Panimula

2.9K 68 14
                                    

"Be my fake girlfriend, yan ang kabayaran mo sa damage na natamo ng kotse ko."

Napakunot noo siya sabay tingin nang deretso sa kaharap.

"Nababaliw ka naba?"

He smirk sabay halukipkip at titig sa kanya. "Nope. But that's my condition. Now if you wanna pay, then be it. I accept cash, and I want that money now. Ayaw ko nang hulog hulugan dahil hindi ako bumbay."

"M-magkano ba ang damage na nagawa ko sa kotse mo?"

Tila nag isip ito bago sumagot. "Incase you didn't see it, my whole backend is damage. You slammed into my car hard. And incase you don't know but my car is a Lamborghini, the amount I will spend just to have it fix is big. Maybe around 300,000 pesos."

"Ha?"

" You can check it online miss Tolentino, but I need your answer now. Are you willing to pretend as my girlfriend to pay the damage or your willing to pay it in cash right now."

Napapatitig siya sa lalaking kaharap. Kung bakit naman kasi sinalo niya ang lahat nang kamalasan sa araw na yun.

Two days ago habang pauwi mula sa trabaho ay naka aksidente siya habang nagmamaneho. Hindi niya napigilan ang pagkaidlip habang nagmamaneho dahil sa subrang pagod at huli na para mag break siya dahil nabundol na niya ang kotse nang lalaking kaharap at talagang nayupi ang likuran nang kotse dahil sa impact.

Awa nang diyos wala namang nasugatan, pero ang kotse nito ang talagang napuruhan.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Bakit ako magpapanggap na girlfriend mo? Hanggang ilang linggo o buwan ako magpapanggap?"

Ngumisi ito bago sumagot.

"Two weeks just the Christmas break you will accompany me in my  province. We just need to make my family, friends and the people around me na nagseseryoso na ako sa buhay." Sabi nito sabay inom ng kapeng hawak.

Nasa isang coffee shop sila dahil dito nila gustong pag usapan kung sa paanong paraan niya babayaran ang damage sa kotse nito.

Bumuntong hininga siya bago nag isip. Sure siyang hindi niya mababayaran ang lalaking to. Diyos ko sapat na sapat lang ang pera niya para buhayin ang sarili sa pang araw araw, kaya saan naman siya kukuha nang tatlong daang libong peso diba? So no choice na siya dito.

"Fine, papayag akong maging fake girlfriend mo. But I wanna know the do's and don'ts of this façade."she said.

"Easy, just act as my girlfriend in-front of everyone. Hold my hands, maybe hugs and kisses if needed. And yes, no sex. We don't need that. Just be a loving girlfriend infront of the people I know then we're good." Kaswal nitong sabi.

Tumango siya. Mukhang madali lang ang gusto nito.

"And oh please don't fall in love with me. This is all an act nothing more, nothing less."

Napailing siya sa kayabangan nito. Yes gwapo ito, mukhang italyano pero never niyang nakikita ang sarili na mahulog dito. Diyos ko kayabangan palang nakakaturn off na.

She smile and answered.

"Don't worry, sa ugali mong yan kahit pilitin mo ako never akong mafofall sayo."

"Very well then." He said bago tumayo at lahad nang kamay sa harap niya. "Nice talking to you Miss Tolentino."

"Asher." Sabi niya bago inabot ang kamay nito. "Please call me Asher short for asherina. Nakakatanda masiyado ang Miss Tolentino."

"Then call me Nicolo." Sabi nito sabay bitaw sa kamay niya. "Come, I'll send you home."

"Ah magtataxi nalang ako."

Tiningnan siya nito bago ito walang kangiti ngiting nagsalita.

"We are starting now Asher, this is me as your fake boyfriend being nice to send you home. I wanna see if we can stand being with each other." Seryoso nitong sabi.

Napanguso siya bago tumingin sa mga dessert na nasa mesa. Ang dami pang tira at nasasayangan siya.

Dinig niya ang pag buntong hininga nito bago ito bumalik sa upuan sabay tawag nang waiter.

"Please bag all the leftovers, we'll take it home." Sabi nito sa waiter na ikinagulat niya. Napailing ito nang makita siyang nakatingin dito bago ito nagsalita. "What? I know you don't want the food to go wasted. Kaya iuwi mo nalang." Masungit at pasuplado nitong sabi. Sumpungin pa talaga.

Kimi siyang ngumiti bago tumango.

"Salamat Nicolo."

"Tsk." Sagot nito bago iwas ng tingin sa kanya.

Gusto niyang matawa dahil sala sa init at lamig ang ugali nito. But heck she's more worried about the situation she's gonna be into during the Christmas break. Two weeks niyang makakasama ang lalaking to, naway makauwi siya ng buhay o di kaya ay naway hindi selda ang bagsak niya dahil baka makapatay siya. Pero char lang.

—————————####——————-
Makulit na utak ang meron ang ferson today hahaha

My Christmas Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon