DEAR MICHAEL,
Uminit talaga yung ulo ko sayo. Oo alam kong friends na lang tayo. Shit lang. Napamura talaga ako eh. May pagetting to know each other ka pang nalalaman. TIME. Tapos sasabihin mo saking MAY GUSTO KANG IBA kaso taken na. Shit lang. Prangka ako sayo. Nagsasabi ako ng diretso. Pero shit lang ginanon mo ako? Sana man lang sinabi mo nalang nung una pang may gusto kang iba di ba? Eh di mas tanggap ko pa. Mas kapani-paniwala. Paano naman kasing di ka pa ready? Hello. Graduate ka na. May work. Saka boyfriend/girlfriend pa lang naman di pa kasal. Ready? Ang sakit lang tanggapin non eh. Tanga ko talaga eh. Sarap kong batukan. Pero may gusto ka ng iba ano pa bang magagawa kaso nagkaproblema ka ata sa kanya. Sayang. Sayang kayong dalawa. Kahit di ko kilala yung babae. Mabait ka naman eh kaya kung sa kanya mo gusto eh di doon ako. Go! Ano pang panama ko don? Eh yun ang gusto mo makipagkompitensya pa ba ako? Huwag na oy! Kaya pala nung nakaraang mga linggo you seem so cold. Bihira ka magtext ganon. Kaya pala. Alam na. Nainlove ang loko. Heartbroken uli ako lalo.
LOVE,
MIKAELA
