In which Milly, a curious and liberated musician, keeps clashing with a broody, temperamental man. They are polar opposites of one another, but a steamy attraction brews and drives them to test each other's limits
***
An MNR epistolary collaboration...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SUN | 8:15 PM
Evander Delos Reyes: Bro. Buong gabi ko pinag-isipan. Kailangan natin mabawi yung ninakaw na pera satin ni chito. Humihina yung bar dahil sa bagong competitor. Nakita mo naman pano inangat ni milly yung lilac diba? Plano ko sanang kausapin. Aalukin ko ng collab.
Kai: Di natin siya kailangan. Ang daming influencer sa paligid mo. Bakit siya?
Evander Delos Reyes: Bakit hindi siya? Ang dami na nating inimbita. Walang kahit sino kayang magpasok ng ganon karami at kaconsistent na tao sa bar gabi gabi. Simula nang pinost ni milly yung vlog ng lilac, araw araw nang may laman yun. Ganon siya kalakas. Wala na ba kayong pag-asa magkasundo? Business naman to. Kahit be civil lang.
Kai: Ayan ba talaga gusto mong gawin? Ano bang plano mo?
Evander Delos Reyes: Simple lang naman eh. Promote niya yung wyld kada weekends. Tumambay siya doon kahit biyernes lang. Babayaran ko oras niya. Apat na oras lang naman ang gusto kong kunin. Di mo ba kayang tiisin yun?
Kai: Tingin mo ba mapapapayag mo yon? Kukunin mo siya sa pinsan mo?
Evander Delos Reyes: Nag-usap na kami ni malee. Wala namang problema sa kanya kasi wala rin naman silang usapan ni milly talaga.
Kai: Tatapatin na kita. Hindi ko gusto plano mo. Pero kung tingin mo yan talaga ang kailangan ng business, di kita pipigilan. Wag mo lang asahan na makikipagtrabaho ako sa babaeng ganon. Dalawa sa kaibigan natin pinaikot non. Wala lang ba yon sayo?
Evander Delos Reyes: Nakausap ko na si seth at geff. Wala naman kaso sa kanila. Wala naman kasi silang problema eh. Ikaw na lang natitirang galit dyan kay milly. Baka naman binubunton mo sa kanya yung ginawa sayo ni alliana?
Kai: Bahala ka sa gusto mong mangyari. Kaya kong maging civil basta wag akong pipikunin. Nakita mo naman yung ugali ng isang yon.
Evander Delos Reyes: Kakausapin ko pa naman si milly. Di pa naman sigurado na papayag. Kung sakali, aabisuhan ko na lang na wag kang kibuin. Pero sana ikaw rin, respetuhin mo rin naman. Kasi kaibigan pa rin naman yun ng pinsan ko, bro. At di niya naman kasalanan na nagkagusto sa kanya yung dalawa.
Kai: Sana lang wag mong pagsisihan yang desisyon mo.