Entry #17

36 1 0
                                    

Dear Michael,

3 days before ako magpunta sa Manila, you texted me. Sabi mo you wanted to watch the latest installment of Fast and Furious. Eh I would watch that on the Saturday, yung first day of stay ko in Mla. kahit alone okay lang. I really like that movie. And I really miss Paul.

So yeah you said we'll watch it on Saturday kapag hindi mo napanood ng Thursday pag wala kang kasama. But then, hindi na ako naexcite kasi baka hindi na naman matuloy. Nasanay na kasi ako na ganon lagi yung nangyayari.

Thursday night came hindi ka nakanood so that means we'll watch sa Saturday kaso sabi mo may gagawin ka. Okay. Sana hindi ka nagsasabi kung di mo naman kayang tuparin. Pero gaya ng sabi ko hindi na ako umasa so the pain isn't that painful anymore.

Saturday came. Dahil hindi naman tayo tuloy na manood eh I decided to visit kuya somewhere in Taguig. Miss ko na rin siya and gusto ko ring makita yung mga tao doon.

That night you told me again na after mo maglaba bukas we'll watch the movie. I did not ask. Tignan ko nga kung tutuparin mo.

Nasa house lang ako til almost noon. I've waited for your go signal na tuloy tayo but it didn't come. Buti na lang I stayed at my friends's condo. Isinama na lang niya ako sa lakad niya. Feeling accountancy student tuloy ako nung hapong yun. Anyway, natuloy ka rin naman pala sa paglalaba kaya lang after non nag-inuman kayo.

Galing no?

Mikaela

Dear MichaelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon