chapter 2

257 19 3
                                    

kino's PoV

kulang pa‚ hindi pa sapat‚ wala pa sa kalahati‚ hindi pa perpekto‚ lalakas pa‚ lumak-

"aray ko!! aray ang sakit tigil na po ate ang sakit!!" hiyaw ko ng bigla nalang akong pingutin ni ate‚ kahit na araw-araw niya akong pinopingot hindi parin nasasanay 'yung tenga ko ang sakit ba naman

"hindi ba't sabi ko huwag mong puspusan ang pag eensayo mo ha? ang tigas tigas talaga ng ulo mong bata ka" panenermon niyo sa akin lagi niya itong ginagawa kapag nahuhuli niya akong puspusang nag eensayo

nga pala kiro morgan ang aking ngalan at ako'y labing limang taong gulang na‚ nakatira kami sa itaas ng bundok kaya kaunti lang ang alam ko sa pag e-ingles tatlo lang din kaming nakatira rito sa gubat ang aking ate kira morgan at ang aming inay na si alora morgan hindi kami pangkaraniwang tao lang dahil may taglay kaming magic ang aking ate ay hangin ang kapangyarihan samantalang kay inay naman ay apoy namana raw ni ate ang kanyang kapangyarihan sa yumao naming itay at ang kapangyarihang ko naman ay itim na mahika o tinatawag na dark magic‚ hindi sinasabi ni inay kung kanina galing ang kapangyarihang ito pero sabi niya mag pasalamat nalang daw ako sa mga diyos at diyosa dahil nagkaroon ako ng ganitong kapangyarihan

"nga pala kiro tatlong araw mula ngayon aalis na tayo sa bundok sabi ni inay lilipat na raw tayo ng bagong tutuluyan at tatlong araw mula ngayon ang kaarawan mo‚ hindi kaba nalulungkot na lilisanin na natin ang nakagisnan nating tahanan?" ani ate saka umupo sa putol na puno na kagagawan ko sa pag eensayo ng aking kapangyarihan

"naulungkot syempre pero hindi naman tayo pwedeng tumutol sa desisyon ni inay dahil alam mo naman ang inay nating iyon matampohin baka isipin na sinusuway natin siya‚ matanong kita ate malulungkot kadin ba pag lumisan tayo dito sa bundok?"

"syempre oo pero katulad nga ng sinabi mo hindi tayo pwedeng tumutol sa kagustuhan ni inay magiging masaya naman ata 'yung lilipatan natin" sabi niya‚ minsan lang kaming mag usap ng ganito ni ate dahil kadalasan puro baradugal kami bangayan kaya nakakatuwa lang na maayos kaming nakakapag usap ngayon"hindi kopa nakakalimutan 'yung ginawa mo bubwit huwag mong balaking sumalisi‚ sagutin mo ang tanong ko bakit ka na naman nag eensayo ng puspusan ha"

akala ko makakalusot na hindi pala‚ ayon nag hagilap na naman ako ng rason para maniwala ang uto-uto kong ate isang taon lang naman ang agwat ni ate saakin. Sabi ni inay bago kami mapadpad dito‚ galing pa kami sa mundo ng majika at hinabilin daw ako ng tunay kong ina sa kanya alam ko ding inampon lang ako ni inay kaya lubos akong nag papasalamat sa kanya hindi din daw alam ng asawa ni inay ang kaniyang paglisan dahil biglaan ito nagulat nalang daw siya ng biglang may kumatok sa pinto at yun na si ate kira sabi daw ni ate lagusin daw ang ginamit kaya siya nakapunta dito at natuntun din ng asawa ni inay ang tirahan na ito kaya ayon nakasama ko si ate sa labing pitong pananatili ko sa mundo

mag gagabi na ng makauwi kami sa bahay pag pasok namin sa bahay laking gulat ko ng makita kong may nakasaksak na kunay sa tiyan ni inay at nakahandusay ito sa sahig‚ dali dali akong lumapit dito at dahan dahang inakay ang kanyang ulo sa aking hita ramdam ko ding tumutulo na aking luha pababa sa aking pisngi at ganun din si ate

“nay a-ano pong n-nangyare‚ b-bakit may s-saksak po k-kayo?” utal kong ani kay inay ngunit isang makahulugang ngiti lang ang iginante neto na mas lalo kong ikinakaba‚ h-hindi ma-maari’

"n-nay lumaban ka nay!! wag niyo pong ipikit ang mga mata niyo nay nag mamakaawa ako wag niyo po akong iwan nay!! hindi pa pwede na!! lumaban po kayo" sabi ko sabay ng aking pag tangis kung bakit kasi iniwan kopa si nanay dito kasalanan ko ito!! kasalanan ko ito!!

"a-alam k-kong sinisisi m-mo ang iyong s-sarili d-dahil sa nangyare sa a-akin anak‚ h-huwag kang mag alala babantayan ko parin kayo ng a-ate mo k-kahit wala na a-ako" nag hihikaos na ani ni inay na mas lalo kong ikinahagulhul at ganun din si ate dahil rinig ko ang impit netong pag iyak

"i-nay h-hindi pa po pwede nay wala na pong mag aalaga sa amin ni ate" kita ko ang unti unting pag pikit ng mata ni inay at ang huling bulong neto bago siya lagutan ng hininga

'mahal na prinsipe'

"HINDI!! INAAAAAAAAY!!"

______________________________________________

pasensya na dito‚ medyo cringe

please follow me here for more ud alijore

xWhere stories live. Discover now