In which Milly, a curious and liberated musician, keeps clashing with a broody, temperamental man. They are polar opposites of one another, but a steamy attraction brews and drives them to test each other's limits
***
An MNR epistolary collaboration...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WED | 6:12 PM
Kylie: ey panget are you and mom okay na? so soon after yesterday? why did you send her flowers? didn't expect that you would cave after you fought yest
Kai: Hindi ako nagpadala.
Kylie: oh? kanino kaya galing? ate milly kaya? it's a baby's breath bouquet so pretty mom thought it's from you kaya napangiti siya the note said i'm sorry even i thought you suddenly became sickeningly sweet panget
Kai: Hindi sakin galing.
Kylie: thought so only my ate milly can be this thoughtful!!
iMessage
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WED | 6:20 PM
Kairos: Nagpadala ka ba ng bulaklak kay Mama? Bakit ka humihingi ng tawad sa kanya? Siya nga ang dapat humingi ng tawad sayo.
Kairos: Don't try to fix our relationship, Milly. It's not yours to fix. Hindi rin naman ikaw ang sumira.
Kairos: Ayaw ko man siyang saktan pero sumosobra na siya. Hindi dahil sayo kung bakit napagod ako sa kanila. Kahapon lang nagalit sakin si Mama dahil nalaman niyang inuwi ko yung pamilya niya. Pati ba naman yon, minamasama pa. Pagod na ko sa kanila.
Kairos: Itutuloy ko pa ba ang pagkukwento sayo? Hindi na kita mabasa. Gugustuhin mo pa bang malaman o gusto mong pabayaan ko na lang?
Kairos: Sa huling pagkakataon, kakapit ako sayo. Para hindi ka na mag-alala sakin. Nasabi ko na kay Mama at Papa lahat ng gusto kong sabihin kahapon. Hindi nila akalain na natatandaan ko lahat ng ginawa at sinabi sakin simula pa nong bata ako.
Kairos: Di sila humingi ng tawad. Alam kong yan ang itatanong mo. Umiyak si Mama. Napatungo lang si Papa. I see the guilt in them but I'm past the point of caring. Pagod na ko sa kanila.
Kairos: Pero maayos na ko ngayon. Di mo na kailangan mag-alala. Napalaya ko na sarili ko sa kanila. Pinalalaya na rin kita.
Kairos: Masyado nang sagabal sayo ang nararamdaman ko. Ito na ang huli. I'm sorry for dumping this on you when you are going through something yourself. I'm sorry for being hasty. Hihintayin ko na lang na kusa kang bumalik sakin. Ibibigay ko sayo ang tingin mong tama. Kung sa ganito ka maghihilom, sige.
Kairos: Sa tahimik na lang kita mamahalin.
Kairos: Mahal na mahal kita, wag mong kakalimutan. Bumalik ka na lang kapag pwede na.