Pwede bang humiling na lang ako na lamunin ako ng lupa o di kaya ilipad na lang ako ng hangin o di kaya naman tangayin ng dagat sa sobrang kahihiyan ko that day.
After ng lunch namin ni Pierre which was past 2 in the afternoon eh kailangan kong umattend sa awarding ceremony ng school papers sa may University of Taguig. Kaya nagpaalam nako sakanya. I didn't expect na sasamahan niya ako.
"Alam mo ba kung pano pumunta dun?" Tanong niya sa kin. To be honest hindi ko alam kasi first time ko pumunta don. Ang alam ko lang may jeep na diretso na ng Pasig Church then from there magjijeep pa-market market.
Kaya nagjeep kami. Hindi rin daw kasi siya nalalagi ron kaya di rin niya alam. Kung sakali man daw na maligaw kami eh at least kasama ko siya. Hindi ako magisa kasi delikado.
Gaya ng instruction ng kapatid ko bumaba kami sa may Pasig Church kaso sa dami ng jeep. Hindi ko na alam kung anong jeep ang paparahin. Buti may pinsan akong tumawag taga-Taguig din kaso sa may Tipas lang. Malapit lang yun.
Kaya sumakay kami ng jeep na sinabi ng pinsan ko. And to my dismay ang tagal ng biyahe. Almost 2 hours na kaming nagbiyabiyahe sa jeep. Ang sakit na nga ng pwet ko eh. Nangangalay na. Nahihiya nako kay Pierre kasi for sure pagod na siya.
Tinignan ko siya if he was okay nakatingin lang siya sa phone niya. Bored na siguro siya and naiinis na at the same time.
What a bad impression for our first "date".
"Long cut yung dinaanan natin. Medyo malapit na tayo." Sabay pakita niya ng GPS sa phone niya. So ito pala ang pinagkakaabalahan niya at hindi pagtetext.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya ulit. Awkward akong ngumiti. "Ayos pa naman sabi ko." Pero ang totoo hindi na.
Malapit na nga kami biglang parang pagong na yung daanan. Traffic. Of all time naman. 5pm yung program. 6pm na ngayon. Baka patapos na rin. Kung minamalas ka nga naman. Dahil malapit na. Nilakad na lang namin ni Pierre hanggang doon. Grabe! Nakakahiya talaga.
Nung makarating kami sa University of Taguig mga 6:30 na. Patapos na rin talaga yung program. Kaya nagpicture-picture na lang kami with the other SPAs. Si Pierre pa nga ang photographer. Nakisali rin naman siya sa amin sa picture. Nawiwili rin yung ibang teachers sa kanya kasi panay ang tanong nila.
"May gf ka na ba balong? May pamangkin ako na ipapakilala sayo pag umuwi ka ng probinsya." Sabi nung isang teacher. Tumaas ang kilay ko. What the?! Andito ako. Ako ang kasama. Kaso nga friends lang naman kami.
Hindi pa nagiinit yung pwet ko sa upuan eh uwian na. Nagsiyayaan na umuwi. Siyempre kasabay ko na si Pierre umuwi. Hindi naman kami makatanggi nung may sumabay. Gusto pa ngang magpahatid kay Pierre hanggang terminal sa may Cubao. And because of his kindness um-oo siya. This man.
Mas mahirap na naman nung pauwi. Ang layo ng nilakad namin para makasakay ng jeep papuntang SM Aura para makasakay ng taxi pauwi.
I'm beat. And I just wanted to go home. Hindi na rin kami nakapagdinner. Hindi rin kami nakapagpaalam ng maayos. I'm such a lame girl.
I wonder what Pierre was thinking that night.
So, I texted him saying how sorry I am. And I know for sure it's gonna be our last "date". Nagthank you talaga ako ng sobra. I was glad when he texted me back.
Nakauwi na ako. Ikaw?
Okay lang yon. Thank you. Nagenjoy ako. Wala rin kasi akong exercise lately. Hehe.
Kumain ka ha? Baka di ka na kakain at matutulog na lang.
Where was Pierre the whole time I was wasting time with Michael.