kiro’s PoV
“nananalaytay sa ating dugo ang majika ng ating mga magulang...” bla bla bla, nakakawalang respeto man pero tinatamad talaga ako sa itinuturo ng gurong ito. mukhang naisa-ugali kona ang ugali ni kira.
oo nga pala, kamusta na kaya si kira sana naman nasa maayos siyang kalagayan, sigurado akong hangang-hanga ang nasa unang seksyon sa kakayahan niya sa—
“arikupo” daing ko ng may biglang tumamang kung ano sa aking ulo, luminga-linga ako sa paligid at napansin kong nasa akin na ang atensyon ng lahat. kunot noo ko naman silang tinignan hanggang sa mapa dako ang aking tingin sa harapan at mukha ng aming guro na nanggagaaliti ang mukha ang aking nakita, paktay kang bata ka'
“maaari mo bang ilahad ang iyong iniisip kiro?” mahinahon ngunit mababakas mo ang galit na tono sa kaniyang tinig kaya imbes na sumabat, nanatili nalang akong tahimik hanggang sa matapos ang kaniyang oras.
narito kami ngayon sa parang cafeteria siguro kasi may mga kumakain sa kaniya-kaniyang mga lamesa, cafeteria nga talaga 'to ambobo ko.
nga pala kasama ko ngayon si avi saka si ira, nag hahanap kami ng mauupuan ng biglang nag sigawan ang mga nasa loob. sobrang nakakabinging ingay isama mopa ang tilian ng kababaehan saka pag sipol ng kalalakihan na para bang may darating.
“andito na sila, tara kiro doon tayo” ani avi saka kami hinatak ni ira sa saktong pang tatlong taong lamesa, bakit parang biglang nawala sa mood si avi? at anong andito na sila? sino ba ang tinutukoy niya? parang may mali.
bigla akong napatakip ng tenga ng mas lalong nag hiyawan ang mga tao sa loob ng kainan, sobrang ingay.
“andito na ang mga filli regum et reginarum”
“nakakatakot ang inilalabas nilang mga aura”
“hindi maitatangging malalakas nga sila”
“teka sino ang kasama nilang isa? bakit ramdam ko ang lakas ng kaniyang kapangyarihan?”
“oo nga, isa rin kaya siyang filli regnum et reginarum”
teka, teka, teka. time first mahina ang kalaban, ano bang pinag-sasabi nila? anong filli re— basta kung ano man yun, ano ba yun? saka bakit ang la-lakas ng pinapakawalan nilang aura? sino ba sila?
“sila ang mga filli regnum et reginarum ng iba't ibang kaharian kiro o mas kilala bilang mga prinsipe’t prinsesa, huwag ka nang mag-taka kung bakit ganiyan kalakas ang kanilang mga aura dahil iyon ay normal lang sa isang regium sila ay mga pinagpala sa mana dahil sila ay mga maharlika” biglang sabi ni avi habang nakatuon ang tingin sa mga nilalang na kanina pa pinag-uusapan ng mga quirians na narito sa loob ng kainin.
dahil sa kyoryusidad tumingin rin ako sa tinitiliin ng lahat at doon ko nakita ang pitong nag ga-gandahan at nag po-pogiang mga nilalang na wari ko’y mga diyos at diyosa dahil sa sobrang pagka perpekto ng mukha. Namali ako ng bilang dahil hindi lang pala sila pito kundi walo, inusisa ko ang isang nilalang na nasa gilid at laking gulat ko kung sino iyon.
“KIRAAAA!! HAYOP KANG BABAE KA BAKIT NGAYON KALANG NAGPAKITA? NAPUNTA KALANG SA UNANG SEKSYON HINDI MONA AKO DINALAW KAHIT BAGO ANG PASOKAN MAN LANG!! ANG SAMA TALAGA NG UGALI MONG BABAE KA!!” sigaw ko habang papalapit sa kaniya, nagtaka naman ako kung bakit biglang tumahimik ang lahat kaya tinignan ko ang aking paligid at naporma sa kunot ang aking noo dahil sa kanilang ekspresyon, anong meron?
nabalik lang ako sa reyalidad ng bigla akong makaramdam ng hapdi sa aking kanang pisnge kaya napahawak ako dito ng wala sa oras at tinignan ang may gawa nun saka siya batukan ng pagka lakas-lakas.
“ang lakas ng loob mong sampalin akong bruha ka pagkatapos mong hindi magpakita sa’kin, bwesit ka” nangigigil komg sambit sabay yakap sa kaniya ng mahigpit at ang unti-unting pag buhos ng aking luha dahil sa pangungulila sa aking kapatid na hindi ko manlang namalayan.
