THIRD PERSON POV
tutok na tutok ang mga qurians na nanonood sa dalawang nilalang sa battle ground dahil sa kanilang ipinapamalas na kapangyarihan, ni isang salita ay walang lumalabas sa kanilang bibig dahil sa tensyong namamagitan sa dalawa.
"ibang klase" ani ng punong guro dahil siya mismo ay hindi makapaniwala sa kaniyang nasasaksihan sa mga oras na 'to.
at sa kabilang banda naman ay ang mga hindi maipintang mukha ng mga prinsipe't prinsesa dahil sa kanila ring nasaksihang labanan, at iisa lang ang nasa-isip nilang lahat at iyun ay kung paano hindi nabibilang si kiro sa unang seksyon kung kaya niyang makipag-sabayan sa mga ito at malaki rin ang posibilidad na sila'y malamangan nito.
gulong-gulo na sila dahil sa mga nangyayare pero itong sina isla't adam ay mapa-hanggang ngayon ay kumikislap parin ang mga mata dahil sa labis na pagkabighani kay kiro.
"hay kiro, ang ganda-ganda mo talaga"
"balang araw mapapasakin ka rin kiro mahal ko, ako'y tuluyan na ngang nabighani sa iyong walang katumbas na ganda"
marami pa silang sinabi na ikina-ismid ng kapwa nila maharlika, ng biglang batukan ni isla si adam.
"hoy ulupong, anak ka ng ina mo huwag mong pag papantasyahan si kiro hunghang ka" inis na ani neto at nagpalabas ng tubig sa kaniyang kamay.
"aba't kailan kapa natutong mangealam sa gusto kong gawin ha isda?! sakit pa ng batok netong quirian dagat na 'to" hindi niya nilakasan ang kaniyang huling sinabi sapagkat alam niyang magagalit ng husto si isla.
imbes na mapokus ang kanilang sa dalawang nag lalaban sa battle ground ay mas natuon ang kanilang pansin sa dalawang nag babardagulan, hanggang sa nag sumbagan nanga ang dalawa.
"AT NAG AWAY NA NGA" ani nilang lahat.
sa kabilang banda naman ay ang isang nilalang na nag ngangalang kiro ay nahihirapan sa kaniyang kaharap sa pagkat hamak na sobrang lakas neto, dala pa ng pinag sanib nilang kapangyarihan ng kaniyang ispirito.
“ano? kaya pa? lalampasohin rin kita gaya ng ginawa ko sa ate mong mahina” mapang-insulto netong ani sabay sugod sa kaniyang katunggali na si kiro.
nag pintig naman ang tenga ng isa ng marinig niya ang sinambit ng kaniyang katunggali kaya sinulong niya rin ito gamit ang pinag halong kapangyarihan niya at ng kaniyang ispiritong ahas at doon na mag salpukan ang kanilang kapangyarihan na hindi mawari ang kapasidad.
kiro’s PoV
“hindi ko mawari kung ano ang kayang gawin ng lalaking ito pero ang masasabi ko lang ay, hindi siya basta-basta kalaban lang, ang lakas at ang tibay ng kaniyang kapangyarihan kumpara sa'kin, ramdam ko rin ang aking unti-unting panghihina dala ng labis na pag gamit ng aking kapangyarihan, a-ano ang dapat kong gawin?” ani ko sa aking isip.
hindi paman ako tuluyang nakaka-alis sa aking kinatatayuan ng may masilayan na naman akong napakalakas at nakakasilaw sa aking harapan kaya ako'y napatakip ng aking mata at hinintay itong mag laho, hanggang sa tuluyan na itong nawala at laking gulat ko sa aking nasaksihan.
‘p-ap-paanong nagawa niyang lumaki n-ng ganiyan? k-kung gayon hindi lang iyun ang kaniyang kapangyarihan? m-may mas ilalakas p-pa papa ang nilalang n-na ito? h-hindi siya isang quirian, i-isa siyang halimaw.
