The battle between white and black mages‚ who will rise and who will descend...
who will win and who will lose...
who will rejoice and mourn...
this is the fight of all that one person initiated‚ there will be no race left and everyone will suffer...
kanina pa ako palakad-lakad ngunit hindi ko parin makita ni anino ni kiro halos kalahating libo na ang naipon kong puntos sa pag lilibot sa gubat na ito para lang hagilapin ang kaluluwa ng bading na iyon pero hindi ko parin mahagilap. Kung bakit ba kasi hiwa-hiwalay kung pwede naman mag sama sa iisang gubat
habang nag lalakad napansin kong napakaraming trap spells ang naka palibot sa dimensyon na ito kaya maingat akong nag lakad-lakad saka pinakiramdaman ang mga mahikang naka tanim sa paligid ng bigla akong lumambitin patiwarik dahil sa may naapakan akong isang patibong na hindi ko alam kung saan galing dahil wala naman akong maramdaman ng biglang may nag pakita sa aking harapan na isang parang liyon na may wangis taong ulo na may tatak na buong buwan sa bawat noo nito at pakpak na parang isang uwak at buntot na parang latigo sa haba
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
“anong karapatan mong panghimasokan ang aking teritoryo nilalang” ani ng halimaw at ng dalawang ulo kaya tatlong boses ang aking naririnig sa isang katawan pero imbes na matakot napangisi pa ako dahil may mapag lalaruan na naman akong isang mapanganib na hayop
“hindi ko kailangan ng iyong pahintulot o utoridad para pumasok sa teritoryong hindi naman iyo hayop na may tatlong ulo” nakangisi kong turan pabalik na halatang ikinainis ng tatlo niyang mukha dahil sa pag talim ng mga titig nito ma mas lalo kung ikinasabik
“pagbabayaran mo ang iyong kalapastanganan mababang nilalang” galit niyang sabi saka nag pakawala ng limang hugis bituin at itinapon papunta sa akin kaya nag ipon ako ng pwersa at lumundag pataas gamit ang lubid na naka sabit sa aking paa upang iwasan ang atake niyang iyon saka ng pakawala ng isang espadang gawa sa hangin upang gutayin ang lubid na gumapos sa akin at tagumpay ko itong nagawa kaya maayos akong naka-apak sa lupa
“mag laro muna tayo halimaw na may tatlong ulo. Ang larong ito ay tinatawag na hide and seek sa mundo ng mga mortal ang mekaniks ng larong ito ay ikaw ang taya at kailangan molang akong mahanap sa aking pinag tataguan dahil kung hindi kikitilin ko ang iyong buhay at iisa isahing kong gutay gutayin ang bawat parte ng iyong katawan‚ gusto mo ba iyon?” nakangisi ngunit may bahid na kilabot kong ani sa aking kaharap. Hindi nakaligtas sa akin ang pamamawis ng kaniyang noo lalo pa’t tatlo ito saka ang sunod-sunod niyang pag lunok
“h-hindi mo ako masisindak sa mga paandar mong iyan nilalang‚ bago mo pa ako mapatay uuna—” hindi kona ito pinatapos sa kaniyang sinasabi ng tuluyan kong putulin isa-isa ang kaniyang ulo
“ayaw kona palang makipag laro‚ masyado kang mahina akala kopa naman gaganahan ako sa laban natin. Hindi pala”
kiro’s PoV
hindi ko mapigilang kabahan habang nag lalakad-lakad sa hindi ko malamang gubat na ito‚ hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng dimensyon pero alam kong nasa tamang lugar parin ako. Napalayo ngalang
kanina kopa hinahanap si kira ngunit hindi ko ito mahagilap at ni-isang halimaw ay wala pa akong napatay bwesit naman kasi bakit wala akong nakikitang mga halimaw dito‚ pero ayos nadin iyon para iwas panganib pero ’yung puntos. Hindi kailangan kong lakasan ang loob ko para makapasa sa pag susulit na ito