chapter 21

136 14 0
                                    

THIRD PERSON POV

lahat ng kalahok ay tutok sa nagaganap na labanan ng dalawang babae sa loob ng arena pati narin ang mga propesor na halos hindi makapaniwala sa ipinapakitang katapangan ng dalawang babae

habang sinasaksihan ang labanan napansin ng lahat na parang may binubulong ang babae sa hangin na para bang nais mag pakawala ng isang spell pero hindi iyon nag tagumpay dahil inatake ito ni ng kaniyang katunggali na si kira. Tinignan ng lahat ang binagsakan ng babae at laking gulat nila ng makita parin itong may binubulong sa hangin kaya halos lahat ay nag tataka kung anong gagawin ng babae ng biglang dumilim ang paligid at dahan-dahang bumubukas ang langit na para bang may inilalabas ito at laking gulat ng lahat pati ng mga propesor ang kanilanh nasaksihan dahil isang napakalaking bulalakaw ang unti-unting bumababa patungong gitna ng arena

“a-ang m-majikang ito‚ i-imposible” biglang sabi ng punong guro na ikinalingon ng mga guro dito

“anong nangyayare punong guro bakit mayroong dambuhalang bulalakaw na lumabas sa kalangitan? at ramdaman ko ang lakas ng enerhiyang nakapaligid dito kahit ito’y malayo pa” naguguluhang tanong ng isang propesor dahil sa labis na pag tataka sa nangyayare

“ang majikang ito ay galing sa mga mangkukulam‚ isa sa pinaka malakas na spell na ang tanging makakagawa lang ay ang kanilang reyna‚ h-hindi ko lubos maisip na may isang nilalang ang makapag papakawala neto. Hindi ko alam kung sinong mananalo sa dalawang napakalakas na nilalang na ito pero nawa’y maging ligtas sila” paliwanag ng punong guro saka pinag patuloy ang pag saksi sa nakakahindik ba labanan

sa kabilang banda naman ay ang isang binatang halos mahimatay na sa kaba dahil sa mga nangyayare‚ walang iba kundi si kiro. Natatakot siya sa maaring mangyare sa kaniyang kapatid dahil hindi niya ito maatim

patuloy parin niyang pinag mamasdan ang kaniyang kapatid sa kung anong ang susunod na gagawin neto at kung paano niya iiwasan ang isang napakalaking bulalakaw na papalapit sa kaniya

“mga matataas na nilalang nawa’y hindi niyo pabayaan ang buhay ng aking balahurang kapatid nag mamakaawa ak—” hindi pa tuluyang natatapos ang kaniyang panalangin ng gulat itong napatingin sa pwesto ni kira na tumalon ng pagkataas taas na parang aabutin ang pababang bulalakaw na paparating sa kaniya pati narin ang mga nilalang na narito gulat sa kanilang nasaksihan.  sa sobrang kaba ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at agad na sumigaw

“PUNYETA KANG BABAE KA ANO BANG PINAG GAGAGAWA MO!! GUSTO MO BANG TAPOSIN KAAGAD ANG IYONG BUHAY HA?! KAPAG IKAW NAMATAY RIYAN PAPATAYIN KITA ULIT GAG0 KA!!” malakas niyang sigaw kaya napatingin sa kaniya ang lahat ng kalahok na may pagtataka pati na ang mga propesor pero hindi na niya iyon pinansin at mas tinuon ang pansin sa kaniyang kapatid na inaalis ang pagitan ng balulakaw sa kaniya

nang tuluyan ng makalapit si kira sa bulalakaw ay hindi na kinaya ni kiro at tuluyang napapikit dahil sa sobrahang kabang nararamdaman para sa kaniyang kapatid ngunit dahan-dahan niya ring minulat ang kaniyang mata ng wala siyang marinig ng kahit ano na para bang wala siyang kasama kaya lumgingon-lingong siya at kita niya ang gulat sa mukha ng mga nilalang na nakikita niya at sa sa iisang direksyon lang nakatuon ang kanilang mga mata kaya tinignan niya din ito at laking gulat niya sa aking nakita

n-nakatayo si k-kira sa tuktok ng bulalakaw na para bang s-siya ang nagmamay-ari n-neto at ilang saglit pa ay agad itong sumabog na ikinasinghap ko pati narin ng mga nanonood at muling tumahimik ang paligid

“k-kira” bulong ni kiro sa labis na kabang nararamdaman ng may narinig siyang isang boses na sobrang pamilyar sa kaniya

“ang lakas ng isang iyon ha‚ hindi na masama para sa isang galing sa mataas na estado ng mga mangkukulam‚ hindi ba?” malamig na turan ni kira na ikinasinghap muli ng lahat dahil sa gulat at iisa lang ang pumapasok sa kani-kanilang isip iyon ay kung paano nakaligtas si kira sa atakeng iyon

“masyado ng humahaba ang labanang ito kaya ako na ang tutuldok‚ sa isang atake ko tuluyan kang matutumba at agad na mahihimatay huwag kang mag alala hindi ko ugaling pumatay ng isang mahina” aniya na may halong pangiinsulto. Kita parin ang gulat sa kaniyang katunggali na si lia dahil sa nasaksihan dahil sa lahat ng nakalaban niya wala pa ni isa ang kayang maka lagpas sa atakeng iyon

“ventus potentia suspiria” bigkas ni kira sa spell at unti-unting namumutla ang kaniyang kalaban dahil sa kawalan ng hininga na mas lalong ikinagulat ng lahat pati ng nga propesor dahil sa angking lakas ng babaeng may kulay bughaw na buhok

hindi rin nag tagal at tuluyan ng nawalan ng malay ang katunggali ni kira dahil sa kaniyang binitawang spell kaya hiyawan ng mga kalahok ang kaniyang narinig pero hindi niya iyon pinansin at agad na lumipad papunta kay kiro na nakatingin sa kaniya ng masama

“pinag-alala ko ata ’yong bading hehe”

______________________________________________

pasensya na gulong-gulo isip ko ngayon kaya ang gulo din ng storya ayaw konga sanang mag ud pero baka nag aantay kayo kaya gumawa nalang ako‚ pasensya na kung magulo ukopado talaga utak ko ngayon

please vote &comment and follow me here for more ud alijore

xWhere stories live. Discover now