kiro’s PoV
pagkatapos ng tagpong iyon ay naging ganap na isa kong spirito ang lalaking iyon at masasabi kong nakakapagod makipag kontrata‚ kamuntikan panga akong mahimatay dahil sa panghihina
flashback / (somnium)
“kung ganun isa akong summoner” ang naibigkas ko habang nakatulala
“oo bata isa kang dagvaarder at kaya kadin nasa loob ng aking templo iyon ay dahil naka takda akong maging isa sa iyong menifesi” biglang sabi ng kaharap ko na ikinalingon ko dito‚ teka sino ba itong nilalang na ’to
“tawagin mo ako sa pangalan na beelzebub bata‚ ako ay isa sa pitong demunyong nag hahari sa Britannia at ang isa sa magiging spirito mo at kung nag tataka ka kung bakit wala kang nakikitang templo sa kinatatayuan mo iyon ay dahil hindi pa ito ang oras para makita mo ang aking pinamumunuan” mahaba-habang paliwanag niya‚ t-teka nababasa niya ang isip ko? hayaan nanga
“kung gayon paano kita tuluyang mapapa saakin beelzebub” disidido kong tanong
“gamit ang iyong dugo at ang akin doon mag kakaroon ng kontrata sa pagitan ng isang dagvaarder at menifesi”
katulad ng sinabi niya ginawa namin ang ritwal para tuluyan ko siyang maging spirito kaya sinugatan ko ang aking palad at nag palabas ng dugo at ganoon din si Beelzebub at ng mahalo ang aming mga dugo ay biglang lumabas ang librong nakuha ko sa yungib dati at kusa itong bumukas at may biglaang nakasulat sa pahina neto kasabay nun ang parang may pumapasok na kung anong enerhiya sa katawan ko na para akong inilalabas sa kung saan at ilang saglit lang ay parang humupa na ito kaya imininulat kona ang aking mga mata at kita kong nakalabas na ako sa dimenyon na iyon
end of flashback
kasalukuyan akong nakikipag laro sa mga bata dahil tinulungan ni kira si lola sa pag lilinis ng damit ng mga ito at ako ang naatasang mag bantay sa kanila dahil wala naman akong ginagawa
habang nag lalaro ay may naramdaman akong itin at may kalakasang enerhiya sa hindi kalayuan kaya pinapunta ko ang mga bata sa kanilang silid at sinabing hindi sila maaaring lumabas hangga't hindi pa ako nakakarating na agad naman nilang ikinatango
dali-dali akong lumabas upang tignan ang enerhiyang naramdaman ko at may nakita akong tatlong nilalang naka rubang itim ang nanggugulo sa isang tindahan kaya agad akong tumalima at pinuntahan ito
habang tumatakbo biglang may humigit ng braso ko na ikinatigil ko at saka nilingon ang taong may gawa nun ng makita kong si kira ito na may suot na walang emusyon ang ekspresyon at katabi neto si lola na may pag aalala sa kaniyang mukha
“nasaan ang mga bata kiro?” aniya sa mababang boses
“nasa loob ng bahay iniwan ko muna saglit para tignan ang nangyayare sa labas dahil sa naramdaman kong itim na mahika buti at nakita ko kayo rito‚ lola bumalik na ho kayo sa bahay amponan at tignan ang mga bata kami na pong bahala ni kira dito” ani ko na agad namang sinunod ni lola at daling lumakad
agad naman kaning tumalima ni kira at tinungo ang tatlong nilalang na may suot na itim na ruba
nang tuluyan kaming makalapit bigla akong napatigil dahil sa nakita kong printa na nakalagay sa kanilang mga ruba at agad na sumiklab ang galit sa aking buong katawan
“huminahon ka kiro hindi ka maaring mag palabas ng malakas na kapangyarihan dito baka mapinsala mo ang buong lugar” biglang sabi ni kira na ikinabalik niya sa ulirat at tumango
“itigil niyo na ang panggugulo sa maliit na bayan na ito mga masasamang nilalang” mababa ngunit nakakakilabot na sabi ni kira na ikinalingon ng tatlo sa amin‚ imbes na sundin neto ang kaniyang sinabi nagpakawala lang ito ng itim na kapangyarihan at sabay na ibinato sa amin kaya agad akong nag pakawala ng spell na ginamit ko dati sa may nag tangkang pumatay sa amin
“prohibere”
pagkabigkas ko ng spell na iyon biglang tumigil sa ere ang kanilang kapangyarihan na ikinagulat din nila kaya tulad ng dati ginamit ni kira ang pagkakataong iyon para mag palabas ng hangin na espada at isa-isang itinarak sa mga dibdib neto na ikina abo naman ng mga ito
rinig namin ang palakpakan ng mga tao na ikinangiti namin at nag lakad na pabalik sa orphanotrophia
saktong pag pasok namin ang nag aalalang mukha agad ni lola nita ang aming nakita kaya napahagikhik ako ng kaunta kaya binatokan ako na ikina-aray ko naman
“kayo talagang mga bata kayo pinag alala niyo ako buti nalang at walang nangyare sa inyo” medyo kinakabahang sabi neto
“ano kaba naman lola kaya na namin ang mga sarili namin saka para naman sa mamamayan na naninirahan dito ang ginawa namin eh ang ipinag tataka kolang bakit sa maliit na nayon na ito naisipang sumugod ng mga masasamang nilalang” naguguluhang tugon ni kira na siya ding bumabagabag sa aking isip
“sa tingin ko ay may mga hinahanap ang mga ito at nag tataka din ako dahil ngayon lang ulit may lumusob na masasamang nilalang dito sa aming lugar” ani lola
“hindi na kayo ligtas dito kiro at kira kaya nais kung bukas din ay mag lakbay kayo papuntang sintrong bahagi ng quire dahil sa susunod na araw gaganapin ang pagsusulit para makapasok sa bloody dawn academía”
“ngunit paano kayo lola? baka lumusob ulit ang mga masasamang nilalang na iyon dito” may pag aalala kong sabi‚ napalapit narin ako sa mga taong narito sa bahay amponan at ayokong may mangyaring masama sa kanila
“huwag mo kaming alalahanin kiro apo magiging maayos kami dito ang gusto kong gawin niyo ay mag pakatatag para makapasok kayo sa academía at mahasa ang inyong kapangyarihan kaya sige na pumunta na kayo sa inyong kwarto at mag impake dahil bukas na ang alis niyo” may ngiti sa labi niyang sabi kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang sumunod dito at pumunta sa kaniya-kaniya naming silid at impake ng gamit
______________________________________________
your votes and comments are highly appreciated‚ follow me narin guys ❤️❤️
YOU ARE READING
x
FantasyThe battle between white and black mages‚ who will rise and who will descend... who will win and who will lose... who will rejoice and mourn... this is the fight of all that one person initiated‚ there will be no race left and everyone will suffer...