Akala ba nila madali to. Gusto ko naman talagang makalimot kaso sa sobrang pa-fall niya lagi na lang akong naniniwala... Tapos pag tinopak na naman siya ako na naman ang masasaktan.
Inis na inis na yung mga kaibigan ko sakin. Dati may isa akong kaibigan na todo support sa paghahabol at pagpapakatanga ko kay Michael pero ngayon ayaw na talaga niya sa nangyayari. Yung isa namang kaibigan ko matagal ng inis kay Michael. Nakailang mura na nga rin yun sa kanya.
Maging ako naiinis na rin sa sarili ko. As in sobra. I really need some kind of distraction baka mas effective yun sa paglimot.
Anyway, binaliwala ko yung sa Star City. Sino ba naman ako para magdemand sa kanya di ba? Kaya I wouldn't ask him na. Alam ko naman kasing mapapahiya lang ako at aasa sa huli. Lagi na rin lang naman hindi natutuloy yung mga plano namin bakit pa ako mageexpect di ba?
At least natututo na akong huwag umasa pero ang sakit kasi talaga na parang ano pa bang kulang sayo at di niya makitang I'm worth it na he can risk it all. Kasi ako pag mahal ko ang isang tao I can risk it all.
