chapter 1

347 22 3
                                    

THIRD PERSON POV

flashback / (23 février 2004)

kasalukuyang sinasalakay ngayon ng mga itim na majikero o mga devon ang sintrong bahagi ng Quire regnum habang umiiri naman ang reyna sa papalabas ng bunso niyang anak.

abala ang lahat sa pag protekta sa reyna sa loob ng palasyo nang biglang bumukas ang malaking tarangkahan at malakas na tawa ang kanilang narinig na nag patindig balahibo sa lahat‚ at iisa lang ang nasa isip nila sa boses na ito.

rukos ang hari ng may itim na majika’

nasaan ang aking pinakamamahal na zera” ani neto sa malalim na boses na mas lalong ikinakaba ng lahat ngunit tinapangan nila ang kanilang loob para maprotektahan ang reyna.

“protektahan ang mahal na reyna!!” malakas na sigaw ng heneral ng palasyo na tinalima ng lahat ng kawal ngunit bigla nalang bumagsak ang iba nang ikinumpas ng hari ng dilim ang kaniyang kamay mabuti nalamang at naka handa ang ibang kawal kung kaya’t hindi sila natamaan ng itim na kapangyarihan na iyon.

samantala sa loob ng silid ang kakatapos lang na panganak ng mahal na reyna at katabi niya ang malusog at napaka among mukha ng kaniyang anak na parang isang babae‚ sandaling panahon lang ang iginugol niya para pag masdan ang anak sa kadahilanang nasa gitna sila ng digmaan kaya pagkatapos niyang masdan ang kaniyang anak ay hinalikan niya ito sa noo at tinawag ang pinagkakatiwalaan niyang fabriquéna sinunod naman ng katulong.

“alora dalhin mo sa mundo ng mga tao ang aking anak at mahalin mo ito bilang tunay mong anak‚ sa iyo ko ihahabilin ang kinabukasan ng mahal na prinsipe kiro”

“masusunod mahal na reyna isang malaking karangalan na ipinagkatiwala niyo sa akin ang prinsipe. Nangangako akong pag sisilbihan at ituturing kong tunay kong anak ang prinsipe at porpotektahan ito kahit buhay kopa ang maging kapalit” madamdaming litanya ng katulong at kinuha ang sanggol sa bisig ng mahal na reyna zara.

“bumalik ka kasama ang prinsipe sa ikalabing walo niyang kaarawan alora‚ humayo na kayo at nasa sainyo ang aking basbas bilang reyna‚ naway pagpalain kayo ng mga bathala at hindi kayo pabayaan” litanya ng reyna at nag bigkas ng sortilége at may nabuong isang katamtamang lagusan sa kanilang harapan na agad namang pinasok ng katulong. Sumulyap muna siya sa reyna at makahulugang ngumiti dito na ipinapahitawig na magiging ligtas ang kaniyang anak sa mga bisig neto isang ngiti din ang iginanti ng reyna bago tuluyang malisan ng dalawa ang kaharian.

nawala ang ngiti ng reyna at napalitan ito ng seryusong ekspresyon ng may maramdaman siyang aura na sobrang pamilyar sa kanya‚ dali dali siyang nag palit ng damit at ininda ang sakit ng kanyang katawan at lumabas ng kanyang silid.

nasakop na ang buong kaharian ng mga devon at halos lahat ng mga quirians ay napatumba na ng mga ito.

“mahal kong zara mabuti naman at nag pakita kana sa akinmalalim at nakakakilabot na ani ni rukos ng makita niya ang reynang papalapit sa kanya mas lalo siyang nasabik ng maramdaman niyang may ibinatong puting kapangyarihan sa kanya ang reyna na inilagan niya agad“mag dahan-dahan ka naman mahal ko. Alam kong kakapanganak mo palang sa ating supling‚ kung ibibigay mo lang sa akin ang ating anak hindi na kita pahihirapan pa, ano sa tingin mo?”

“magkamatayan tayo ngunit kailanman hindi ko ibibigay ang anak ko sa isang halang na katulad mo rukos‚ nakaka suka kapag tinatawag mo akong mahal ko alam mo ba ’yun? at kapag na aalala ko yung mga panahong pinatulan kita ay nandidiri ako at dadalhin ko ang pandidiring ’yun sa kabilang buhay” biglang nawala ang ngisi at pagkasabik ni rukos at napalitan ito nang galit ng marinig niya ang mga katagang binitawan ng reyna kaya nagpakawala siya ng itim na kapangyarihan at ibinato niya ito sa reyna na nailagan naman kaagad.

“dito kana mag tatapos hindi ko man makuha ang anak ko sisiguradohin ko namang mamamatay ka sa brutal na paraan zara” galit na sabi ng hari at biglang sinugod ang reyna.

nag tagisan ang kanilang mga sandata at kung may makakita man dito ay tiyak na mamamangha sa labanan ng dalawang dating magkasintahan‚ nag batohan sila ng kapangyarihan sabay din silang tumigil at parehong nag hahabol ng hininga.

“tataposin kona ang labanang ito rukos‚ kasabay ng pagkawala ko ang pag-ubos ng lahi ninyo!! MAMATAY NA KAYONG LAHAT!!”

AUFERTE LUCEM AB OMNIBUS INIMICIS!!” nagkaroon ng panandaliang liwanag ang buong konteninte ng Iocreospea dahil sa binitawang sortilége ng reyna.

kasabay ng pag tigil ng liwanag ang siya namang pagiging abo ng katawan ng mga devon.

gulat ang rumehestro sa mukha ni rukos ng marinig ang binitawang sortilége ni zara ‘h-hndi maari ang kapangyarihang ito paano niya ito nagawang gamitin!! tanging mga diyos at diyosa lang ang may kayang gawin ang mataas na lebel ng kapangyarihan na ito!! hindi maari panginoong tulungan niyo ako!!

kasabay ng pagtigil ng liwanag ang pag kawala ng lahat ng mga kalaban pati narin sina rukos at zara.

alam ni zara ang kapalit ng binitawan niyang sortilège at bukal sa loob niya itong tinanggap na hanggang dito nalang ang kaniyang buhay ang mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan ng kanyang nasasakopan at ng kanyang anak‚ bago siya tuluyang maging abo ay sinulyapan niya muna ang unti-unting pagiging abo ng katawan ni rukos at nagbigkas ng katagang...

isang pagkakamaling minahal kita rokus”

______________________________________________

sa wakas natapos rin ang unang chapter mag uud pa ’ko ng marami kahit walang nag babasa

please follow me here for more ud alijore

xWhere stories live. Discover now