DEAR MICHAEL,
Straightforward akong tao. Prangka pa nga eh. Kaya naman sinabi ko sayong gusto kita. Wala ka namang reaksyon. Ayos lang. Hindi naman porke sinabi ko sayo na gusto kita eh dapat gusto mo rin ako. Wala namang pilitan dito eh. Pero sana magustuhan mo rin ako. Sana lang naman eh. Kung hindi anong magagawa ko? Wala naman di ba? Nga pala, tinatago kong mabuti yung keychain na gitara na bigay mo. “Pasalubong” mo galing Cagayan de Oro. Nagpunta kang school non tapos at binigay mo. At least I got a remembrance from you.
LOVE,
MIKAELA