DEAR MICHAEL,
Gusto na talaga kitang iuncrush or iunlove. Pero sabi ng friends ko bigyan daw kita ng time limit. Sabi nila hanggang December pag wala pa raw tayong improvement? Tigilan ko na raw ang pagkagusto ko sayo. Sayang daw eh. Sabi ko naman pwedeng hanggang February kapag March na ititigil ko na. Fine sabi naman nila. Ilang irap din natanggap ko non. Sabi pa nong iba itigil ko na at obvious din namang wala akong mapapala. Masasaktan lang daw ako. Binatukan pa nga ako nung sinabi kong mag-apply kaya ako sa Manila? Ang petty naman ng reason kung dahil lang doon. Pero kung sakaling diyan man ako magwork it’s because I have no choice.
Nagusap tayong magkikita bago ako umuwi ng Vizcaya nung nagseminar ako sa Manila kaso hindi na naman natuloy. May nangyari kasing di maganda sa pinsan mo. Valid yung reason saka tanggap ko na na friends lang tayo. Balik tayo ulit sa normal.
LOVE,
MIKAELA