chapter 23

139 10 0
                                    

kiro’s PoV

“tapos na ang laro‚ humanda kana dahil dito na ang bagsak mo anak ng heneral” seryuso kong turan dahil sa medyo inis na nararamdaman pero imbes na matakot isang ngisi lang ang iginante neto na mas nag padagdag inis sa akin ngunit imbes na ipakita ang inis ko nginisihan ko nalang ito pabalik na halata namang ikinagulat neto

hinayaan ko ang gulat niya at agad na nagpakawala ng napakaraming dark orb‚ halata parin ang gulat sa kaniyang ekspresyong ipinapakita kaya hindi na ako nag aksaya pa at agad itong ibinato sa kaniya na ikinahimasmas niya saka agad na inilagan ang mga ibinato kong kapangyarihan. Halatang nahihirapan siya dahil natatamaan siya ng iba neto pero tuloy parin siya sa pag iwas hanggang sa maubos niya itong iwasan saka ako tinignan ng masama

“ang lakas ng loob mong gantihan ako‚ pwes mag babayad ka” galit niyang sabi na ikinasabik ko sa hindi malamang dahilan

agad siyang nagpakawala ng napakaraming bolang apoy at agad itong idinireksyon sa akin kasabay ng pagtapon neto pero imbes na iwasan ito‚ nag pakawala rin ako ng napakaraming bolang kapangyarihan na hango sa itim kong majika para salubongin ang kaniyang mga atake sanhi ng pag salpokan nito

ilang saglit lang ay nawala din ang usok na gawa ng pag tatama ng aming mga kapangyarihan kaya tinignan ko ang pwesto ng lalaking mayabang na katunggali ko pero wala na ito doon kaya pinakiramdaman ko ang aking paligid baka sakaling umatake ito sa kung saan at hindi nga ako nagkamali‚ ramdam ko ang presenya na papalapit sa akin sa bandang kanan kaya ipinuwesto ko ang aking kamay. Kasabay ng pag litaw niya sa tabi ko ang siya namang pag suntok ko sa sikmura niya dahilan para mapa igik siya

“ang dali mong mabasa anak ng heneral‚ asan na ang iyong kumpyansa sa iyong sarili kanina? nakakaya mo pabang tumayo? isang suntok palang ’yan umiigik kana paano pa kaya kapag ipinalabas kona ang aking alas” may pag mamayabang na tono kong ani dahil nararapat lang iyon sa tulad niyang mayabang. Tinignan ko ang ekspresyon niya sa mukha at mahahalata mo rito ang inis dahil sa pamumula neto

pagkatapos nun agad naman itong tumayo at tinignan ako ng nag babaga niyang mata na para bang handa ng pumatay ano mang oras‚ sa hindi malamang dahilan imbes na matakot mas lalo pa akong ginanahang makipag buno sa kaniya

“ginagalit mo talaga ako insekto!!” sigaw niya saka nag liyab ang kaniyang sarili at binalutan ito ng apoy‚ gulat pero pinanatili kong kalmado ang aking sarili“tignan natin ang iyong tapang ngayon‚ ito na ang katapusan ng iyong pagiging lapastangan!!”

inihanda ko ang aking sarili para sa susunod niyang gagawin pero hindi paman ako tuluyang nakakapag pwesto ng sarili ko ng gulat akong napatingin sa kaniya na sumulpot sa harap ko at agad akong binato ng kapangyarihan niyang apoy na hindi ko naiwasan dahilan para ako’y tumalsik at mamilipit sa sakit

dahan-dahan akong tumayo pero hindi paman ako tuluyang nakakabawi ng sumulpot na naman uli ito sa aking harapan at agad akong sinipa sa may bandang tiyan kaya napa igik ako sa sobrang sakit na nararamdaman

pinipilit kong tumayo mula sa pagkakahiga pero halos hindi ko magalaw ang aking katawan. Sa simpleng atake lang na iyon nagawa niya akong patumbahin‚ masyado pa akong mahina pero tatalonin ko ang hambog na ito

“tumayo ka riyan‚ hindi muna sana kita papatayin dahil nasisiyahan pa ako sa pakikipag laban pero masyado nang tumatagal ang laban natin kaya tataposin kona ’to‚ mag paalam kana sa mahal mo sa buhay dahil ito na ang kataposin mo” nagmamataas niyang sambit at agad na gumawa ng isang napakalaking apoy at agad itong dinereksyon sa akin

“k-kataposan ko naba?” bulong ko sa aking sarili habang pinag mamasdan ang papalapit na apoy sa akin ng bigla kong maisip ang spirito ko

“Precipio hunc librum porta demonum Beelzebub aperire spiritum gulae”

pagkabigkas ko ng katagang iyon ang siya namang pag liwanag ng libro sa gilid ng bewang ko at ang pag lutang nito sa harap ko kasabay ng pag buklat nito sa ikalawang pahina kasabay ng pag labas ng isa kong spirito na si bub

“taposin mona ang laban na ’to bub‚ ikaw na ang bahala” ani ko kasabay ng pag layo ko sa pwesto ko kanina‚ kita ko ang pag sangga ni bub sa inilabas na atake ng lalaki kaya binalingan ko ng tingin ang aking katunggali at gulat na naman ang rumehestro sa mukha nito na may halong takot kaya napangisi ako

“ganiyan nga‚ matakot ka sa spirito ko” uyam kong banggit sa aking isip‚ ang yabang-yabang mo tapos titiklop kalang pala sa spirito ko bwesit ka. Hindi ka sana kaawaan ni bub

sa sobrang pag iisip hindi kona namalayan na itinanghal na pala ang pangalawang panalo at ako iyon‚ kaya gulat akong napabalik sa reyalidad upang tignan ang nangyayare at laking gulat ko ng makitang nakabulagta sa gitna ng arena ang lalaking katunggali ko na anak ng heneral

iniliban ko namang muna ang gulat at agad na pinuntahan si bub para yakapin at ganun din naman ang ginawa niya. Katapos nun pinabalik kona siya at agad akong bumalik sa dati kong pwesto pero hindi pa ako nakakalakad ng malayo ng biglang mandilim ang paningin ko at mawalan ng malay

______________________________________________

desperado na po talaga akong mag ud kaya kahit hindi pa kaya‚ kinaya nalang sorry sa late update parang sasabog na kasi utak ko sa mental break down saka ang dami pang projects lakip mo pa ’yung activities

do follow me here for more ud alijore vote & comments narin

xWhere stories live. Discover now