kiro’s PoV
pagkatapos ng kaganapan kahapon kalat na ngayon sa buong campus ang pambabara ko sa tinagurian nilang reyna ng pambubully‚ madami ang kumampi sa akin dahil narapat lang daw naman iyon kay ara dahil sa kanyang ugali speaking of ara‚ hindi siya pumasok ngayon ewan ko kung bakit‚ nag paplano ata sa atakeng gagawin sa akin
nandito ako ngayon sa lumang tambayan dito sa campus‚ wala ng masyadong naparini dahil sa haka hakang may multo raw na laging nag papakita rito pero sa ilang buwan kong pag tambay dito wala pa akong nakikitang multo
habang ako’y nag mumuni muni‚ naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya nagpalinga linga ako sa paligid hindi ko mawari kung ano o sino ang nakatingin sa akin pero sigurado akong kanina pa may nakamasid sa akin
hindi ko nalang ito pinansin at nag lakad na para sa susunod kung paksa‚ hindi rin nag tagal at nakarating na ako sa silid aralan at umupo sa pinaka huli‚ ilang saglit pa at dumating na din ang aming guro at nag umpisa ng mag talakay ng aralin
hindi rin nag tagal at natapos din huling talakayan namin at isa isa ng nag silabasan para sa uwian
habang nag lalakad pansin kona naman na parang may nakamasid sa akin kaya nag linga-linga ako at may nakita akong itim na anino na nagpataka sa akin kinusot-kusot ko ang aking mata at tinignan muli ang parehong pwesto ngunit wala na‚ siguro namamalikmata lang ako kaya tinuloy ko nalang ang pag lalakas at hindi na pinansin iyon
sa gitna ng daan ay nakasalubong ko si kira kaya sabay kaming nag lakad sa coffee shop na aming pinag tatrabahuan para makapag pundar pa ng pera para sa gastosin namin sa pang araw-araw
pagkarating namin sa kapehan ay dumeretso na kami sa cr at nag palit‚ paalala kolang magkaiba po ang cr ng babae sa lalaki ayun ilang saglit lang ay nakapag bihis na kami at nag umpisa ng mag hatid ng mga order
matapos ang apat na oras na duty ay sa wakas natapos din ang nakakangalay na trabahong ito‚ niligpit na namin ang dapat iligpit at sinara na ang coffee shop at isa isang nag si-alisan
habang nag lalakad ay napansin kona naman na parang may nakamasid sa amin at alam kung iyon din ang iniisip ni kira
“mag handa ka kiro alam kong masamang tao ang nakasubaybay sa atin ngayon” aniya at ipinuwesto ang kamay
at hindi nga siya nagkamali dahil pag talikod namin apat na taong naka itim na ruba ang nakaharap sa amin at alam ko rin na hindi sila pangkaraniwang tao
“anong kailangan niyo sa amin mga itim na nilalang?” seryuso kong tanong sa mga ito ngunit isang itim na kapangyarihan lang ang isinagot nila sa tanong ko na naiwasan ko naman ka agad
“matagal-tagal na tayong hindi nakakalaban kiro mas mabuti pang paglaruan muna natin ang mga hampaslupang ito” nakangising ani ni kira at nag umpisang umatake sa kalaban at ganun din ang ginawa ko
habang nag tatagisan kami ng kapangyarihan may isa sa kanila ang nag labas ng pana at palaso‚ hindi lang basta palaso ito dahil ramdam kong may lason ito
pinihit niya ang palaso at naka direksyon ito sa amin ilang saglit lang ay binitawan niya na ito at tinira kasabay ng pag tira niya ang pag double neto
“prohibere”
pagkabigkas ko ng spell ang siya namang pag tigil ng mga palaso sa ere na ikinagulat ng kalaban‚ pansin ko din ang paninigas ng mga katawan neto
“kira ikaw na ang bahala” pagkasabi ko nun ay walang atubiling linipad niya ang pagitan ng apat na kalaban at nag palabas ng spadang gawa sa hangin at isa-isa silang sinaksak
pagkatapos niyang mapatumba ang apat ay isa isa itong naging abo at tuluyang nawala
kami naman ay nag lakad na papuntang bahay na parang walang nangyarepagkauwi namin ay sabay kaming umupo sa upuan katabi ng mesa‚ napapaisip ako kung sino ang mga nilalang na iyon ng biglang mag salita si kira
“hindi na tayo ligtas dito kiro‚ natun-tun na tayo ng mga kalaban at ang mga nilalang din na iyon ang pumatay sa ating inay” aniya na ikinagulat ko‚ bakit hindi ko iyon napansin“natatandaan moba ang ruba nilang itim na may nakatatak na pulang bungo? hindi ba’t iyon ang naiwang bakas ng mga masasamang taong pumatay sa ating inay?”
naikuyom ko nalang ang aking mga palad dahil sa hindi ko iyon napansin‚ hindi lang sana ganun ang inabot nila‚ ako na sana ang pumatay sa kanila sa brutal na paraan
“anong nais mong gawin natin kira ngayon alam na nating hindi tayo ligtas dito”
“babalik na tayo sa ating mundo dalawang araw mula ngayon aalis na tayo dito at babalik sa mundong nababagay sa atin” nagtataka ko siyang tinignan ngunit isang ngiti lang ang iginante neto
“papa-ano?”
“sa tulong ni tandang niro” kilala ko ang binanggit niyang pangalan dahil ito ang mamang tinulungan namin dati nung ninakaw ang pitaka niya at kami ni kira ang nag balik sa kanya nun pagkatapos naming mahuli ang magmakaw
“pero walang kapangyarihan si mang niro pa ano niya tayo matutulungan?” nag tataka kong tanong dito na ikinangisi niya naman
“itinago niya ang kaniyang mahika gamit ang sealing magic para hindi natin malaman na may kapangyarihan siya ngunit hindi iyon nakalampas sa akin‚ may naramdaman akong enerhiya sa matandang ’yun” aniya na medyo ikinagulat ko dahil hindi ko iyon napansin. Ang galing talaga ng babaeng ’to hindi nga ako nagkamaling mas malakas siya sa akin
______________________________________________
wala pa akong readers:(
please follow me here for more ud alijore
YOU ARE READING
x
FantasyThe battle between white and black mages‚ who will rise and who will descend... who will win and who will lose... who will rejoice and mourn... this is the fight of all that one person initiated‚ there will be no race left and everyone will suffer...