Entry #6

37 2 2
                                    

DEAR MICHAEL,

            Nung umuwi ka ng Vizcaya, humiling ako ng sign kay Lord. Haha! Imagine? Ang kapal ko noh? Pero totoo humiling talaga ako. Ang hiling ko kung magpapakita ka sa akin ngayong nasa Vizcaya ka baka may pag-asang maging TAYO. Oo. Yun yung hiling kong sign. Eh kasi naman di ba? Alangang sa phone lang tayo magkakilala? Siyempre dapat sa personal din. Kahit naman di maging tayo at least friends naman di ba? Akala ko talaga di na matutupad yon. Kasi Friday, nganga ako. Saturday nagpakita ka. Gulat pa nga ako eh. Naglulunch kami ng friends ko sa isang resto tapos bigla kang dumating. Di man lang ako nakapagsuklay o nakapagpolbo. Kainis talaga di ako prepared pero ayos lang. Nakita naman kita. May picture pa tayo. Pogi mo pala kaso maliit ka pero ayos lang pogi ka at mabait. Nakakainis nga lang nung araw na yon kasi may klase ako ikaw naman may pupuntahan, sa may ITHome ata. Nung Sunday naman, nagkita ulit tayo kasi pinuntahan kita kung saan ka nag-aabang ng bus sasakyan mo papuntang Maynila. Ayos! Nakapagkwentuhan tayo. (At dahil diyan ayun na naman yung word na ASA.).

LOVE,

MIKAELA

Dear MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon