kiro's PoV
kanina pa ako reklamo nang reklamo sa babaeng kasama ko habang nag lalakad kung hindi dahil sa kaniya hindi sana kami mapapadpad sa delikadong gubat na ito
kung bakit kasi ang tabas ng dila nitong babaeng ito pati tuloy ako nadadamay' maktol ko sa aking isip
kamuntikan na kaming mamatay kanina dahil sa mabangis na hayop na aming nakaharap
flashback / (octavam horam in mane)
habang nag lalakad kami sa gubat na tinuro sa amin ng taga bantay may hindi kami inaasahang makasalamuha iyon ay ang isang malaking serpente
mangha at may kasamang takot akong napatingin rito dahil sa libro ko lang ito nakikita dati pero ngayon kaharap kona ngunit kalaban ngalang
"ihanda mo ang iyong sarili kiro mukhang nabitag tayo sa patibong ng matandang taga bantay" seryusong sabi neto
kung hindi dahil sa iyo hindi sana tayo hahantong sa piligrong ito kung bakit ba kasi ang sama ng tabil ng dila mo' bulong ko sa aking isip
hindi na ako tumutol at inihanda ang aking sarili dahil hindi madali ang kakalabanin naming ito‚ bwesit talaga
aatake na sana kami ng bigla itong mag buga ng likido na wari ko'y isang likidong may lason kaya tinignan ko ang tinamaan neto at laking gulat ko ng unti unting natutunaw ang punong natamaan neto
lagot kung hindi namin mapapabagsak ang halimaw na ito sa madaling panahon baka dito na kami pagplamayan ng mga hayop' bulong ko
sa lagay na ito kailangan kong mag doble ingat‚ papabayaan ko muna si kira dahil alam ko namang kaya na niyang mag isa
agad akong tumakbo palapit sa serpente at tinalon ang kaunting pagitan namin saka nagpakawala ng itim na mahika ngunit nasalag niya lang ito ng inilabas niyang likido
hindi ko kayang matalo ang halimaw na ito ng mano-mano kaya liningon ko si kira na ngayo'y nag papalabas ng mga air spikes at ibinabato sa serpente ngunit katulad ng sa akin binugahan lang din ng likido ang inilabas niyang mahika
wala na akong sinayang na oras at agad na tinawag si kira saka naman ito lumapit
"mahirap matalo ang serpente sa mano-manong taktika kira kaya sabay natin itong sugurin at ilingat‚ saka ako magpapakawala ng spell at pahihintuin ito ikaw na ang bahala sa susunod na hakbang siguradohin mong hindi na makakatayo ang serpente na iyan sa huli mong atake" seryuso kong sabi na ikinatango naman neto‚ ngayon lang ako nag utos kay kira dahil hindi ito nag papadikta at mas lalong ayaw neto ang may nag uutos sa kaniya mabuti nalang at umayon siya sa plano ko
wala ng patumpik-tumpik na sinugod namin ang serpente at sunod-sunod itong intake gamit ang aming mahika
basi sa nakikita ko umaayon sa tama ang plano kaya pinag patuloy lang namin ito hanggang sa unti unti na naming nalilingat ang serpente dahil natatamaan na ito ng aming mga atake kaya ito na ang tamang oras
"potestas atra tempus in hac dimensione cessas"
kinailangan ko ng maraming mana para pakawalang ang spell na 'to kaya pagkatapos kong banggitin ang spell na 'yun unti-unti akong nanghina ngunit hindi ako tumigil at sumigaw
"KIRAAAAA!! NGAYON NAAA!!!"
tumalima naman agad si kira ng marinig ang sigaw ko at nag palabas ng napakaraming sandata at isa-isa itong tinapon sa serpente hanggang sa tuluyan na itong matumba at maging abo kasabay nun ang pag bagsak ko sa lupa dala ng panghihina
end of flashback
kasalukuyan kaming nag papahinga sa ugat ng puno dahil sa pagod‚ anim na oras na kaming nag lalakbay simula nung mapatumba namin ang serpenteng iyon at kaunti nalang ang dala naming tubig dahil sa sunod-sunod na pag inom dulot ng pagod
"ano kira saan na tayo pupunta ngayon? ni hindi nga natin alam kung anong gubat na itong napuntahan natin" reklamo ko dito pero inirapang lang ako neto sabay higa
kaunti nalang talaga at mapepektusan kona ang babaeng ito'
hindi rin nag tagal at nag umpisa na kaming mag lakad hanggang sa makarating kami sa isang yungib kaya pumasok kami dito nag babakasakaling may mahanap kaming bakas para maka rating sa mundo ng mahika
isang madilim na daanan ang aming tinatahak ngayon dahil sa wala kaming ilaw at wala ring silbi ang kapangyarihan namin dito
habang nag lalakad ay may natapakan akong kung ano kaya pinahinto ko muna si kira at kinapa-kapa ang nasa aking paanan. Hindi ko mawari kung ano ang bagay na 'to dahil medyo may kagaspangan ito‚ tuloy lang ako sa pag kapa hanggang sa may parang nausog akong bagay at isa-isang nagkaroon ng ilaw. Tinignan ko ang kinapa ko kanina at isang switch ang aking nakita
mabuti nalang at may nakita kaming switch kaya mas mapapadali ang pag pasok namin sa yungib na ito ngunit akala kolang pala iyon dahil may isang malaking tigre ang nasa harapan namin ngayon at handa ng manlapa ng tao ano mang oras
"patay mapapalaban na naman tayo" sabay naming sambit ni kira
______________________________________________
hindi ko alam kung maayos ba 'tong bagong ud ko pero sana magustuhan mo❤️❤️

YOU ARE READING
x
FantasyThe battle between white and black mages‚ who will rise and who will descend... who will win and who will lose... who will rejoice and mourn... this is the fight of all that one person initiated‚ there will be no race left and everyone will suffer...