“na-nakakainis ka!! na-miss kita kira” ani ko kasabay ng aking pag-tangis, ramdam ko naman ang kaniyang pag ganti sa aking yakap kaya mas hinigpitan ko pa ang aking kapit sa kaniyang likod, nangungulila ako sa'yo kira.
pagkatapos ng dramang yun ay agad na kaming bumitaw sa yakap at saka tinignan ang paligid dahil mas lalo itong tumahimik. At yun, tulala at naka bukas ang bibig ng halos lahat ng mga quirians na kanina pa pala nanonood sa dramahan naming dalawa ni kira, saka ko naman tinignan ang pito niyang nag ga-gandahang kasama.
“h-hi sa inyo” nahihiya kong ani saka kinaway ang aking kanang kamay at pilit ng ngumiti sa kanila, kita ko namang ngumiti ang apat at ang tatlo ay nanatiling nakabusangot.
“hindi mo naman sinabing may kakilala ka palang napaka-ganda kira” biglang sabi ng lalaking nasa kanan na may kulay lupang buhok pinaresan ng magagandang kulay lupa rin na may kasingkitang mata, matangos na ilong, labing kay pula at tangkad na hanggang balikat lang ako. chos ang ta-taas ng mga lalaki rito bwesit nag mu-mukha akong duwende.
“hindi ko siya basta ka-kilala lang adam dahil kapatid ko siya” matigas na sambit ni kira kaya napatingin ako rito saka ito nginitian ng malapas na ginantihan naman neto ng tango.
“ow my bad, pasensya kana haha hindi ka kasi mahilig mag kwento eh. kung ano-ano tuloy nasasabi ko, nga pala hi ms?” aniya saka ako tinignan, nahiya naman ako sa sinabi niyang ms nyakahha kung alam molang.
“k-kiro morgan kapatid ni kira at mr. po kuya hindi ms. hehe” alanganin kong sagot, rinig ko naman ang impit na tawa ng iba sa likod kaya tinignan ko sila ng pagta-taka.
“a-ah l-lalaki ka? pasensya na sa aking inasal dahil masyadong maganda ang iyong Mukha para sa isang lalaki” hinging paumanhin niya saka hinawakan ang aking kamay sabay sabing.
“ang aking ngalan ay si adam erdman ang magiting na prinsipe ng earth kingdom” aniya sabay luhod at halik ng aking kamay na ikinagulat at ikinapula ng mukha ko panigurado, nag tagal na ng ilang minuto ngunit hindi niya parin tinitinggilang halikan ang tuktok ng aking palad, nakakahiya.
“tumayo kanga riyan adam, hindi moba napapansin na hindi na komportable si kiro as iyong inaastang salaula ka. tumayo kana riyan at ng maka-kain na tayo dahil gutom na talaga ako, gusto mong sumama kiro?” sabi ng babaeng may kulay dagat na buhok, hindi kona ilalantad ang kaniyang itsura basta ang masasabi ko lang ay isa siyang magadang nilalang.
“salamat nalang ngunit ako'y may mga kasamang nag hi-hintay rin sa'kin kaya kung inyong mamarapatin mga prinsipe’t prinsesa ako'y ma u-una na dahil sigurado akong nababagot na ang mga kasama ko roon” ani ko naman na may pag galang sa kanila dahil sa kanilang katayuan.
nginitian naman ako ng babaeng may kulay dagat ang mata kaya ginantihan ko rin ito ng ngiti.
saktong tatalikod na ako ng bigla akong may maisip na kalokohan para kay kira, pang ganti ma lang sa hindi niya pag alala sa'kin.
“kira sa su-sunod sa harap ka pu-pwesto kung da-daan sila kasi sa liit mong 'yan mapag kakamalan kalang dwende akala ko nga kanina alila ka nila eh, o siya iyun lang babye!!” sabi ko sabay takbo, rinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko na may kasamang mura pero hindi kona ito nilingon at tumatawang bumalik sa aking pwesto, at doon ko nakita sina ira at avi na nakabusangot ang mga mukha habang hindi pa ginagalaw ang mga pagkain, pinag hintay ko ang mga gago, paktay.
______________________________________________
madaliang ud lang pero sapat na 'to, iloveyou guys!!❤️❤️
do vote & comment and please follow me here alijore for more ud.
YOU ARE READING
x
FantasyThe battle between white and black mages‚ who will rise and who will descend... who will win and who will lose... who will rejoice and mourn... this is the fight of all that one person initiated‚ there will be no race left and everyone will suffer...