Random Thoughts #8

27 0 0
                                        

Panay ang sigaw, taas ng kilay at tili ng dalawang kaibigan ko nung kwinento ko sa kanila yung nangyari.

Kung pwede lang siguro nila akong sabunutan at hampasin ginawa na nila.

Ang haba raw ng buhok ko. Hirap na nga akong imaintain sa sobrang haba eh. Hahaha. At talaga raw na nakakahiya ang nangyari. See? They are really on my side.

Gumawa na nga rin sila ng scoreboard. 1 for Pierre; 0 for Michael.

Dati rati sinusuportahan talaga ako ni Xy sa pagiging in"love" ko kay Michael pero dahil sa nangyayari... Ayaw na rin niya. Ayaw ko na rin naman. Si Ela naman simula pa lang ayaw na talaga niya. Kahit raw anong gawin pa ni Michael.

Bakit mo pa ipagpipilitan yung sarili mo sa taong ayaw naman sayo?

Gasgas na yang linyang yan pero may katotohanan.

Bigyan ko raw ng chance si Pierre if ever na manligaw siya or what.

Yes.

And I would take it slow because I want it last.

Kahit nung nakauwi na ako ng province madalas pa rin kaming magkausap ni Pierre. Hindi pa raw siya makauwi at naka-leave daw yung boss nila.

More Pierre. Less Michael. And it felt good. Dati kasi careful ako sa words na binibitiwan ko kapag kausap ko siya. Alam mo yung takot ka na baka mamisunderstand niya tapos magtampos siya. Alam ko pabebe pero hindi ko na mababawi ganon nga talaga. Ayokong magpakaplastic na. Kaya kung pano ako makipagusap sa mga kakilala ko ganon na rin kay Michael. Walang preno. Walang bahid ng pagpapanggap. Hahaha.

Nakatulong talaga ng malaki yung nangyari sa Manila. Nakanood ako ng F&F7. Nakapunta ako ng Star City. Lahat yun plinano ko with Michael. Pero ni isa non walang Michael na kasama.

Pero it was the two of thd happiest days of my life.

I really thank God for blessing me the most supporting and nicest friends.

Wala mang boyfriend.. Bawing-bawi naman sa friends.

Dear MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon