kiro’s PoV
“ito na ang simula kiro‚ humayo ka at iligtas ang lahat anak ko”
nagising ako dahil sa hindi maipaliwanag na panaginip‚ a-anong nais ipahiwatig ng panaginip na iyon? a-at bakit parang pamilyar ang boses na narinig ko‚ kapareho ng naririnig ko sa mga panaginip ko dati.
nabalik ako sa reyalidad ng biglang may sunod-sunod na kumatok sa pinto at rinig ko pa ang bangayan nila.
“mamaya mo nanga gisingin si kiro baka puyat pa”
“anong mamaya eh mag u-umpisa na ang klase‚ napaka bugo mo talaga ira”
napatawa nalang ako sa kanilang mga sinasabi at agad na tumayo para buksan ang pintuan‚ gulat naman ang rumihestro sa kanilang mukha dahil sa biglaan kong pag pakita.
“h-hi kiro‚ nakatulog kaba ng maayos?” ani avi ng may malawak na ngiti sa mga labi‚ cutie.
“oo naman‚ anong oras na pala? wala kasing orasan sa kwarto ko eh” tanong ko dahil totoo namang walang orasan sa dito sa inuukupahan kong silid.
“ah mag a-alas otso na saka alas otso at tatlumpong minuto mag u-umpisa ang unang klase natin iyon din ang dahilan kaya ginising kita” paliwanag niya na ginantihan ko lang ng ngiti.
inaya na nila ako sa baba saka nag umpisa ng kumain‚ at ayon si avi lang saka si ira ang nag i-ingay sa hapag nangi-ngiti lang ako kapag nag babangayan ang dalawa‚ para silang mga aso’t pusa sa sobrang kakulitan.
napatingin ako kay aviana ng bigla niyang banggitin ang pangalan ko.
“kiro ano nga palang kapangyarihan mo? hindi kasi namin nalaman kahapon eh kasi natulog ka agad‚ ayos lang din naman kahit hindi mo sabihin ma-iintindihan naman namin kung hindi ka komportableng i-share” nakangiti niyang ani.
“sa-sabihin ko ba ang tunay kong kapangyarihan? p-paano kung layuan nila ako?” bulong ko sa aking isip.
“bata mas mabuting ilihim mo nalang muna ang iyong tunay na kapangyarihan saka mona sabihin kapag nakilala mona sila ng lubusan” biglang sabi ng kung sino kaya luminga-linga ako pero wala naman akong napapansin na kahit ano.
“ako ito‚ ang ahas na nakalaban mo sa pag-susulit” explinar niya‚ napatango naman ako ng wala sa oras.
“ngunit anong kapangyarihan ang ipag pa-panggap ko? wala akong maisip”
“spell caster‚ nahahawig ang kapangyarihan mo sa mga sorcerer kaya katangian ng kapangyarihan muna nila ang ga-gamitin mong pag-papanggap”
“k-kiro? ayos kalang ba? ayos lang naman kahit hindi mo sabihin‚ hindi naman kita pinipilit” nakangiti niyang ani saka ipinag patuloy ang pagkain.
“s-spell c-caster‚ tama spell caster ang kapangyarihan ko” ani ko at nautal pa sa unang sinabi saka sila tinignan ng may kaunting ngiti sa labi.
“ang ganda naman pala ng mahika mo” aniya.
binilisan ko ng kumain at ’di rin nag tagal natapos na kaming kumain kaya umakyat na ako sa aking silid para makapag bihis at ganun din naman sila.
kasalukuyan kaming nag la-lakad sa labas patungo sa aming classroom at masasabi kong napakaraming quirians ang nakatingin sa amin ng masama na para bang may ginawa kaming mali‚ a-anong nangyayare?
