One of my dreams talaga is to go to Star City. I've seen the place but I never got the chance to explore it before. I've been to E.K. for 3 times so I wanted to try S.C. But I want 'him' to accompany me. I want us, together, to spend the day there.
So I was so excited when he said 'yes'. May schedule na nga kami eh... April 9 or 11 since holiday yung 9 at Saturday naman yung 11. Mga 1 week din kasi ako sa Manila. Kung pwede nga lang hilahin ang araw para mapabilis kasi excited talaga ako. Sa sobrang excitement ko nga naikwento ko na ata sa buong barangay (just kidding!). Naikwento ko na sa mga friends ko. Sabi pa nga nung isa, punta rin sila ng bf niya. Bat di na lang kaming apat? The more the merrier di ba?
One day, nakatambay lang ako sa faculty kasi test days eh wala akong advisory class, bigla kang tumawag. Sinagot ko though nagtatawagan naman talaga tayo kaya lang unusual kasi nasa work ka na dapat yun pala nakatambay ka rin sa canteen niyo. Kwinento ko sayo na may kaibigan ako na gusto ring pumunta ng S.C. pero kasama niya bf niya. Hindi rin talaga sasama satin... Hihiwalay din. Nagulat ako nung sinabi mong sila na lang ang kasama ko. Tapos sabi mo 'titignan mo'. Ha?? Eh nag-oo ka na dati ah. Anong nangyari? Bakit ganon bigla? Sumama yung loob ko na naman. Matagal kong hinintay to tapos wala naman pala. Kaya pinatayan kita ng phone kasi iiyak na ako.
Nag-away tayo. Ayaw mo ng ginaganon ng napapatayan pero pano naman ako? Ako na naman kawawa? Iintindi. 2 weeks din tayong di nagusap.. Di nagkatext ng maayos hanggang kumusta pero civil naman tayo. It's just that may extra sweetness kasi tayo dati. Anong nangyari satin???