mean kapag, tayo na lang." sabi nya.
" Tayo na?" OMG!
" Baliw! Kapag tayong dalawa ay nasa private place." natawa lang sya. Akala ko kasi kung ano nang " tayo na" yun.
"Ayusin mo kasi." Kumain nalang ulit kami. Patuloy lang ako sa pagkain pero sya Mukhang busog na. Makaubos ba naman ng limang burger. Medyo awkward na ang pagkain ko ng mag isa kaya huminto na ako. Tumingin ako sa kanya, nakatitig sya. Tumingin ako sa lamesa. Tingin ulit sa kanya, nakatitig pa rin sya. Lumingon ako sa iba. Tingin ulit sa kanya, nakatitig pa rin sya. Ano bang trip neto? Titigan pala. Tinitigan ko rin sya. Let's see *smirk* Nakatingin sya sakin tapos medyo ginalaw galaw nya yung ulo nya, para bang may pinapakinggan syang music at enjoy na enjoy sya sa pakikinig. Ganun pala ha. Tinaas ko ng kaunti yung mukha ko at tsaka ako ngumiti ng nakakaakit. Nawala yung titig nya sa mata ko. Medyo nawala na rin sya sa focus. Napayuko nalang sya at natawa. Yes!! Panalo ako!"Gotcha!" sigaw ko. Tumingin sya sakin ng nakangiti.
" Round two?" tanong ko. Pero nakangiti lang sya. Mas nilapadan pa nya ang ngiti nya. Binigyan ko na lang sya ng hindi-kita-maintindihan-look.
" Alam mo, para kang sunset." sabi nya na nakangiti pa rin." Tao ako."
" Basag trip naman eh." Napahawak na lang sya sa batok nya. Pero nakangiti pa rin."Bakit ba?"
"Kasi di ka nakakasawang tiigan."
"Corny mo."
"Cute mo."
" I'm not aso."
"We're not aso, kasi bagay tayo. "
"Gutom lang yan, eto oh, sayo nalang. " inabot ko yung burger na di ko nakain.
" Ayoko yan. Pwede bang ikaw nalang? " tumingin sya sakin na para bang vampire na uhaw na uhaw sa dugo.
" Baliw!"
"Oo, baliw. Sayo." tapos ngumiti sya.
" Nakakainis ka na." Inirapan ko sya.
" Nakakainlove ka na..." Ngumiti sya. What?
" Ha?" Nakakainlove? Ako?
" Just kidding. " tumawa sya. Baliw talaga. Dumating na yung bill kaya nagbayad na sya. Tumayo na sya at naglakad kaya sumunod na ako. Pagkalabas na pagkalabas namin ay biglang bumingad sa harap namin si Tyler kasama yung girl friend nya. Napahinto ako, napansin yun ni Jacob kaya huminto din sya. Tumingin ako kay Tyler na nakatingin kay Jacob, halatang gulat sya, kagaya rin namin." Hi? Nagkita na ba tayo?" biglang nagsalita yung babae. Ano naman kung nagkita na tayo?
" Ah, baka?" Ikaw? Ako pa ba ang makakalimot sa pagmumukha mo?
" Wait? Ikaw yung babae sa court dati, right? You're Tiffany, Tyler's friend?" Girlfriend ang sabi mo.
" Yes." Matipid kong sagot.
" Sabi ko na nga ba eh, ikaw yun. I'm Kristine. Nice to see you again Tiffany and... Hi?" tumingin sya kay Jacob.
" Jake. " Ngumiti lang ng matipid si Jake kay Kristine.
" So, you're Jacob. Ikaw yung Bestfriend ni Tyler. Nice to meet you. " Masaya nyang sabi. Ikaw lang ang masaya.
" Sige, Mauna na ako. Bye." Ngumiti nalang ako kay Kristine, hindi ko na tinignan pa si Tyler. Tuloy tuloy na akong naglakad hanggang sa makalayo na ako. Napansin kong hindi nakasunod si Jake kaya hinanap ko sya. Nakita ko syang kausap si Tyler. Kapwa sila seryoso sa pag uusap nila. Saglit lang silang nag usap, nagyakapan sila bago magpaalam sa isat isa. Sumunod naman si Jacob sakin. Ano kayang pinag usapan nila?
" Anong sabi nya?" tanong ko nang makarating sya.
" Wala."
"Meron. Ano nga?"
"Basta." nawala nanaman sya sa mood nya.
" Sabihin mo na kasi."
" Kulit mo" naglakad na sya.
" Ano na?"
" Basketball! " sigaw nya. Nagalit na syang tuluyan. Naglakad na sya. Basketball ba talaga ang pinag usapan nila? Tumingin ako sa kinaroroonan ni Tyler. Nakatingin sya sa akin. Agad ko namang ibinalik ang tingin ko kay Jake. Tumakbo ako at hinabol sya. Nang mahabol ko sya ay nasa sasakyan na kami ng taxi. Tumawag sya ng isa at sumakay na kami. Hindi sya umiimik." Ok ka lang? " tumingin ako sa kanya. Parang sobrang naiinis sya. Hindi sya sumagot. Nakatingin lang sya sa bintana. Lumapit ako ng kaunti sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya. Napatingin sya sa kamay ko, tapos sa akin. Inalis nya yung kamay ko sa pagkakapatong sa kamay nya. Okay. Badtrip nga talaga sya. Dumusog ako para makalayo ng kaunti sa kanya.
" Tiffany. "
Sabi nya pero nakatingin pa rin sya sa bintana.
" What?"
" Pwede bang..." huminto sya saglit at nag isip. Para bang iniisip nya kung paano sasabihin ang mga salitang nais nyang idugtong sa mga salitang binitiwan nya."Ano? "
" Wala. Kalimutan mo nalang. " Ngumiti sya ng tipid sa akin. Ano bang pinag usapan nila? Bakit ganito na si Jacob?" Sabihin mo na. "
" Wala. "Hindi ko na sya kinulit na sabihin yun. Hindi na rin sya nagsalita hanggang sa makarating ako sa gate ng bahay. Basta seryoso lang sya. Malalim ang iniisip. Parang may kakaiba sa kanya. May gusto syang sabihin pero hindi ko mabasa. Ano ba talaga Jacob? Ano bang sinabi sayo ni Tyler? Bakit ba hindi ko kayo maintindihan?
BINABASA MO ANG
Fallen for you... again
Ficção Adolescente♥ TADHANA. Mapaglaro. Paasa. Mapanakit. Pero patuloy ka pa ring naniniwala. ♥