kiro’s PoV
ako ngayo’y nakahiga at nakahalukipkip hindi parin mawala-wala sa aking isip ang sinabi ni lola sa akin tungol sa kwentas na napulot ko
flashback / (04:10 pm)
nandito ako ngayon sa sala kasama si lola dahil nais kong itanong ang tungkol sa nakita kong kwentas
“lola ano pong meron sa kwentas na ito?” mahinanon kong tanong sabay pakita kay lola ng kwentas na nasa aking leeg. Kita ko ang pag laki ng kaniyang mata dala ng gulat kaya napakunot noo
“s-saan m-mo nakuha ang kwentas na iyan kiro?” nauutal netong tanong na mas lalong ikinakunot ng aking noo dahil sa pag tataka
“habang nag lilinis po ako ng bakuran bigla ko po itong nakita sa may hindi kalayuan kaya lumapit po ako at tinignan ito at ng hahawakan ko po sana ng bigla itong lumipad at kusang dumapo sa aking leeg‚ ano pong peron sa kwentas na ’to lola?” naguguluhan kong tanong dito‚ kita ko namang napalunok si lola at umupo ng maayos na may seryusong ekspresyon ang mukha
“hindi ko alam kung anong dahilan bakit napasakamay mo ang nakakapaminsalang kwentas na iyan pero ito lang ang masasabi ko kiro apo hindi pangkaraniwan ang kwentas na nasa leeg mo dahil galing iyan sa isang demunyong sumakop sa Iocreospea noong huling digmaan na naganap hindi ko alam kung anong taglay na mahika ang naka paloob sa kwentas na iyan kaya mag iingat ka at kaunting paalala apo huwag mong ipapakita ang kwentas na iyan sa kahit na sino kung ayaw mong pag pyestahan ng mga quirians” mahabang litanya ni lola na mas lalong mag pagulo sa akin ngunit wala akong nagawa kung hindi tumango at sundin ang utos neto
end od flashback
“ano kaya ang kayang gawin ng kwentas na ito? pwede ko kayang mapalabas ang kapangyarihan nakapaloob dito” tanong ko sa aking sarili habang hinihimas ang tuktuk ng palawit ng kwentas
dahil sa kuryosidad dali akong tumayo at pumunta sa likod ng bahay para subukang palabasin ang kapangyarihan na nakapaloob sa kwentas
nang makapunta ako sa likod ng bahay dali kong ipinuwesto ang aking sarili at mas lalong tumutok sa pag papalabas ng kapangyarihan sa loob ng kwentas
maka ilang beses kong sinubukang palabasin ang kapangyarihan ngunit hindi ko ito magawa at laging pumapalpak‚ hindi ko alam kung hindi ba ako nakakapag concentrate ng maayos o sadyang wala talaga itong taglay na kapangyarihan
dahil sa hindi ako kuntento inulit kong muli ang ginawa ko kanina mas dinoble ko ang pag tutok sa pag papalabas ng kapangyarihan at inalis ang mga bagay nasa aking isip saka sinubukang ipalabas ang kapangyarihan na nasa loob kwentas
hindi ko alam pero parang may kung anong enerhiya akong nararamdman sa aking paanan hanggang sa kumalat ito sa aking buong katawan at para akong hinihigop sa kung saan
nang parang kumalma na ang enerhiyang naramdaman ko kanina ay dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at laking gula ko na wala akong makitang kahit ano kaya kinapa kapa ko ang aking paligid ngunit wala akong maramdamang bagay o kung anoman tanging dilim lang ng may narinig akong kaloskos kaya nag palinga-linga ako kahit madilim
“may nilalang bang nariyan!! sumagot ka mag pakita ka sa akin!!” sigaw ko na may halong kaba
habang nag hihintay na baka may sagot gulat ang rumehestro sa aking mukha ng biglang lumiwanag ang paligid ng kulay lila na para akong nasa kadiliman‚ at mas lalo ko pang ikinagulat ng may malalim na boses akong narinig sa may hindi kalayuan
“bata maligayang pag dating sa aking templo” ang nakakakilabot netong tinig ang aking narinig na nag patindig ng aking balahibo
“si-sino ka? b-bakit ako narito?” nangangatog kong tanong dito na kinatawa neto dahilan para mas lalo akong mangilabot
“mangmang kusa kang pumunta dito bata” sagot neto na ipinagtaka ko. Kung ganun ang enerhiyang naramdaman ko kanina ay patungo pala dito sa templong sinasabi ng lalaking ito‚ teka anong templo? wala naman akong nakikitang kahit anong kabahayan at bakit ba hindi siya nag papakita
“magpakilala ka sa aking nakakatakot na nilalang at ilintad mo ang iyong anyo” tapang-tapangna kong sabi dito‚ ilang saglit lang din ay dahan dahan itong nag lakad dahil rinig ko ang mga yapak neto na papalapit sa akin
unti-unti kong nasisilayan ang kaniyang mukha at gulat ang rumehestro sa akin ng masilayan ko ang kabuohan ng nilalang na may nakakakilabot na boses
ANG GWAPO NIYA!!’ sigaw ko sa aking isip dahil sa pagkamangha. Ang kaniyang matang kulay lila‚ kilay na napaka kapal na bumagay sa kaniya‚ ilong na napaka tangos at l-labing napaka pula na para bang napaka sarap halikan
ano ba itong naiisip ko hindi ito ang tamang oras para sa kalandotan‚ umayos ako ng tindig at itinigil ang pag papantasya sa kaniyang mukha saka seryuso itong tinignan
“paano ako makaka-alis sa iyong templo nilalang na may magandang mukha?” tanong ko dito na may halong papuri na ikinangisi naman ng isa
“salamat sa iyong papuri lalaking may maamong mukha ngunit ang tanging paraan lang para makalabas ka sa lugar na ito ay ang makipag kontrata sa akin bilang isa sa iyong menifesi” ani ’to na ikinakunot noo ko‚ anong menifesi? at anong makipag kontrata sa k-kanya
“batay sa ekspresyon na ipinapakita ng iyong mukha hindi mopa alam ang salitang menifesi. Kung gayon makinig ka dahil isang beses ko lang ito sasabihin‚ Ang menifesi ay tinatawag na spirito na kayang maipalabas ng isang dagvaarder o isang summoner at kaya niya din itong manipulahin pero bago mamanipula ng isang dagvaarder ang isang menifesi kailangan muna nitong makipag kontrata at tuluyan ng maisasakamay at macocontrol ng isang dagvaarder ang spiritong iyon. Ngayon alam mo naba ang ibig kong sabihin mangmang na nilalang?” mahabang paliwanag niya na tanging tango lang ang aking naisagot
“kung ganun isa akong summoner”
______________________________________________
your votes and comments are highly appreciated guys‚ do follow me narin please
YOU ARE READING
x
FantasyThe battle between white and black mages‚ who will rise and who will descend... who will win and who will lose... who will rejoice and mourn... this is the fight of all that one person initiated‚ there will be no race left and everyone will suffer...