Chapter Thirteen

8 0 0
                                    

"Alam mo Tiffy, kung nakakatunaw lang ang pagtitig, kanina ka pa siguro lusaw jan sa kinauupuan mo." sabi ni Chie habang pasulyap-sulyap sa likuran ko.

"Pinagsasabi mo? Tsaka para kang giraffe jan, humahaba nanaman leeg mo. Sino ba yung tinitingnan mo jan?" Isinubo ko ang buong burger na hawak ko. Syempre joke lang, kumagat ako sa burger at tsaka ngumuya. Mmmm! Yummy!

"Multo."
Napahinto ako sa pagnguya.
"Seriously?" tumingin ako kay Chie at humawak sa braso nya.

" Hahaha! Ang bakla! Hahaha!" halos mamatay na sya sa kakatawa. Hmp! Pinagloloko lang pala ako.

"Stop." sabi ko. Pero patuloy pa rin sya sa pagtawa. Ang lakas pa man din nung tawa nya.

"Stop Chie." tinitigan ko sya pero wala pa rin.
"I SAID STOP!" sigaw ko. So ayun, nagtinginan lahat ng fans ko. Wahhhh! Embarrassing! Ngumiti lang sakin si Chie at tsaka nag peace sign.

" You guys? Um, problem?"
"Ayan na sya. Pakatunaw kayong dalawa jan. Bye!" Tumayo na si Chie at lumabas sa canteen. Iwan ba naman ako?

" So, um, are you okay?"  tumingin ako sa kanya. So sya pala yung sinasabi ni Chie.

" Jacob?"
"Are you asking or what?" medyo kumunot yung noo nya. The shell! Yung mga pinagsasabi ko sa kanya kahapon.
"Wala. Ah, sige. Una na ako. Baka malate ako. Bye." Kinuha ko na yung gamit ko at tsaka tumayo.

" Ok. I'll see after your last class." Napahinto ako sa sinabi nya.

" Bakit? "
" It's my treat. " wow ha. Anong tingin nya sakin? Pulubi, para hindi makabili ng pagkain?
" Ow-Key?" napahawak nalang sya sa batok nya at ngumiti . Di ko talaga sya maintindihan minsan. Naglakad naman na ako papunta sa next class ko.

Pagkapasok ko ng room ay parang may nagkakagulo sa upuan ko. Parang may something dun kaya sila nagkukumpulan. Agad naman akong tumungo roon para makita kung ano ba yun.

"Ayan na sya!" may biglang sumigaw sa hindi ko alam na direksyon. Agad namang nawala lahat ng classmates kong nagkumpulan kanina lang. Pagkadating ko sa upuan ko ay may nakita akong heart shaped na sticky notes,  tapos may nakasulat na "I can't say it directly but really Madylane,  I love you. And I mean it." Kinuha ko yung papel at tsaka ipinakita sa klase.

" Anyone who can explain? " umiling lang sila at yumuko.
"Wala  bang nakakita kung sino ang naglagay neto?" umiling lang ulit sila sa akin. Wala ba talaga akong matinong makakausap dito? Umupo nalang ako. Kanino nanaman ba ito galing?  Dumating na yung subject teacher namin at nagturo na sya. Wala akong naintindihan sa pinagsasabi nya. Natapos ang buong klase ko na lutang ako kakaisip sa kung sino man ang may gawa nun. Tumayo ako at nag ayos na ng sarili ko para makauwi na. Kinuha ko yung bag ko at tsaka lumabas ng room. Pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sa akin si Jacob. Nakatalikod sya habang nakatingin sa kawalan. Nilapitan ko sya,gulatin ko kaya? BWAHAHA! Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Hahawakan ko na sana sya pero bigla syang nagsalita.

" Ah! Shit! She's such a turtle!" napaayos ako bigla sa sinabi nya. Ako ba yung tinutukoy nya? Ang ganda ko namang pagong. Kinalabit ko nalang sya at tsaka I gave him a sweet smile. Tumingin naman sya at tsaka... umirap ba sya?

" Bakit ngayon ka lang? " He said like he was the most powerful man on Earth.
" Pake mo ba?" Papatalo ba ako? Palagi nalang mainit ulo neto.
" Don't -- Argh! Kanina pa uwian, kanina pa ako nandito, kanina pa nakalabas ang kaklase mo at kanina ka pa nanjan sa room nyo at hindi ko alam kung ano nanaman ba ang ginagawa mo." Wow. Galit sya. Wahhh! Galit sya! Pero ako?  Kanina pa sa room? Ano na bang oras? 6:30.  What?! Nakatulog ba ako sa klase at di namalayan ang oras? Uh oh.

" Whatever. " naglakad nalang ako papaalis.
" I've waited you for so long tapos iiwan mo din ako? " napahinto ako sa sinabi nya. Ilang beses nya ba ako papahintuin sa mga linyang binibitawan nya? Tiningnan ko sya from head to toe. Suot pala nya yung binigay ko kahapon. Lumapit ako sa kanya at hinatak yung kamay nya.

" Dami mong gusto sa buhay." sabi ko habang naglalakad, hila hila ang kamay nya.

" Isa ka na dun." He said something but I didn't hear it.

" Saying something? " tanong ko.
"Ang bingi mo talaga." sagot nya. Aba, kasalanan ko ba kung mahina yung boses nya. Naglakad nalang ako. Dahil medyo nauuna ako sa kanya, kasi nga hinatak ko sya kaya medyo nahuhuli sya, ay lumakad sya ng mas mabilis para maabutan ako. Nang sabay na ang paghakbang namin ay naglakad na kami papalabas ng school nang magkahawak ang kamay.

Fallen for you... againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon