300

1.2K 55 2
                                        

iMessage
Tita Liza
SAT | 9:12 PM


Tita Liza:
Nak. Pwede na ba kaming pumasok sa kwarto? Tapos mo na bang panoorin ang habilin sayo?


Milly:
Have you known po all this time?
That Lolo left this message behind for me?


Tita Liza:
Oo, nak. Matagal nang hinabilin samin ng tatay Javier mo.
Nag-aalala kasi sayo ang lolo mo. Pinag-isipan niyang maigi kung mag-iiwan ba siya ng ganyan kasi baka hindi mo na kailanganin. Lahat kayo meron. Kayo ng mga pinsan mo. Kahit si Ate.


Milly:
He's unbelievable...
How could he think of doing something like this? Did he know he was going to go?


Tita Liza:
May dinaramdam na kasi si Papa. Naging maagap lang. Gusto niya lang iayos ang buhay nyong magpipinsan sakaling may mauna na siya.
Lalo na ikaw, nak. Nakita kasi ng lolo mo pano mo dinibdib ang pagkawala ni Mama. Ayaw niyang masaktan ka ulit.


Tita Liza:
Kaya makinig ka kay Papa ha? Tama na ibang tao. Wag mo nang dibdibin yang sina Ate.
Iba ka, iba sila.
Unahin mo na ang sarili mo at yung taong mahal mo at totoong nagmamahal sayo.

Martini Kisses (epistolary) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon