DEAR MICHAEL,
Nafrufrustrate na talaga ako Michael. Nasabi mo kasing gusto mo rin ako. Or nagkamali lang ako sa pag-intindi. Umasa tuloy ako. Yan na naman kasi yang asang yan eh. Baka nagkamali ka lang ng nasabi. Imbes na di kita gusto, gusto ang nasabi mo. Yan tuloy. Eh bakit di na lang tayo? May iba ka bang gusto? Sabi mo naman wala eh. Siyempre naniwala ako? Sabagay kakikilala lang natin halos. Di ka naman agad nafa-fall. Sabi mo pa nga kilalanin muna natin ang isa’t isa. Sabi mo pa mahirap ang LDR. Reasons. Pero I accepted those reasons. Nung nagpunta kaming Manila. Akala ko makikita kita kasi nagsabi ka pero hindi naman pala. Nalungkot ako non. Sabagay bakit ka nga ba pupunta? Bakit ka nga ba makikipagkita? Hindi ka naman obligado di ba? Kaya ayos lang sa akin. That’s life eh. Kumuha ka ng dog food at hindi ka nakaalis doon. Umiyak ako pauwi non. Naalala mo? Kung anu-ano pa ngang pinagtetext ko sayo eh. Halos magmakaawa pa ako sayo na tayo na lang. Gustohin mo rin ako. Pero paulit-ulit kang tumanggi. Hindi mo talaga ako gusto. Doon ko narealize na siguro hanggang friends lang tayo. Wala naman akong magawa ayaw mo talaga eh. If I could just erase that moment. I would. It didn’t make sense, right?
LOVE,
MIKAELA