“alam kong nanginginig na sa ngayon ang iyong mga tuhod kiro hahahaha, ihanda mona ang iyong libingan dahil sa oras na ito mismo ka mamatay, nakakalungkot ngalang dahil hindi mopa nasisimulan ang iyong gustong tahakin ay siya namang tuluyan mong pagkawala sa mundong ito, ito na ang kataposan mo kiro morgan dahil sa iyong pag mamatapang, MAMATAY KANA!!” mahaba-haba niyang bigkas sabay biglang may ibinulong na hindi ko ma-iintindihan at bigla kong maramdaman ang nakakapaminsalang inerhiya na nang ga-galing sa aking kaharap ngayon.
“p-papaano ako makaka-abanti? i-ito na ang kataposan ko” mahina kong bulong at sinabayan pa ng panginginig ng aking mga tuhod dala rin ng kaba at takot.
“matulog ka muna, ako na ang bahala sa natitirang labanan, hayaan mong ipagtanggol kita aking panginoon” hindi ko malaman kung sino ang nilalang na iyun, pero alam kong lalaki siya dahil sa gaspang at lalim ng kaniyang tinig.
THIRD PERSON POV
sa pag ilaw ng katunggali ni kiro at pag i-ibang anyo nito na mas lalong nagpa-mangha sa mga nanonood ay siya namang pag palibot ng kumikislap na itim na enerhiya sa buong katawan ni kiro na mas lalong ikina-gulo ng mga manonood‚ lalo na ng mga maharlikang nakakakilala sa kaniya na hindi mapakali at hindi masabi ang pustora ng kanilang mga mukha sa nasaksihang kakaiba sa kapatid ng kanilang kaibigang si kira.
pagkatapos ng liwanag na iyon ay siya namang pag iba ng anyo ni kiro‚ ang pagkakaroon neto ng malalaking sungay at itim na mga mata‚ matutulis na pangil‚ mahabang buntot na tanging punit-punit na salawal lang ang tumatakip sa kaniyang katawan‚ na mas lalong ikinagulat ng marami at ng punong guro na hindi magkamayaw sa nasasaksihan niyang kapangyarihan sa binatang kaniyang tinutuunan ng pansin.
“hindi kapani-paniwalang kapangyarihan‚ hindi maubusang enerhiya ! isang malakas na quirian na pamilyar ang awrang gamit.” bulong ng punong guro dahil sa pagkamangha‚ hindi lamang iyon sapagkat may napansin din siya sa binatang si kiro.
“ano ang iyong magiging tugon punong maestro sa batang ito ? hindi siya pangkaraniwan at mas lalong hindi siya kapani-paniwala‚ sa lakas na meron siya ay kaya na niyang lampasan ang mga guro at posible pang malampasan niya ang mga ito at umabot sa lebel mo” paghahayag naman ng opinyon ng katabi ng punong guro na si wael‚ sapagkat pati siya ay hindi makapaniwala sa kapangyarihang nangangaling sa batang si kiro‚ paano at kung anong lahi siya nag mula dahil sa tindi at lakas ng bugso ng enerhiya neto.
“gusto ko siyang ibilang sa pinaka-malakas na seksyon sa akademyang ito‚ pagkatapos ng pagtutunggali nilang dalawa ay gumawa ka agad ng kasulatang ang batang may taglay na malakas na kapangyarihan ay mapupunta na sa pinaka-unang seksyon” anunsyo ng punong guro na ikinatango naman ng ilang gurong nakarinig sa ka iyang isinambit at ganon din si wael na matamang nakikinig sa punong guro.
_________________________________________
hi po‚ dito na ule ako haha sorry matagal nawala mwa imissyou all ! 🤍🤍
YOU ARE READING
x
FantasyThe battle between white and black mages‚ who will rise and who will descend... who will win and who will lose... who will rejoice and mourn... this is the fight of all that one person initiated‚ there will be no race left and everyone will suffer...