“masanay kana kiro‚ tayong mga itim na bahagi ay laging makakaranas ng diskriminasyon‚ pag-mamaliit‚ pangugutya at pang-iinsulto dahil tayo ay nasa mababang ranggo pero hindi ibig-sabihin nun na titigil na kami o mas tamang sabihin na TAYO sa hangarin natin. Ako‚ ikaw‚ tayo ay dapat mag patuloy kaya kung maaari iwasan mo ang gulo dahil hindi natin kayang pantayan ang mga quirians na nasa matataas na antas ang lebel ng kapangyarihan” biglang sabi ni aviana at ipinag-patuloy na ang pag la-lakad.
mapa-mundo ng mga tao at mundo ng may mga kapangyarihan ay nakakaranas parin ng parehong pang a-alipusta.
hindi nalang namin pinansin ang masasamang titig na ipinupukol sa amin at nag patuloy sa pag-lalakad hanggang sa makarating kami sa aming seksyon‚ agad kaming pumasok at nasa akin naman ang atensyon ng lahat ngayon.
“siguro’y naninibago lang sila sa’yo dahil matagal na rin simula nung may makapasok sa itim na bahagi pero ’wag kang mag-alala mababait ang mga nilalang dito‚ makakasundo mo silang lahat sigurado ako” nakangiting sabi ni ira at inaya akong umupo sa dulo sa may bandang bintana dahil iyon nalang ang bakanting upuan.
ilang saglit lang at dumating na ang unang guro namin sa history at nakangiti itong humarap sa amin kaya hindi ko rin mapigilang mapangiti ng palihim.
‘ang aaliwalas ng mga mukha nilang lahat’
“magandang umaga mga mag-aaral sa itim na bahagi‚ balita ko’y meron kayong bagong ka-klase? maaari ka bang tumayo at mag pakilala sa harap?” nakangiti niyang ani saka ngumiti sa akin nag pagkalapad-lapad‚ weird‚ pero go lang.
agad akong tumayo saka pumunta sa harap upang mag-pakilala.
“h-hi ako nga pala si kiro morgan labing pitong taong gulang‚ sana’y maging magkaibigan tayong lahat” nahihiya kong sabi saka alangang ngumiti.
kita ko naman ang pag taas ng kamay ng isa kong ka-klaseng babae saka tumayo.
“anong gamit mong mahika kiro?” tanong niya.
“spell caster” sagot ko.
“maaari mo bang ipakita sa amin?” parang nagagalak niyang sabi saka pinag dikit ang dalawang kamay at inilagay sa dibdib na parang na i-excite.
“p-patay” ani ko sa aking isip.
“gayahin mo lang ang ba-banggitin ko bata” biglang sabi ng kung sino sa sa aking isip.
“duratus”
“duratus” saktong pagkabanggit ko ay ang hindi pag-galaw ng ka-klase kong babae na hindi ko alam ang pangalan.
rinig ko ang singhapan ng mga ka-klase ko siguro’y dahil sa binitawan kong spell o ’di kaya sa biglang pag hinto ng isa sa mga ka-klase namin.
“maari mo na siyang ibalik sa dati kiro” biglang sabi ng propesor‚ p-papaano?
“banggitin mo ang katagang duratus prohibere”
“duratus prohibere” at agad na nakagalaw ang babae.
“a-anong nangyare?” biglang niyang sabi at nag kamot ng batok kaya nag tawanan ang nasa loob ng silid kaya napangiti ako ng wala sa oras.
“maraming salamat sa pag papa-kita ng iyong kapangyarihan kiro‚ maaari ka ng bumalik sa iyong upuan at ng makapag umpisa na akong mag turo” ani ng propesor na sinunod ko naman at umupo sa dulo‚ saka naman siya ng simulang mag turo.
______________________________________________
bitin.
do vote & comment and please follow me here alijore for more ud.
YOU ARE READING
x
FantasyThe battle between white and black mages‚ who will rise and who will descend... who will win and who will lose... who will rejoice and mourn... this is the fight of all that one person initiated‚ there will be no race left and everyone will suffer...