Ikatlong Kabanata

55 3 0
                                    

Natapos din ang isang malagim na araw. Grabe! Kaklase ko sya at seatmate ko pa! Ano pa bang klaseng kamalasan ang mangyayari sa buhay ko? Nakakainis sya na nakakairita.  Mabuti nalang at hindi nya ako kinulit ngayong uwian. Andito ako sa may waiting area ng school. Ano na bang oras at wala pa yung sundo ko. Tiningnan ko yung relo ko at what the?!  7:36 pm na! Kaya pala wala na akong nakikitang studyante. Kinuha ko na yung phone ko para tawagan yung sundo ko.

" Hello manong! Asan ka na ba? Anong oras na oh. Susunduin mo ba ako?"

( Maam pasensya na po kayo,  nasira po kasi yung preno ng sasakyan. Nandito pa lang po ako pinapagawa ko pa lang po.)

" Ok fine. Matagal pa ba yan?"

( Opo maam,  pasensya na po kayo baka po gabihin na po kayo sa pag uwi kapag hinintay *toot* toot*)

WTF?! Namatay bigla yung phone ko at pagkacheck ko ay low bat na pala. At kapagka minamalas nga naman, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Paano na ako uuwi nito? Kailangan ko pang maglakad para makakuha ng taxi. At paano ako makakapaglakad kung wala akong dalang payong? Argh! What a day!

" Malas! Malas! Malas!" 
Nagpapadyak akong naglakad papunta doon sa may upuan. Umupo muna ako at tsaka tinakpan yung mukha ko. Anong gagawin ko? Isip. Isip. Isip. Wala talaga akong maisip.

" BOOOOH!"

" Ahhhhhhhhhhhhhhhh!"
Napasigaw ako nang malakas at napatingin sa walanjong gumulat sa akin.

" Ikaw?!"
Hinampas ko sya ng malakas. Ikaw ba namang gulatin sa madilim at umuulan na paligid.

" Hahaha! Anong ginagawa mo jan? Hahaha! Mukha kang sira jan. Hahahahaha!"
Tawa sya ng tawa. Sana mawalan sya ng hininga. =__=

" Kaya pala ako minalas dahil nandito ka nanaman. Akala ko ba umuwi ka na?"
Naiiritang tanong ko.

" Umuwi na ako. Kaso gusto kong gumala. Napadaan naman ako dito at nakita kita kaya ayun, ginulat kita HAHAHA! Eh ikaw, bat di ka pa umuuwi?"

" Wala yung sundo ko. Di ako makatawag ng taxi kasi low bat ako. Tsaka umuulan pa at wala akong payong."

" Ganun?" sabi nya tsaka umupo sa tabi ko.
" Kawawa ka naman" dagdag pa nya.

" Hindi ako kawawa ano! Tsaka teka, bat ba ako nakikipag usap sayo? Umalis ka na nga!"

" Eh di umalis." tumayo na sya at tsaka naglakad papunta dun sa kotse nya. Naiwan naman akong mag isa dun.

" Oh, akala ko ba aalis ka na?" tanong ko sa kanya. Bigla kasi syang bumalik.

" May nakalimutan akong sabihin sayo. " sabi nya at tsaka sya ngumiti ng nakakaloko.

" Ano?! "

" Mag ingat ka ha. Nabalitaan ko kasi na may mga ghost dito sa area na ito. Diba may naaksidente rito at nagmumulto sya kapag late hours na? Yun lang. Sige alis na ako. Awooooo!"

Mukha syang sira sa huli nyang sinabi. Pero lahat ng sinabi nya ay totoo, may isang studyante ang naaksidente rito at namatay.  At balibalita rin na nagpaparamdam daw ito kapag gabi. Shit! Oo matapang ako, pero yung totoo, takot ako sa multo. Wahhhh! Tumingin ako sa relo ko at 8:55 na. Madilim na at umuulan pa. Bigla akong pinagpiwisan kahit na sobrang lamig. Natatakot ako! Napatingin ako sa kanya na noo'y naglalakad na paalis.

" T-Teka lang!" natatakot kong tawag sa kanya huminto naman sya at tsaka naglakad pabalik sa akin.

" Bakit? Natatakot ka?" mayabang nyang tanong sa akin.

"  Hi-Hindi ah! Bakit naman ako matatakot!" pinilit kong maging matapang sa pagsasalita ko kahit na yung totoo ay sobrang natatakot na ako.

" Hindi ka naman pala natatakot eh, sige alis na ako." tumalikod na sya pero hinila ko yung manggas ng polo nya,  dahilan upang mapalapit sya sa akin.

" Sa-Saan ka pupunta?" napatingin sya sa manggas ng polo nya na malapit ng mapunit dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko. Inalis ko naman agad yung kamay ko ng mapansin ko sya.

" Aalis na. Diba kamo di ka takot."
Tumalikod nanaman sya.

" T-Teka lang!"
Tumingin sya sa akin at tsaka napakamot sa ulo.

" Bakit?"

" D-Dito ka muna" sabi ko. Nagsimula ng manginig yung kamay ko sa takot. Pero dapat di nya ito mahalata. Baka malaman nyang natatakot ako.

" Natatakot ka ano?" bigla syang natawa. Nakakainis!

" Hindi nga sabi eh" iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya. Nakakainis yung tawa nya eh.

" Talaga? Eh bat garod nanginginig yang kamay mo?" ngumuso sya sa may kamay ko at halatang natatawa na sya. Napatangin naman ako. Hala! Grabe yung nginig ko. Ganito na ba talaga ako kaduwag sa multo?

" Gi- Giniginaw lang ako." itinago ko naman kaagad yung nanginginig kong kamay sa bulsa ng palda ko. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa may likod ko. Para bang may nakikita syang iba sa likod ko. Mas lalo akong nanginig sa takot.

" Ho-Hoy! Ano bang ginagawa mo?" may third eye ba sya? May nakikita ba syang multo sa likod ko? Tatakbo na ba ako?

" Masama bang tumingin sa likuran mo?" seryoso nyang sabi.

" H-ha?"  gusto ko nang tumingin sa likuran ko pero hindi ko magawa. Para bang naninigas na yung buong katawan ko sa sobrang takot.

" Wala ka bang ibang nararamdaman?" kinilabutan ako bigla sa tanong nya.

" Ba- Bakit?"  mas lalo akong nanigas sa takot. Parang hihimatayin na ako sa takot neto.

" Hindi mo talaga nararamdaman? May babae jan sa likod mo. Nakayakap."

Pagkasabi nya nun ay napatakbo ako bigla papalapit sa kanya at tsaka niyakap sya ng sobrang higpit. Yung yakap na para bang wala nang bukas. Hindi ko na rin mapigilang hindi maiyak sa sobrang takot. Ibinaon ko yung mukha ko sa dibdib nya at tsaka umiyak. Nahalata ko naman ang pagkabigla nya sa ginawa ko.

" H-Huwag mo akong iiwan."bulong ko sa kanya. Bigla akong kinapos ng hininga at naramdaman ko nalang na may bumuhat sa akin

Fallen for you... againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon